CHAPTER 30:

74 3 1
                                    

"ANONG nangyari kuya mike?" Kasalukuyan kaming nasa sala ng mga kapatid ko. Kaming apat ay seryosong nakatingin sa kuya mike namin. "Paanong nakapasok dito si eric?"

"Pinapasok ko sya kaninang madaling araw!" Parang balewala lang kay kuya mike ang sagot nya sakin. Relax na relax pa itong nakaupo sa sala samantalang kami nakatayo sa harap nya.

"Bakit?" Tanong ni kuya max. Halata sa boses nito ang inis.

"Kuya niloko nya si eve!" Galit na sabat pa ni kuya mark.

"Ano bang nangyayari sayo?" Asar na tanong ni kuya migs sa panganay namin.

"Bunso, mabuti pa umakyat ka sa kwarto mo at mag usap kayo ni eric." Relax na relax lang si kuya mike habang inuutos nya sakin. "Ako na ang bahala kumausap sa mga kuya mo, si eric ang dapat na magpaliwanag sayo hindi ako. Pero sa mga kuya mo kaya ko na to!"

"Naguguluhan na ako sayo kuyA!" Naiiyak kong sagot sa kanya. "Bakit parang balewala lang sayo ang lahat. Alam mong sinaktan nya ako!"

"Hindi ko sya agad pinapasok kaninang madaling araw." Pagsisimula ni kuya mike sa paliwanag nya. "Hindi mo ba napansin ang pasa nya sa mukha?... Ilang suntok din ang inabot nya sakin kanina. Pero tinanggap lang nya ang mga suntok ko. Ni hindi sya gumanti, ni hindi umilag, at hindi ako pinigilan.... Narinig ko na ang paliwanag nya and it's about time na marinig mo din yun sa kanya."

Nagkatinginan kaming apat na mga kuya ko. Pare pareho kaming naguguluhan at nagtataka.

"Sige na umakyat ka na..." Utos sakin ni kuya mike na tinanguan naman ng tatlo ko pang mga kuya. "Please Eve!.. listen to his explanation."

Tumango lang ako sa kanya at sumunod na din.

Pumasok ako sa kwarto ko nakita ko pang natutulog si eric sa kama ko. Hindi ko napigilan ang sarili kong pumwesto sa gilid ng kama kung saan nakikita ko ang mukha nya.

Napakapayapa nyang matulog. Tiningnan ko ang pasa nya at sugat sa labi. Parang nanikip ang dibdib ko sa nakita ko. Hindi ko pa napigilang hawakan ang pisngi nya. Hindi pa rin sya nagbabago, napakagwapo nya pa rin. Napakagwapo pa rin ng mahal ko.

Nakita kong dumilat ang mata nya. Hindi ko na nagawang umiwas ng tingin. Matagl kong tiningnan sya sa mga mata nya. Napakaganda talaga ng mga mata nya. Ang kamay ko ay hindi ko rin inalis sa pagkakahawak sa pisngi nya. Shit!, Namiss ko ang baby ko.

"Baby!" Medyo paos pa ang boses nya ng marinig ko mula sa labi nya ang endearment na yun. "We need to talk!"

Umupo sya at sumandal sa headboard ng kama ko. Pinaupo nya ako sa tabi nya. Hinawakan nya ang kamay ko at malambing na tiningnan ako.

"Are you ready to listen?" Tumango lang ako bilang sagot sa tanong nya.

HILAM na ang mukha ng baby ko sa luha ng ikwento ko sa kanya ang nangyari sakin sa loob ng pitong taon na nagkahiwalay kami. Ikinwento ko sa kanya ang lahat. Wala ang inilihim gusto kong walang itago sa kanya.

Masakit para sakin na makita ang baby ko na umiiyak habang nakikinig sa kwento ko. Pero kailangan kong sabihin sa kanya ang lahat para tanggapin nya ako ulit.

"Come here, baby!" Tiningnan nya ako ng sabihin ko yun sa kanya. Namumula ang mga mata nya puro luha. Lumapit sya sakin. Hinawakan ko dalawang kamay ang mukha nya para punasan ang mga luha nya sa pisngi nya. Pero hindi ko na napigil ang sarili ko at siniil ko sya ng halik. Shit! Namiss ko ang labi ng baby ko. Hindi ko na rin napigilan pang palalimin pa ang halik ko sa kanya. Lalo na ng gumanti sya sa mga halik ko.

Ginamit ko ang kanang kamay ko para hapitin sya sa bewang papalapit sakin habang hindi ko pa rin binibitawan ang labi nya. Ipinasok ko pa ang mga dila ko sa bibig nya at pilit kong nilalasahan ang loob ng bibig nya. Napakatamis ng bibig ng baby ko. Mas lalong nilaliman ko pa ang halik ko sa kanya. Hinalikan ko sya na para bang gutom na gutom at first time ko makatikim ng pagkain. Hindi ko pa napigilan ang sarili kong Sipsipin ang dila nya. Napakasarap ng dila nya. Para akong mauubusan ng pagkain sa paraan ng halik ko. Binitawan ko ang mga labi nya para makahinga saglit at hinalikan sya ulit.

Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal sakin ng baby ko. Pati ang init ng katawan nya ay ramdam na ramdam ko habang nakadikit sa katawan ko. Hindi ko inaalis ang kamay ko sa bewang nya para hindi maalis ang katawan nya sa pagkakadikit sakin. Ang isang kamay ko naman ay nakahwak sa mukha nya dahil ayokong mahiwalay ang mga labi nya sa labi ko.

"Forgive me please!" Hingal na sabi ko ng bitawan ko ang mga labi nya. Nagmamakaawa ako sa kanya, ayokong iwan nya ako. Ang gusto ko bumalik na kami sa dati. "I will never leave you again, I promise!... I love you so much... And i don't wanna lose again..."

Tiningnan ko sya pero umiiyak pa rin sya at hindi nagsasalita. Shit!. Natatakot akong baka ayaw nya na sakin. Kaya naman hinawakan ng dalawang kamay ang mukha nya. Tiningnan ko sya sa mga mata nya.

"Please say that you still love me and you forgive me!" Pagmamakaawa ko. "Please baby, say something..."

Nakakabaliw na ang nararamdaman ko. Lalo na at hindi sya nagsasalita. Umiiyak lang sya. Natatakot ako ng sobra. Baka mamatay ako kapag sinabing nyang ayaw nya na sakin. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko.

Hindi ko pa rin binibitawan ang mukha nya. Nakatingin pa rin ako sa mga matang paborito ko. Mga matang gustung gusto kong tingnan kahit na mapula ito at lumuluha. Mga matang malungkot pero hindi na matalim tumingin sakin. Ayokong bitawan sya hanggang hindi sya sumasagot sakin.

"Baby... Please!... Say something!" Naiyak na rin ako sa takot dahil hindi sya tumitigil sa pag iyak at hindi rin ako sinasagot.

Pero imbis na sagutin ako ay lumapit ito sakin at niyakap ako ng mahigpit. Umiyak sya sa dibdib ko na hinayaan ko lang. Kaya naman niyakap ko din sya ng mahigpit na para bang mawawala sya sakin anumang oras. Hindi ko pa napigilan na halikan sya paulit ulit sa ulo nya. Amuyin ang napakabango nyang buhok.

"Wag mo na akong iiwan ulit, eric!" Halos hindi ako nakahinga ng marinig ko sa kanya yun. "Masakit... Napakasakit nung iwan mo ako... Kaya mo na among iiwan ulit!"

"Promise, baby!" Napakasaya ko nang marinig ko yun mula sa kanya. "I won't leave you again."

Bumitaw ako sa pagakakayakap sa kanya at iniangat ko ang mukha nya. Pinunasan ko ang mga luha nya. Pinagdikit ko mga noo namin. At tiningnan ko sya mga mata nya. Huminto na ito sa pag iyak at tahimik na nakipagtitigan sa kin.

"I love you baby...!" Pagtatapat ko sa kanya. At hindi ako magsasawang sabihin yun sa kanya ng paulit ulit.

"I love you too, baby ko!" Humihikbing sagot nya sakin.

Napakasarap sa pandinig ang mga salitang yun na nanggaling sa kanya. Hinalikan ko pa sya ng mas matagal. Halik na para bang wala ng bukas. Gusto kong iparamdam sa kanya kung gaano ko sya kamahal.

Nang maramdaman ko na umiinit na ang katawan ko at nararamdaman ko na rin ang init ng katawan nya. Kahit ayaw ko ay pinigil ko na ang halikan namin.

"Baby, we should stop!.." hingal na sabi ko sa kanya. Nakita ko pang naghahabol din sya ng hininga nya. "Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at may mangyari... Ayokong masira ang pangako ko sayo na ikasal muna bago ang kung anoman."

Natawa naman sya at niyakap ako ng mahigpit. Niyakap ko rin sya ng mahigpit. Ayoko na syang iwan pa at mawala sya sakin. Gusto nandito lang sya sa tabi ko. Hinding hindi ko na sya bibitawan ulit at sisiguruhin kong sakin lang sya. Sakin lang ang baby ko. At hindi ko hahayaang mawala ulit ang baby ko sakin.

Naranasan ko na ang hirap at sakit ng mawalay sa kanya ng pitong taon. Para akong wala sa sarili at namamatay araw araw. Nakakabaliw mawalay sa kanya at parang patay sa arawaraw na gigising ako sa umaga. At ang isiping baka may iba na syang minamahal ay halos tinotorture ako.

Ayokong may ibang humahawak sa kanya. Ayokong may ibang yumayakap sa kanya. Ayokong may ibang hahalik sa kanya. At ayokong may kasama syang iba.

Ako lang dapat. Ako lang dapat ang gagawa nun sa kanya. Hindi ko alam kung obsession na bang matatawag ito pero wala akong pakielam ang lam ko lang mahal na mahal ko sya at ayokong mawala sya sakin ulit.

Sya lang ang babaeng gusto kong makasama habang buhay. At mapapatay ko ang mga taong gustong ilayo sya sakin. Ang baby ko ang buhay ko. Sya lang ang nagbibigay buhay sakin. Kaya naman gagawin ko ang lahat para hindi na sya mawala sakin.

"Baby!... You're mine!" Madiin kong sabi sa kanya. "Only mine!."

"And you're only mine too,..." Sagot nya sakin na para bang nagbabanta pa, kaya naman nangiti ako ng marinig ko sya.

In Love To A TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon