Maaga pa lang nakarating na sila ng resort. Madaling araw pa lang kasi umalis na sila ng bahay para maaga talaga silang makarating. Katulad ng mga pamangkin nya ay tuwang tuwa din sya na makita ang dagat. Napakaganda ng view at sariwa ang hangin. Kaya naman ng magtatakbo ang mga pamangkin nya sa tabi ng dagat ay parang bata rin syang nakipaghabulan sa mga ito.
Mayamaya ay tinawag na sila ng kuya mike nya. Dalhin daw muna ang gamit nila sa loob ng hotel para dirediretso na ang pagswimming nila.
Napansin nyang okay na si kiya mike at ang asawa nito dahil naglalambingan na ang dalawa. Actually pati ang kuya migs at kuya mark nya ay napakalambing din sa mga asawa nila. Si kuya max naman nya hindi nanaman kasama ang asawa nya. Tahimik pa rin ito habang pinagmamasdan ang lambingan ng mga kuya nya. Kaya naman nilapitan nya ito niyakap nya mula sa likod.
"Wala ka bang kayakap ngayun kuya max?, Pwede bang ako na lang ang yakapin mo?" Paglalambing nya dito. Napangiti naman ito ng maramdaman ang yakap nya. Kaya naman humarap ito sa kanya at niyakap sya ng mahigpit.
"Bunso!, Tabi tayo matulog mamayang gabi!, Need ko ng embrace mo!" Request nito sa kanya na malungkot ang boses. Tumango naman sya. "Hihiramin muna kita kay bayaw ngayung gabi, gusto ko sana ako lang muna ang kadate mo ngayung araw hanggang mamayang gabi!"
Tumango lang sya. Tamang tama rin naman para magkaronn sya ng dahilan na iwasan ang ugok na yun. Hindi pa nga nya nakikita ang lalaki nang dumating sila. Baka hindi na pupunta ang ungas. Mabuti naman kung ganun.
"Bayaw!" Nagulat sya ng marinig ang sigaw ng kuya migs nya. Humiwalay naman sa pagkakayakap ang kuya max nya at lumapit rin ito sa lalaki.
Hindi naman sya makapaniwala na talagang nandun ang lalaki at hindi man lang nahiyang magpakita sa kanya at sa pamilya nya.
Nakita nya pang niyakap si eric ng mga kuya nya. At ang ganda pa ng ngiti ng gago habang sinasalubong nya ang mga kuya nito. Nakangiti din ito ng makita sya pero hindi nya ito binigyan ng ngiti dahil masamang tingin lang ang sinagot nya dito.
Nagulat naman sya ng lumapit sa kanya si eric na hindi inaalis mga mata sa mga mata nya at hinalikan sya labi nya. Hindi sya agad nakagalaw sa ginawi ng lalaki. Mabilis langna halik ang binigay sa kanya ng binata. Inilapit nito ang labi sa tenga nya.
"Sorry kung nandito ako pero inimbitahan nila ako kaya nandito ako. Isa pa sasamantalahin ko ang pagkakataon na makasama ka." Bulong nito sa kanya at tumayo ng tuwid sa harap nya. "Lalong lalo na ang sitwasyong walang alam ang mga kuya mo tungkol satin!"
Hindi sya makapaniwala sa ginawi ng lalaki. Ang mga kuya naman nya ay nangingiti pa habang nakatingin sa kanilang dalawa.
Nababaliw na yata ang ungas na ito. Ano bang pinaplano nya at bakit sya nandito ngayun. At anong pinagsasasabi nito na sasamantalahin ang pagkakataon na makasama sya.
"Sorry bayaw. Pero baka naman pwede sana ako muna ang kadate ngayun ng bunso namin?" Paalam naman ng kuya max nya ng lumapit ito sa kanila. Napatingin naman silang dalawa sa kuya max nya. "Tutal tatlong araw tayo dito ibigay mo muna sakin ang unang araw na makadate ang bunso namin."
"Sure kuya max, walang problema." Sagot naman ni eric na nakangiti pa sa kuya nya. Ang ungas nato kung umasta sa harap ng mga kuya nya akala mo ay talagang may relasyon sila. At kung tingnan pa sya kanina ay akala mo ba ay sabik na sabik itong makasama sya.
Bakit ba kasi nandito ito?, Hindi ba sya hinahanap ni monique?. O baka naman wala si Monique kaya heto at sya ang pinagtitripan ng gago?
Padabog na binagsak nya ang mga gamit nya sa higaan ng kwarto nya. Naguguluhan din kasi sya kay eric dahil parang nag eenjoy itong inisin sya.
![](https://img.wattpad.com/cover/279076765-288-k812518.jpg)
BINABASA MO ANG
In Love To A Tomboy
RomanceAno gagawin mo kung bigla ka na lamang iwan ng lalaking pinakamamahal mo ng wala man lang sinasabi? Aasa ka pa rin ba kahit na wala namang kasiguruhan na tunay ka nga nyang mahal? Paano kung makalipas ang 7 na taon ay magkita kayon...