Hindi na alam ni eve kung anong dapat nyang gawin sa twing papasok sya sa trabaho ay lagi nyang nakikita ang lalaki.
Bigla na lang itong bumibisita sa department nya para kumustahin ang project na grupo nya ang nakakuha. Minsan pa ay nagugulat sya kapag bigla na lang itong nasa harap ng opisina nya at tinitingnan sya.
Naiinis na talaga sya sa lalaki. Ano bang akala nya pinapapabayaan nya ang trabaho at halos oras oras kung pumunta ito sa lugar nya.
Katulad ngayun nandito nanaman sa department nya at nag iikot ikot. Salamin kasi ang dingding ng opisina nya kaya naman nakikita nya ang mga nangyayari sa labas, kaya naman ilang beses nya ring nahuhuling hihinto ito sa tapat ng opisina at titigan sya ng malalim.
Kaya naman ang gagawin nya makikipagtitigan sya dito at sinisigurado nyang laging si eric ang talo. Ikaw ba naman matitigan na halos papatayin mo na e, makatagal ka kaya. Kapag hindi na kayang makipagtitigan ng lalaki ay aalis na ito sa department nya.
'Ano? Parang tanga lang. Nauubos ang oras nya sa pag pabalik balik nya sa department ko? Anong trip ng gagong yun!' yun lang ang naiisip nya sa inis.
Hindi tuloy makapagtrabaho ng maayos ang mga architect ko dahil sa pinaggagagawa nya. Ang mga tao nya naman kasing babae kapag nandyan ang ceo ay puro pa cute ang alam gawin. Edi wow! May matatapos nga sila.
'sige lang mga ungas tong mga to!, Puro pa cute kayo sa boss nyong sira ulo. Palalampasin ko ang araw na ito dahil pangalawang araw pa lang naman namin nakakasama ang bagong ceo, bukas kapag ganyan pa din humanda kayo sakin!' naisip nya nalang dahil napapansin nyang walang nagagawa ang mga architect nya.
ALAS singko ng hapon ng nagumpisa ng magligpit ang mga tao sa loob ng building. Nagmamadali naman si eve dahil may usapan sila ni lesly na magkikita sila sa coffee shop na pagmamay ari ni grey.
Ngayun yata ipapakilala ni grey ang bestman nya. As if namang may paki si eve.
"Good bye, architects!" Pagpapaalam nya sa mga architect nya. "Tapos na ang working hours. Magsi uwi na rin kayo!"
"Yes architect!" Sagot naman ng mga ito sa kanya.
Pagdating nya sa coffee shop ay si lesly pa lang ang nandun at naghihintay sa kanya. Kaya naman lumapit sya rito umupo sa harap nito.
"Tayo pa lang?" Tanong nya sa kaibigan na inip na inip na kakahintay sa kanila.
"Obvious ba?" Asar na sagot nito sa kanya. "Ang tagal nyo naman?"
"Kakagaling ko lang sa trabaho, parang hindi mo alam ah!" Iritang sagot nya sa kaibigan. "Hindi ba dapat si grey ang nandito na?"
"Hay naku!, Isa pa yun!" Halata sa mukha ng kaibigan nya ang inis halatang inip na inip na ito kakahintay sa kanila.
"Baka naman hinihintay pa ang paimportante nyang bestman kaya hindi pa dumadating!" Seryosong sagot nya sa kaibigan. Umirap naman si lesly sa kaibigan.
"Didiretso tayo mamaya sa fitting ng wedding gown ko ha?" Pag iiba nya ng usapan. Tumango lang si eve.
Nang mapansin ni eve na pumasok na si grey sa loob ng coffee shop. Nag init naman agad ang ulo nya ng makita ang kasama ng binata. Salubong ang kilay nya ng lumapit ito sa kanila.
"Hi, hon!" Humalik pa si grey kay lesly ng makalapit ito.
Pero pareho silang nagulat ng makita kung sino ang kasama ni grey.
"Anong ginagawa nyan dito?" Si lesly ang nagtanong kay grey. Galit ang boses nito pati na rin ang boses nito.
"Sya ang bestman ko!" Masaya pa si grey ng sabihin ito sa dalawa.
BINABASA MO ANG
In Love To A Tomboy
RomanceAno gagawin mo kung bigla ka na lamang iwan ng lalaking pinakamamahal mo ng wala man lang sinasabi? Aasa ka pa rin ba kahit na wala namang kasiguruhan na tunay ka nga nyang mahal? Paano kung makalipas ang 7 na taon ay magkita kayon...