BUMALIK kami sa trabaho after one week of our honeymoon. Hindi ko akalaing maladragon ang sex drive ng napangasawa ko. Pakiramdam ko hindi sya nagsasawa sakin. Gabi gabi at minsan pati sa umaga or tanghali hindi pwedeng walang aksyon. Pero di bale ang ganitong simpleng pagsasama namin ay napakasaya na para sakin. Ang maramdaman kong ako lang at hindi nya ako ipagpapalit sa iba ay sapat na para sakin.
"Lunch na tayo baby!" Nakangiting aya sakin ng asawa ko. Kinikilig pa rin ako kapag naiisip kong asawa ko na sya. Hindi ko namalayang lunch na pala dahil sa naging busy ako. "Tapos ka na ba sa trabaho?"
"Hindi pa!..." Takang sagot ko sa kanya. Habang sumimangot naman ang isang to. "Bakit?"
"Uwi na sana tayo sa bahay pagkakain ng lunch!" Pagmamaktol nya pa. "I miss you na!"
"Baliw!" Natatawang sagot ko sa kanya. Umupo naman sya sa harap ko habang pinapanood ang pagaayus ko ng gamit ko.
"Dapat kasi hindi muna tayo bumalik sa trabaho e!" Reklamo nya pa na may kasamang padyak pa ng paa nya. "E kung maghoneymoon na kaya tayo!"
"Hoy!.. Eric!" Sigaw ko sa kanya. "Hindi pa ba honeymoon na matatawag yung isang linggong magkasama tayo sa bahay?"
"Hindi ah!" Inis na sagot nya sakin. "Sino may sabing honeymoon yun?... Sila grey nga nag out of the country nung nag honeymoon sila ni lesly e, kaya dapat tayo din mag honeymoon na tayo... Malay mo makabuo agad tayo kapag naghoneymoon na tayo!"
"Kaloka!.. hindi pa ba honeymoon yung pinag gagagawa mo nitong nakaraang linggo?" Tumango naman sya bilang sagot sakin. "Ano tawag mo dun?... Naglibang?.. nagpalipas ng oras?"
"Baby!... Simpleng araw lang yun na kasama kita!" Seryosong sagot nya sakin. Hala! Sya!... Simpleng araw lang yun ano pa kaya ang honeymoon namin?.
"Sa weekend magpapabook ako ng flight para makapag honeymoon na tayo sa Europe!.." masaya nyang sabi nya sakin.
"Europe?" Gulat na tanong ko sa kanya. Ni hindi ko na nga nagawang hawakan yung bag ko. Ano ba naman klaseng lalaki to. Hindi nya kiniconsider na honeymoon yung unang linggo na magkasama kami sa loob ng bahay bilang mag asawa.
"Bilisan mo na baby nagugutom na ako!" Tumayo pa ito at hinila ang kamay ko ang isang kamay naman nya ay sya na ang naghawak ng bag ko. "Baka nandun na sila mommy sa restaurant.."
"Teka!.." natatarantang sagot ko sa kanya. "Kasama natin ang parents mo mag lunch?"
"Oo!.." excited na sagot nya sakin habang hawak ang kamay ko sa paglalakad. "Gusto tayo makita ni daddy at mommy!... Si mommy wala ng bukang bibig kundi Eve.."
Natatawa nalang ako sa kwento nya. Hindi nga ako makapaniwalang matatanggap ako ng mommy nya. Sobrang bait nya sakin, pakiramdam ko nga nagkaroon ako ng tunay na ina sa katauhan nya. Masarap pala sa pakiramdam na mayroon kang isang ina at isang ama na nagmamahal sayo.
Kung tutuusin kaming dalawa ni Eric ay mayroon ang isa't isa na dati wala kami. Sya ang magkaroon ng mga kapatid at ako naman ay mga magulang. Natagpuan nya ang pagkakataon na magkaroon ng mga kapatid na katauhan ng mga kuya ko. At ako naman ay nakakuha ng mga magulang sa katuhan ng mga magulang nya. Mga pagkukulang sa buhay namin na napunan nang ikasal kami. Ang kulang nalang samin ay anak.
Excited na akong magkababy kami at alam kong malapit na yun dahil imposibleng walang mabuo sa pinaggagagawa ng asawa ko nitong nakaraang isang linggo. Maraming anak ang gusto ko talaga. Siguro dahil na rin sa kagustuhan kong mag alaga ng bata. Kung ang mga pamangkin ko nga minahal ko ng todo ano pa kaya ang magiging mga anak namin.
NAGING masaya ang lunch namin kasama ang parents nya. Pati ang mommy nya hinihikayat si Eric na maghoneymoon na kami. Kaloka sa mga mayayamang tulad nila hindi nila matatawag na honeymoon kapag nasa bahay lang. Excited pa ang mommy nya nang sabihin ni eric na sa weekend ay aalis kami papuntang Europe para sa honeymoon namin.

BINABASA MO ANG
In Love To A Tomboy
RomansaAno gagawin mo kung bigla ka na lamang iwan ng lalaking pinakamamahal mo ng wala man lang sinasabi? Aasa ka pa rin ba kahit na wala namang kasiguruhan na tunay ka nga nyang mahal? Paano kung makalipas ang 7 na taon ay magkita kayon...