Hindi nya masabi kay eve ang pagdating ng mommy nya lalong lalo na ang nangyari sa kanila ng mommy nya kagabi. Ayaw nyang masaktan ang mahal nya dahil sa kakitidan ng utak ng ina. Galit na galit sya sa ina dahil sa nangyari at sa mga pinagsasabi kay eve. Ngunit nawala ang lahat ng galit at inis sa ina ng makita nya si eve na nakangiti at nakatingin sa kanya ng malambing.
"Ano ginagawa mo dito sa talyer?" Tanong ni eve na gulat na gulat nang makita sya.
"Gusto ko lang makita ang baby ko, bawal ba?"sabay yakap nya sa dalaga na ginawaran nya ng halik sa noo.
"Sabi mo kasi hindi ka makakapunta ngayun dahil bibisita ka sa building nyo!" Takang paliwanag ni eve na hindi pa rin sya binibitawan ni eric sa pagkakayakap.
Ngunit imbis na sumagot ay ipinwesto ng binata ng mukha nito sa leeg ng dalaga. Nakapulupot ang dalawang kamay nya sa bewang nito at nakasandal sa gilid ng kotse.
"Pwede bang wag mo nalang muna ako tanungin at hayaan mo lang muna ako dito?" Malambing na sabi ng binata.
Nagulat naman si eve sa inasta ng nobyo. Mukhang wala ito sa mood at may dinaramdam.
"May problema ba ang baby ko?" Nag aalalang tanong ni eve sa kanya. "Pwede mong sabihin sakin!" Gusto nyang malaman kung ano ang dinaramdam nito. Kaya sinigurado nyang pwede itong magsabi ng problema sa kanya.
"Ok lang ako,baby!" Sagot nito na hindi pa rin binabago ang pwesto nila ng nobya. "Namiss lang kita, that's why I'm here! I wanted to see you so bad!"
"Sure ka?" Paniniguro nya dito na sinagot naman sya tango. Nag aalala talaga sya dahil nararamdaman nyang may dinaramdam ito. "You know!, You can tell me anything and I won't judge you whatever it is!"
"Im fine, baby!. Don't worry about me, I'm okay. I just really miss you!" Sagot nito na nasa malungkot na boses na sinundan ng halik ang leeg ng dalaga.
Nagtagal ang ganung pwesto nila. Nahihiya na nga si eve dahil pinagtitinginan sila ng mga taong dumadaan. Kaya naman nangingiti na lang sya. Ayaw nya naman pigilan ang binata sa pagkakayakap sa kanya dahil pakiramdam nya napapanatag ito sa pwesto nya.
Tumagal din ng ilang minuto bago nag angat ng ulo binata at tumingin sa kanya.
"Magdate naman tayo baby!" Ayang bigla nito. Nakangiti na ito pero ang mata nya ay malungkot pa rin. Pero ayaw nya naman itong kulitin.
"Magdate?" Tanong nya dito.
"Oo. Mula ng maging tayo hindi pa kita nadedate." Pagtatampo pa nito.
"Pero diba schedule mo ngayun para mag asikaso ng business nyo?" Pagpapaalala nya dito. "Baka naman magalit ang daddy mo nyan sayo dahil iisipin nila napapabayaan mo na yung responsibility mo sa kumpanya nya, isa pa bibisitahin mo rin ang business mo diba?, Sigurado ka bang okay lang yun?"
"Ok sige!, Kung yun ang inaalala mo aasikasuhin ko na ngayung araw yun. Pero bukas kailangan magdate na tayo!" Pagsuko nito sa kanya.
"Ok sige! What time mo ako sunduin bukas?" Pagsang ayun nya dito.
"Mga 8 ng umaga!" Excited na sabi ni eric na nagnining pa ang mga mata.
"8 ng umaga?" Gulat na sagot nya dito. "Don't you think that's too early for a date?"
"I wanted to spend my whole sunday with my baby!" Nagtatampong isiniksik ang mukha sa leeg ni eve.
"Okay, on one condition!" Pagsang ayon ni eve.
Napaangat naman ang ulo nito at tumingin sa mga mata ni eve na naghihintay ng kundisyon ng dalaga.
"Magsisimba muna tayo bago tayo mag umpisa sa date natin!" Diretsong sagot nito.
BINABASA MO ANG
In Love To A Tomboy
RomanceAno gagawin mo kung bigla ka na lamang iwan ng lalaking pinakamamahal mo ng wala man lang sinasabi? Aasa ka pa rin ba kahit na wala namang kasiguruhan na tunay ka nga nyang mahal? Paano kung makalipas ang 7 na taon ay magkita kayon...