CHAPTER 14:

71 3 0
                                    

Masayang masaya ang araw na ito para kay eve. Ito ang araw ng graduation ni eric. Aattend kasi sya ng graduation ceremony ng nobyo nya at ang usapan nila ay ngayung araw na ito nila itutuloy ang date nila na naudlot nung nakaraang linggo.

Hindi natuloy ang date nila. Hindi naman nabanggit ni eric ang dahilan, may biglaang nangyari daw kasi sa opisina ng daddy nya kaya naman kailangang nandun sya. Kaya naman napagkasunduan nilang sa graduation day na lang nila ituloy para celebration na rin. Suma cumlaude lang naman ang boyfriend nya kaya naman kailangan nila mag celebrate.

Dalawang araw na ang nakakaraan ng huling nagkita sila ni eric naging busy ata kasi ito sa para sa graduation at business nila. Pero ikinatatampo pa nya ay hindi nag tetext man lang sa kanya. Naisip nya nalang na talagang busy ito.

"Kawawa naman yung baby ko, siguro talagang busy sya. Baka lagi ng napupuyat at pagod yun. Ni hindi na nga sya nakakapag text sakin." Pag aalala nya. Kasama nya si lesly na aattend graduation ceremony.

"Tinawagan mo ba?" Tanong naman ni lesly sa kanya.

"Oo pero hindi naman sya sumasagot, tapos hindi rin sya nagrereply sa mga text ko." May halong pagtatampo naman ang boses nya.

"Baka naman may surprise sayo yun?" Panunuya nya sa kaibigan. "Tapos part ng surprise nya ang magpa miss sayo."

"Sa tingin mo, babe?" Kinikilig pa nyang sabi. "Ganun nga kaya?"

"Malay mo!" Nangingiting dagdag pa nito. "Hindi ka naman matitiis ni eric na hindi makita o marinig ka..., Naku!, Yun pa!"

Naging magaan naman ang pakiramdam nya ng marinig yun sa kaibigan.

Nang makarating sila venue ay marami na ang taong naroroon. Medyo nahuli pa nga sila ng dating dahil ng dumating sila ay nag uumpisa na ang ceremony. Kakatapos lang national anthem. Excited na naupo sila sa nakareserve na seat para sa kanila.

"Bakit ganun?" Takang tanong ni lesly.

"Bakit?" Napakunot ang noo nya ng marinig ang kaibigan.

"Bakit bakante ang upuan ni eric?. Wala sya o?" Anito na takang taka. "Hindi ba dapat dun sya nakaupo kasi suma cumlaude sya? Bakit bakante?"

"Oo nga ano?" Nagtataka na rin sya kung bakit wala ang nobyo nya sa upuan nito. Hindi nya malaman ang nararamdaman nya dahil hindi nya pa rin nakikita ang nobyo sa pwesto nito.

Hanggang sa tawagin na isa isa ang mga magsisipag tapos ay hindi pa rin nya nakikita ang binata. Tinawag na rin ang pangalan nya ngunit hindi pa rin ito lumalabas.

Nilagpasan na lamang ang pangalan nya at tinawag ang susunod sa kanya. Hanggang sa dumating ang oras na dapat ay magspeach ang suma cumlaude.

"Ladies and gentlemen, we are sorry to inform you that our beloved suma cumlaude will not be here with us today. But our cumlaude is here to give us a message." Ang emcee iyon.

"Wala bang nabanggit si eric sayo kung anong meron?" Tanong sa kanya ni lesly na gulat pa rin.

"Wala! Babe!" Naiiyak na sya sa inis at lungkot. Naguguluhan na sya dahil wala syang alam kung bakit hindi umattend ang boyfriend nya sa graduation ceremony nito. May usapan pa naman sila na magkikita sila ngayun at itutuloy ang naudlot na date nila.

Nagulat pa sya ng tumunog phone nya. Sa sobrang excited nya na baka si eric ang tumatawag ay hindi na nya nagawa pang tingnan, basta sinagot nya na lang ang tawag nito.

[Hello! Babe?, Nasaan kayo?] Si grey yun at galit ang boses nito.

"Nandito kami ni lesly sa graduation ceremony ni eric!" Sagot nya.

In Love To A TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon