Kinabukasan ay hindi ko na nakita pa si eric. Ang sabi hindi rin pumasok dahil busy daw sa pag aasikaso ng kasal nila ni monique kaya naman medyo nakahinga ako ng maluwag. Kaya naman naisipan kong kumuha ng kape sa pantry at bumalik sa loob ng opisina ko.pampagising para hindi ako antukin. Kailangan kong matapos ang design ng floorplan ng condo ng isang client.
"Architect!.." napatingin naman ako sa isang babaeng tumawag sakin. Medyo alangan pa ang mukha ng architect ko habang tinitingnan ako. "May bisita po kayo!"
"Sino?" Hindi pa man sumasagot ang babae ay pumasok na agad ang bisita na sinasabi nya. Well! Hindi naman talaga bisita yun dahil para sakin bwisita sya. "Monique?"
"Musta?" Nakangiti itong nakatingin sakin. Pero ngiting plastik ang dating sakin. "Tagal nating di nagkita ah!"
"Ok lang hindi naman tayo close!" Pagtataray ko sa kanya na ibinalik ang atensyon sa ginagawa kong floorplan. "May kailangan ka?"
"Oo gusto ko sanang makausap ang babaeng sinasabing naglalandi sa fiance ko!" Napalingon naman ako sa kanya na nakakunot ang noo. "O sorry hindi pala babae kundi lesbian!"
Tiningnan ko sya ng masama sa narinig ko. Seryoso na rin ang mukha nyang nakatingin sakin. Tinaasan ko lang sya ng kilay at hindi ko balak patulan ang huling sinabi nya kaya naman ibinalik ko nalang ulit ang atensyon sa ginagawa ko.
Pero hindi ko inaasahan ang sunod na ginawa nya. Lumapit ito sa mesa ko at kinuha ang kapeng iniinom kanina na nakapatong sa mesa ko. Ibinuhos nya ito sa floorplan ginagawa ko. Kaya naman napatayo ako sa gulat dahil pati ang pantalon ko ay natapunan din ng mainit na kape.
"Ano bang problema mo?" Galit na singhal ko sa kanya. Na pilit pinupunasan ang ginagawa ko. Sana maisalba ko pa. Hindi ko na nga alintana ang init ng hita ko dahil sa mainit na kape. Inuna ko ang floorplan ko na isalba. Pero hindi ko na iyon naisalba pa. Putsa nasira na. Tiningnan ko ng matalim si monique.
"Ikaw ang problema kong tomboy ka!" Sigaw nya sakin. "Pwede ba stay away from my fiance, we're getting married next week and if you have a little dignity left in you, you're going to leave us alone and let us live peacefully."
Pero sa galit ko ay tinulak ko sya at napasandal sya sa pader. Hindi pa ako nakuntento dahil hinawakan ko ang leeg nya at idiniin pa sya lalo sa pader. Napatayo naman ang mga architect ko sa labas at tinitingnan ang nangyayari samin sa loob ng opisina ko. Pero hindi ko yun pinansin dahil hindi ko talaga mapigilan ang galit ko. Lokong babae to, sinira nya ang ginagawa ko at kailangan ko nanamang mag umpisa ulit sa umpisa. Ang masama pa kasi nito ay nadamay ang perspective na ginawa ko kaya naman talagang ulit ako sa umpisa. Bagay na ayaw na ayaw kong ginagawa kaya naman maingat akong magtrabaho. Dahil ayoko sa lahat ay ang inuulit ang trabaho ko.
"First I'm not a lesbian!" Gigil na sabi ko. "Second, we don't have a relationship, and last it's your fiance who's always chasing me!"
"Liar!" Galit nyang sagot sakin na nakakapit sa kamay ko na pilit inaalis sa pagkakahawak sa leeg nya.
"E gago ka pala e!" Sigaw ko sa kanya na galit na galit pa rin. "For your information hindi ako ang naglalandi sa fiance mo kundi ako ang nilalandi!"
"Tumigil ka!" Hirap na sagot nya sakin. "Mang aagaw!"
"Natatawa naman ako sa bintang mong mang aagaw ako. Baka dapat sabihin mo yan sa sarili mo dahil kung tutuusin ikaw ang nang agaw sakin!" Natatawang sagot ko sa kanya. Pero hindi ko pa rin inaalis ang kamay ko sa leeg nya. "Pero alam mo hinding hindi ko gagawin sayo ang ginawa mo sakin seven years ago nung ilayo mo sya sakin, iyong iyo na sya kung gusto mo pero kung hindi mo ako tatantanan baka mainis ako sayo at patulan ko ang panghahabol sakin ng fiance mo!"
![](https://img.wattpad.com/cover/279076765-288-k812518.jpg)
BINABASA MO ANG
In Love To A Tomboy
RomanceAno gagawin mo kung bigla ka na lamang iwan ng lalaking pinakamamahal mo ng wala man lang sinasabi? Aasa ka pa rin ba kahit na wala namang kasiguruhan na tunay ka nga nyang mahal? Paano kung makalipas ang 7 na taon ay magkita kayon...