CHAPTER 31:

71 2 0
                                        

GABI na ng umalis ako sa bahay nila eve. Shit!. Parang ayaw ko pa ngang umalis dahil gusto ko syang makasama ng matagal pero kailangan kong umuwi para harapin ang mommy. For sure nagwawala na yun sa galit sakin dahil sa hindi ko pagsipot sa kasal. Pero hindi naman ako nababahala sa isiping yun dahil inaasahan ko nanaman yun.

Pagpasok ko sa bahay nabungaran ko kaagad ang mommy na nakatayo sa sala at nandun pa si Monique na hilam na sa luha ang mukha nya. Nagkalat na ang makeup nya at suot pa rin ang wedding gown nya. She's a mess!. Katabi nya si mommy at inaalo sya. Si daddy ay nakita kong nakatayo sa harap nila, tahimik lang na pinapanood si Monique sa pag iyak.

Napatayo si mommy at Monique ng makita akong pumasok ng bahay. Dali daling lumapit sakin si mommy at sinalubong ako ng isang malakas na sampal.

Hindi na ako nagulat sa ginawa nya alam ko namang mangyayari ito. Pero si daddy ay hindi nakielam, pinapanood lang kami na medyo nakangisi pa na para bang nanonood ng teleserye.

Binalik ko ang tingin ko sa mukhan ng mommy ko. Kitang kita ang galit nya sa mukha nya.

"How dare you do this to us?" Gigil na gigil si mommy habang sinasabi ang mga salitang iyon. Pero nanatili lang akong tahimik. Pinagmamasdan ko lang ang itsura nya. "Where have you been?... Nakakahiya ang ginawa mo... At may lakas ka pa ng loob na ipakita yang pagmumukha mo sa harap namin."

"Love!..." Umiiyak si Monique ng tawagin nya ako. Kahit ayaw ko ay tiningnan ko sya. Ang pangit ng loko. Kalat kalat ang makeup nya sa mukha nya dahil sa pag iyak. "Saan ka ba nanggaling?... Kanina pa kita hinahanap... Ang tagal din kita hinintay sa simbahan."

"None of your business!" Walang emosyong sagot ko sa kanya. Isang malakas na sampal ulit ang inabot ko sa kamay mommy ko.

"How dare you?!" Gigil na gigil talaga si mommy sakin. "Hindi ka na nga sumipot sa kasal nyo bastos ka pa... Hindi ka na nahiya sa pamilya ni Monique... Napahiya ang pamilya natin dahil sa kahihiyang ginawa mo..."

"Mommy!, Its okay!... Pwede pa naman ituloy ang kasal bukas diba?" Pangungumbinsi ni Monique sa kanya. "For sure may nangyari lang sa kanya kaya hindi sya nakarating sa kasal namin!"

"It will never happen!" Sagot ko sa kanya pero kay mommy pa rin ako nakatingin.

"What do you mean it will never happen?" Gulat na tanong sakin ni mommy. Pati si daddy natigilan ng marinig ang nga salitang yun. "Kailangang makasal kayo ni Monique dahil pinagbubuntis nya ang baby nyo!.." natahimik ako sa sinabi ng mommy. Kumunot ang noo ko sa narinig ko sa kanya. "Kung tutuusin hindi mo naman dapat sinasaktan ng ganito si Monique dahil makakasama sa baby nyo!."

"How i got you pregnant?" Tanong kong nanunuya kay Monique. Isa na naman ito sa mga kasinungalingan nya para makuha ang simpatya ni mommy.

"Love!.. m-may nangyari kasi satin nung m-minsang n-nagpunta ako sa inyo at lasing n-na lasing ka!" Paliwanag nya sakin na halatang nagsisinungaling, halos magkanda bulol pa sya.

"Ow!... Really?" Sarkastikong taka ko. "I'm always drunk... Now tell me... Where did it happen?"

"S-sa bahay nyo, love!... Sa California" another lies. Nanagpatawa sakin ng malakas. Natigilan naman ang lahat sa inasal ko.

"Sorry!... Sorry!" Kunyaring humingi pa ako ng tawad sa pagtawa ko ng malakas. "I just can't remember when i got drunk when i was in our house in California... Cause mommy i remember .. i am not allowed to drink and got drunk in your house!... At kahit isang beses hindi ko binali yun... Dahil siguradong magagalit kayo sakin kapag uminom ako or umuwing lasing sa bahay na yun... Lalong lalo na si Nana... Siguradong maraming sermon ang aabutin ko sa kanya!"

In Love To A TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon