CHAPTER 16:

72 2 0
                                    

Naging busy ang lahat sa opisina dahil ngayun darating ang bagong ceo. Pero si eve parang wala lang samantalang sila ang magpepresent ng bagong floor plan ng condo na itatayo sa makati sa harap mismo ng bagong ceo. Pero hindi naman kinakabahan ang dalaga. Sanay na sanay na syang humarap sa iba't ibang klaseng matataas na tao kaya naman hindi na nya alintana ang pagdating ng bagong ceo.

Marami rin syang naririnig na bulung bulungan na binata pa ang bagong ceo nila ngunit masungit at mahigpit ito. Kaya naman ang mga dalagang nagtatrabaho sa kanila ay hindi magkanda ugaga sa pagpapaganda.

"Masungit pero gwapo daw!" Sabi pa ng isa nyang architect na nagpapaganda pa.

"So sa tingin mo kapag nagpresent ka mamaya mapapansin ka dahil maganda ka ngayung araw?" Inis na bati ni si eve sa babae. "Sigurado ka ba na ready ka na sa presentation mo mamaya at hindi ka papalpak?" Nayuko naman sa hiya ang babae. "Ireremind lang kita ha?, Kasi dalawang grupo ang magpepresent mamaya at kapag hindi natin nakuha ang project na yun baka hindi mo na magawang magpaganda pa dahil wala ka ng ipambibili ng makeups mo." Paliwanag nya na naiirita sa gawi ng mga tauhan nya. "All of you back to work! Kung magpapaganda kayo dapat ginawa nyo na yan bago kayo pumasok sa trabaho dahil hindi kayo binabayaran ng kumpanya para mag paganda!"

Lahat naman ay natatarantang nagbalikan sa trabaho. Naging tahimik ang lahat dahil alam nilang mapapagalitan sila ni eve. "Siguraduhin nyong nakaready na ang floor plan mamaya. Architect milano ready na ba ang design para sa stair case ng main entrance ng condo?" Tanong nya sa lalaking nakasuot ng salamin. Isa ito sa magagaling na architect na hawak nya.

"Yes future engineer!" Pagyayabang nito sa kanya. Na sumaludo pa sa kanya.

"Architect lang hindi pa tayo liscense kaya hindi pa engineer!" Bigla namang tumunog ang phone nya. "Hello!" Walang emosyong sinagot nya ang tawag. Maya maya ay ibinaba nya na ang tawag. "Everyone! Be ready in 10 minutes, dapat after 10minutes nasa hall way na kayo para sumalubong sa bagong ceo!" Seryoso pa rin sya habang sinasabi yun sa mga tao nya.

Ang mga babae naman ay sobrang naeexcite ng malaman na malapit na nilang mameet ang bagong ceo nila. Si eve naman ay inis na bumalik sa opisina nya.

"Napaka importante naman nyan para salubungin pa ng mga empleyado nya!" Asar na sigaw nya sa loob ng opisina.

"Natural! Ceo e!" Sabat naman ni secretary ni mr. Reyes na nakasunod pala sa kanya ng pumasok sya sa opisina.

Nilingon naman nya ang babae na may ipinakita nya pa na asar sya. Kasundo nya ang secretary ng dati nyang boss kaya naman alam nyang inaasar lang talaga sya.

"Bakit nandito ka? May iuutos ba si mr. Reyes?" Takang tanong nya naman dito.

"Gusto lang masiguro ni boss na sasama ka sa pagsalubong sa bagong ceo!" Seryosong sabi nito sa kaniya.

"Kailangan ba talaga?" Bwisit na ang itsura nya ng sabihin ng secretary iyon sa kanya.

"May magagawa ka ba architect?" Panunuya nito sa kanya. "Sundin mo nalang ang huling gusto ni boss. Alam mo namang huling araw nya na dito at pati ako huling araw na rin." Malungkot na ang mukha nito ng maalalang hindi na sya makakasama nito sa trabaho.

"Fine!" Wala na lang syang nagawa na sumunod nalang sa babae. Bumaba na sya para isa sya sa mga unang babati sa bagong ceo.

Lahat ay kabado ng makarating sya sa lobby ng building. Ang iba ay nagpapahabol pa ng retouch ng make up, ang iba naman sinisigurado na maayos ang pag kakasuot nila ng damit nila. Samantalang sya ay. Simpleng blouse at jeans lang ang suot. Hindi kasi sya nagsusuot ng formal attire dahil hindi sya komportable. Lalo na kapag magpepresent sya sa harap ng mga client. Hindi naman sya binabawalan ng dating ceo nya dahil naman sa hindi nya napapabayaan ang trabaho.

In Love To A TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon