CHAPTER 26:

54 2 0
                                    

MAAGA akong nagising kinabukasan nakaready na ang breakfast namin. Iba talaga ang mga kuya ko dahil hindi pa rin ako pinababayaan. Ako na ang nagligpit ng pinaghigaan namin.

"Kain na bunso!" Aya ni kuya mike. "Umuwi na ang mga kuya mo kanina. Kaya wag mo na sila hanapin. May pasok ka pa sa trabaho diba? Kaya kumain ka na!"

Sumunod na lang ako sa kuya ko. Tahimik lang kaming kumakain ng agahan. Hindi naman na ako tinanong pa ng mga kapatid ko tungkol sa nangyari samin ni eric, siguro hinihintay na lang nila magsabi ako kapag ready na ako.

Malapit na ako sa building ng maisipan kong magkapr muna para makakuha ako ng lakas ng loob na kausapin ang CEO.

Nakaupo na ako at tahimik na umiinom ng kape ng mapalingon ako sa lalaking tumawag sakin.

"Eve?" Si craig yun. Aba! Halos walang pinagbago ang loko. Nagmatured lang itsura nya pero nandun pa rin ang kagwapuhan nya at kakisigan. "Ikaw nga si eve!"

"Craig!" Natatwang tawag ko sa kanya.

"Musta na?" Bati nito sakin na umupo pa sa harapan ko habang hawak ang kapeng binili nya. "Tagal din nating di nagkita!"

"Eto okay naman!" Nakakatuwang isipin na magkikita pa pala kami ng tukmol na to. Simula kasi nung nagkasagutan kami sa college at sinabi kong boyfriend si eric ay hindi na ito nagpakita sakin.

"Ang laki na ng pinagbago mo ah!" Gulat na pinakatitigan ako. "Lalo kang gumanda at mukhang professional ka na rin!"

"Liscence civil engineer at architect na ako." Pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Talaga!.. tamang tama nagtatayo ako ng construction company ngayun." Excited ang itsura ni craig habang nagkukwento. "Naguumpisa lang kami at nangangailangan ako ng civil engineer at architects. Baka interesado ka?"

"Actually may pinapasukan na akong kumpanya at matagal na ako dun!" Paliwanag ko sa kanya pero hindi ko naman naaninag sa mukha nya ang pagkadismaya.

"Ganun ba?" Nakangiti pa rin itong nakatingin sakin. "Ow! By the way. I wanted to invite you to my wedding day next week!, Can you believe it?,, I'm getting married!"

"Wow!" Nagulat naman ako at natuwa sa balita nya sakin, "congratulations!"

"Thanks!" Kaya naman pala masayang masaya ang loko dahil in love. Nang biglang tumunog ang phone nito. Binasa ni craig ang message sa kanya ng fiancee nya. "I have to go!.. hinihintay na ako ng fiancee ko... Nice to see you again!"

Umalis na rin si craig pagkatango ko sa kanya. Atleast si craig masaya na at may taong nagmahal sa kanya. At talaga namang masaya ako para sa kanya. Well, kailangan ko ng pumunta sa building namin para makausap ang CEO.

LUMAPIT ako sa secretary ni eric ng makarating ako sa tapat ng opisina nya.

"Nandyan na si Mr. Del Valle?" Tanong ko sa secretary nito na ngumiti naman nang makita ako.

"Yes architect! Nasa loob po sya!" May appointment po ba kayo sa kanya?"

"Wala naman pero pakisabi sa kanya na gusto ko syang makusap!" Seryosong sagot ko sa kanya. Tunawag ang babae sa telepono at maya maya ay pinapasok na ako sa loob.

Nagulat naman si eric ng makita ako at nakangiti pa ang loko.

"Baby!.." bati nya sakin na hindi ko naman pinansin. Inilapag ko ang resignation letter ko sa table nya na nagpakunot ng noo nya. "Baby, what's this?"

"Bakit hindi ka marunong magbasa?" Sarkastikong sagot ko sa kanya. Nawala naman ang ngiti nya sa sinabi ko.

"You're resigning?" Seryosong tanong nito.

In Love To A TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon