After seven years:
"Hindi ko gusto ang pangit!" Nakakunot ang noo ni eve habang nakatingin sa floor plan na nasa harap nya. "Bakit may vacant space dito? Ano ba sabi ng client? Hindi ba dapat bawat sulok ng condo may silbi, anong silbi ng bakanteng space na iyan? At bakit ang liit ng recieving area? How sure are you na isa lang lagi dadating na bisita?"
Nakayuko naman ang architect na nagdesign ng floor plan na nagpepresent sa harap nya. "I don't like it! Do it again!" Wala namang nagawa ang architect nya kundi ang sumunod. "Next time wag kayong magpresent sakin ng basura!" Pahabol nya pa.
Head architect na sya ngayun sa isang construction firm and a future liscense civil engineer. Kagagraduate nya lang ng civil engineering at katatapos nya lang din kumuha ng liscense exam. It takes one week pa bago malaman kung nakapasa sya. Pero dahil kilala na nya ang sarili alam nyang sure ball na iyon.
Nagsuma cumlaude sya ng grumaduate sya ng architectural course at after three years ay nakagraduate din sya sa suma cumlaude ng kumuha sya ng civil engineering. Three years lang ang kinuha nya dahil na accredited lahat ng mga subjects nya sa architectural.
Nagtatrabaho na sya as architect dito sa isang kumpanya nang maisip nyang kumuha pa ng civil engineering. Tutal pareho lang naman ang field ng dalawang course.
After one year nang magsimula syang magtrabaho ay napromote sya agad bilang head architect ng kumpanya. Ikaw ba namang maging isa sa sikat na architect na magagaling, ni hindi sya pumapalpak sa trabaho. At talagang hands on sya dahil kahit sa site ay nagpupunta sya para mag inspection.
Ayaw nya ng pagkakamali kaya naman talagang mahigpit sya pagdating sa trabaho. At iyon din ang dahilan kaya naman maraming mayayaman ang gusto syang kunin na architect para sa mga buildings at houses nila.
Natatakot din ang lahat ng mga tauhan nya sa kanya dahil talaga namang mahigpit sya. Kaya naman pati ang mga ito ay maingat sa pag dedesign ng floor plan. Lahat kasi binubusisi nito at sinisigurado na masusunod ang gusto ng clients nila.
Pati ang mga materyales na gagamitin ay metikuloso din sya. Sya rin ang tumitingin ng mga ito kapag dumadating ang materyales. Lahat sinisigurado nya simula sa bakal, buhangin, graba, hollow blocks at semento. Lahat kailangan sigurado.
Nung nakaraang taon lang ay nagkaroon ng earthquake mabuti nalang at matibay ang disenyo ng building ng mga ginagawa nila kaya naman hindi gumuho ang mga buildings na tinayo nila.
Yun ang naging daan para pagkatiwalaan sya ng mga client nila. At sya ang gustong maging architect ng mga buildings nila.
"Pagod?" Tanong ni lesly nang mag dinner silang tatlo sa isang restaurant na pagmamay ari ng pamilya ni grey. Tumango naman sya dito at nangiti ng tipid.
"Pahinga din pag may time!" Paalala sa kanya ni grey.. Na nakaupo sa harap nya. Nangiti naman sya sa sinabi ni grey.
"Basta next week dapat maluwag ang sched mo kasi sasamahan mo ako sa preparation ng wedding namin." Pagpapaalala ni lesly sa kanya.
"As far as i know, I'm an architect and future liscense engineer and not a wedding planner!" Sarkastikong sagot nya kay lesly.
"Pero ikaw ang brides maid ko kaya dapat ikaw ang kasama ko sa lahat ng preparation ko" inis na sagot sa kanya ng kaibigan na magkasalubong pa ang mga kilay.
"Fine!, But I can't promise you kasi sabi ni mr. Reyes next week ang dating ng bagong may ari ng kumpanya at kailangan lahat kami nandun." Pag aalala ni eve na nakatingin sa kaibigan.
"Hindi na ba talaga nabago ang isip ni mr. Reyes sa pagbenta ng kumpanya?" Tanong ni grey habang kumakain.
"Ikaw ba naman magkaroon ng maraming utang dahil sa asawang sugarol e. Wala kang magagawa kundi magbenta ng kumpanya." Walang emosyon si eve na nagpapaliwanag sa kaibigan.
BINABASA MO ANG
In Love To A Tomboy
RomanceAno gagawin mo kung bigla ka na lamang iwan ng lalaking pinakamamahal mo ng wala man lang sinasabi? Aasa ka pa rin ba kahit na wala namang kasiguruhan na tunay ka nga nyang mahal? Paano kung makalipas ang 7 na taon ay magkita kayon...