CHAPTER 5:

89 2 0
                                    

Nagising si eve ng tumama sa mukha nya ang liwanag na nanggagaling sa bintana ng kwarto nya. Hirap syang imulat ang mga mata nya dahil na rin siguro masakit ang ulo nya. Napa ungol pa sya sa sakit ng ulo nya.

"Hang over?" Tanong ng kuya mike nya na nakapagpangiwi sa kanya.

"Patay!.. for sure sermon na naman almusal ko!" Bulong nya sa sarili. Pero narinig pa rin sya ng kuya nya.

"Kung ayaw mong mag almusal ng sermon, edi sana tumino ka!" Anito na inis na inis sa kapatid nya. "Mabuti na lang matino ang bago mong kaibigan at inuwi ka dito samin ng ligtas."napayuko naman sya sa narinig sa kuya mike nya.

"What were you thinking?, Eve?." Nagtaas na ng boses ang kuya nya. "Paano nalang kung wala ang kaibigan mo dun at nalasing ka ng ganyan?.. sa tingin mo... Anong mararamdaman naming mga kapatid mo?.. paano kung napahamak ka?.. hindi mo kayang ipagtanggol ang sarili mo kapag lasing ka.. kahit black belter sa maraming martial arts, walang silbi yun kung lasing ka!... Naiintindihan mo ba?.."

Walang nagawa si eve kundi ang makinig sa sermon ng kuya nya. Ni hindi na nga sya nakatayo sa higaan nya dahil sa kahihiyan. Galit na galit ang kuya nya sa ginawa nya.

"Hindi ko itotolerate yang kalokohan mo ngayun Eve!.. hindi ka rin masasalo ng kuya max mo sa pagkakataong ito..."galit na galit na sabi ni kuya mike.. "hindi ko maintindihan kung bakit ba kailangan mong maglasing!"

"Because i saw ate Marga and craig kissing at covered court!" Sagot nya sa kuya nya na tiningnan nya para malaman ang magiging reaksyon nito sa sinabi nya.

"What?.." gulat na tanong sa kanya ng lalaki.

"I saw them kuya!" Hindi na nya napigilan ang luha nya ng maalala ang nakita kahapon. "Niloko nila tayo... May relasyon sila at huling huli ko sila na naghahalikan!.. kaya hindi ko napigilan ang sarili sa pag inom dahil masakit kuya... Masakit ang ginawa nila satin.. gusto kong makalimutan yung sakit kaya uminom ako kagabi!" Malakas na iyak ang pinakita nya sa kuya nya.

Hinang hina naman si kuya mike nya sa nalaman. Mabibigat na hakbang ang ginawa nito palapit sa kanya para aluin ang bunso nila.

"Kuya ang sakit!... Ang sakit sakit!" Hagulgol nya sa dib dib ng kuya nya. Hindi na rin napigil pa ng kuya nya ang maluha.

"We don't deserve them bunso!" Anito na pinapagaan ang sitwasyon. Pero sa totoo lang hindi rin nya akalain na magagawa sa kanya ng kasintahan ang ganun. Hindi naman sya nagkulang dahil ibinigay nya ang lahat ng pagmamahal nya rito. Ginawa rin nya ang lahat para tanggapin ng mga kapatid nya ang babaeng yun kahit na sa umpisa pa lang ayaw na ni eve sa kanya. Pero dahil sa kanya kaya naman tinanggap na rin eve ang babaeng mahal nya, naging close pa nga ang dalawa dahil nakahanap ng ate ang bunso nila. Pero heto umiiyak ang kapatid nya sa sakit na ginawa ni marga. Masakit, oo,.. pero hindi nya pwedeng ipakita sa bunso nila na mahina sya kaya naman tinibayan nya ang dibdib para hindi sya bumigay sa harap ng kapatid. "Makakamove on tayo.. hayaan mo na sila... We can move on together bunso... We can do it.. okay?"

MUGTO ang mata nya ng bumaba sya ng bahay nila.

"Ano plano mo ngayun bunso?" Tanong ni kuya migs.

"Pupunta kami ng talyer... Sama ka?" Aya sa kanya ng kuya mark nya.

Nangiti naman sya sa mga ito at tumango.

"Kumain ka na ng almusal mo bunso, para makaalis na tayo... Madami tayong customer ngayun at kailangan nating magtrabaho ng mabilisan.." nakangiting sabi sa kanya ng kuya max nya..

"Nasaan si kuya mike?" Tanong nya sa mga kapatid ng mapansing wala ang panganay nila.

"Nauna na dun sa talyer!.. kaya kailangan mong bilisan ang kilos kung ayaw mong masermonan ulit" natatawang sagot ni kuya migs.

Natàwa sya sinabi ng kuya nya. "Nagluto ng chicken soup si kuya mike kanina bago umalis, higupin mo yung sabaw habang mainit pa para mawala yang hangover mo." Bilin ni kuya max sa kanya.

"Wag ka na mag gatas bunso baka magkaproblema yang tyan mo!" Paalala naman ni kuya mark. "Maligamgam na tubig ang inumin mo."

Ang mga kuya ko talaga hindi ako pinababayaan. Kaya naman mahal na mahal ko sila.

"Saan nga pala nakatira yang craig na yan?" Tanong ni kuya mark na seryoso ang mukhang nakatingin sa kanya. Napatingin naman sya dito. "Sinabi na samin ni kuya mike yung nangyari kaya wag mong ipagtanggol samin yung gago na yun!"

"Kuya naman... Hayaan nyo na yun!" Kinakabahang sinabi nya sa kuya mark nya. "Naturuan ko naman na sya ng leksyon kahapon kaya okay na yun."

"Sayo okay na yun pero samin hindi!" Galit na sabi ni kuya max nya. "Okay lang kung ayaw mong sabihin, madali lang naman mahanap yung gago na yun." Dagdag pa nito sa kanya nakapagpalunok ng laway nya.

"Right, we have our ways." Dagdag pa ni kuya migs.

"Okay na ako mga kuya, nakapag usap naman na kami ni kuya mike kaya naman wag na kayong mag alala!" Sabi nya sa mga ito para naman huminahon na sila.

"Si marga bawal na rin sa bahay na'to, ayaw na rin naming makikita ang pagmumukha nya dito satin." Pahabol pa ni kuya max.

"Si kuya mike mismo ang nagsabi samin na bawal na dito satin si marga." Sabi pa ni kuya migs na halatang nagpipigil ng galit. " Ni banggitin ang pangalan ng babaeng yun bawal na rito satin kundi sasapakin ko!" Anito na tumingin pa sakin "kahit ikaw pa yun bunso, sasapakin kita kapag binanggit mo pa yung babaeng yun dito sa bahay!" Nagulat ako sa sinabi ng kuya ko kaya naman sunod sunod na tango ang sinagot ko.

"Tama na nga yan!" Bawal ni kuya migs, "hindi na tuloy maubus ubos ni eve yung pagkain nya e. Kailangan nating magmadali dahil siguradong naghihintay na si kuya mike sa talyer."

Napatango naman ang dalawang kuya nya. Sa totoo lang hanggang ngayun hindi pa rin maalis sa isip nya ang nangyari kahapon. Ang liwanag pa rin sa isip nya yung aktong nakita nya kay craig at marga. Masakit, oo talagang masakit, pero hindi kasing sakit ng tulad kahapon. Sa ngayun kasi medyo tinatanggap nya na sa sarili nya na wala na si craig sa buhay nya. Unang pag ibig nya ang lalaki kaya naman nasaktan sya talaga kahapon ng makita nya iyun, pero siguro nga hindi sya ang lalaking para sa kanya. Kaya naman naisip nya nalang na sana ang taong para sa kanya ay hindi sya sasaktan at mamahalin sya ng buong puso.

In Love To A TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon