Tapos na ang klase nya sa araw nato ng maisip ni eve na tumambay sa isang bench na hindi masyadong na tinatambayan ng mga estudyante. Malamig sa lugar na yun at tahimik. Nasa ilalim ito ng punong malaki kaya naman hindi mainit sa kapag umupo ka dito. Dalawang bench na maliit na tama lang sa dalawang tao na magkatalikod ang pwesto. Umupo ako rito na nakaharap sa isang mini garden ng university.
'Grabe ang ganda dito pumwesto'. Naisip nya. Nang may marinig syang boses ng lalaki na kumakanta sa likod nya." Ebony and ivory
Live together in perfect harmony" kanta nito na animo'y isang rnb singer dahil sa lambing at lamig ng boses nito.
" Side by side on my piano, keyboard, oh lord! Why don't we"
Grabe sarap pakinggan yung boses ng lalaki sa likod nya. Nang lingunin nya ito ay nakaupo ito sa likod na bench na nakapwesto sa likod ng bench na kinuupuan nya. Pero hindi nya makita ang mukha nito dahil nakatalikod ito sa kanya. May nakasuot na ear phone sa tenga nito. Kaya naman ibinalik na lang nya ang paningin sa mini garden sa harapan nya.We all know
That people weren't the same wherever you go
There is good and bad
In everyone
We learn to live
when we learn to give each other
When we need to survive
together alive.Ebony and ivory
Nang hindi nya na napigilan at sumabay sya sa pagkanta ng lalaki. Nag second voice sya dito kaya naman ang ganda ng kinalabasan ng kanta nila na nakapag pangiti sa kanya. Hindi naman huminto ang lalaki sa pag kanta na para bang ginanahan pa ng marinig sya.
Nang matapos nila ang kanta ay bigla nilingon nya ang lalaki. " That was good!" Aniya pero nagulat sya ng wala na ang lalaking nakaupo sa likod nya at isang lalaking nakatalikod sa kanya na nakatayo ang nakita nya.
"Sya kaya yun?" Natanong nya sa sarili. Matangkad ito at malapad ang balikat. Wow mukhang maganda ang pangangatawan nito dahil sa hubog ng likod nito. May kausap ito sa cellphone nya.
Kaya naman naisip nya nalang na umalis. "Baka hinahanap na ako nina lesly. Kaya naman patakbo syang pumunta sa pinupwestuhan nila.
Dumeretso naman kami nila lesly sa bahay nila. May entertainment room sila at sound proof ito kaya naman hindi kami nakakaistorbo sa kanila. Ako ang nagpeplay ng drums and second vocalist din. Kasama ko din ang mga bff ko sa banda. Si grey ang bass guitar at lead vocalist namin, si lesly naman ang keyboard at kasama rin namin ang friend ni grey na si alfred, sya naman ang electric guitar.
Inabot na rin kami ng gabi sa rehearsal namin kasi mag audition kami sa music club. Two days na lang audition day na. Kaya naman talagang nag pupursige kami.ERIC'S POV
Nang matapos ang kanta namin ng babaeng sumabay sa pagkanta nya, nagring ang phone nya napatayo sya sa inis nang sagutin nya ang tawag.
"Monique?.. Bakit?.. Teka!, Paano mo nalaman ang number ko?" Iritang tanong nya sa kabilang linya[Edi kay tita?..] sagot ng nasa kabilang linya
"I'm busy, I'll hang up,. Dont call me again. I don't want to be disturb!" Inis na binaba nya ang tawag nito.
Nang maalala nya ang kaduet nya kanina kaya naman nilingon nya ito sa bench pero wala na ang babae. "My god!.. what a voice?!... Who the hell is she?" Tanong nya sa sarili na nanghihinayang dahil sa hindi nya ito nakilala..
Nagulat pa sya ng may tumawag sa kanya sa likod nya."Eric!!.. tara na baka iwan na tayo ni eugene!" anito. Kaya naman sumunod na sya dito..
Eric miguel del valle. Ang nag iisang anak ng mga del valle. Kilalang kilala sya sa university. Halos lahat ng mga estudyante ditong babae kilala sya. Graduating na sya dito, fourth year at running for cumlaude. Business administration ang kurso nya. Sya lang naman din ang mag mamana ng del valle empire dahil nga unico iho sya. Gagraduate pa lang sya sa college pero may sarili na syang business na pinapatakbo, yun ay ang EMDV constructions.
"I need to buy a new sim card for my phone!" Inis na sabi nya habang nakikipag inuman sa mga kaibigan nya.
"Na naman?" Takang tanong ni eugene habang umiinom ng beer. "Don't tell me, monique knows your contact number again?"
"What else is new?" Sabat naman tristan. " Sabi ko naman kasi sayo ngayun pa lang komprontahin mo na yan."
"And then what, mag histerical nanaman si mommy dahil binasted ko nanaman yung gusto nyang maging daughter in law?" Inis na sabi nya." I really hate monique, cause she's using mommy to get me!"
"I heard your mom is doing everything to get you two enggaged!"nangingiting sabi ni eugene."Damn, you've better do something about it bro, or else you'll end up to be like your cousin justin!"
Si justin ay ang pinsan nya na walang nagawa sa arrange marriage na ginawa ng tita nya. Ipinakasal ito sa anak ng isang ceo na kaibigan ng mommy nya.
"Never!. I am going to marry the woman i love!" Sagot ni eric na madilim ang pakakatitig sa kaibigan
"The question is... Were you inlove?" Napahagalpak ng tawa si tristan ng itanong nya ito kay eric.
Natahimik naman si justin sa tanong ni tristan. He is not yet in love with someone else but he has so many women who ended up in his bed. And none of them is special for him.
"You know what there's this girl in university that has lovely voice.. nakaduet ko sya kanina sa mini garden." Kwento nya sa mga ito.
"Who is she?" Tanong ni eugene
"I don't know?.. i didn't even saw her because of Monique's call." Inis na sagot nya. "But I'm telling you men she really has a sweet voice.. paglingon ko kasi sa kanya wala na sya dun e.. kainis!.. bwisit talaga tong Monique na to e!"
"Ano yun multo?..bigla na lang nawala?" Pang aasar ni tristan sa kanya
"Baka naman guni guni mo lang yon?" Dagdag naman ni eugene "you know what?, Let's just drink to that, whoever she is!"..
Napatango nalang si eric kay eugene. Pero hindi pa rin maalis sa isip nya ang babaeng nakaduet nya. 'Sino nga kaya sya?' anya sa sarili. That was the first time na may ibang pumwesto sa lugar na yun, kaya naman gustung gusto nya dun nagpapalipas ng oras dahil walang tumatambay dun. Narerelax sya kapag nandun sya sa twing vacant time nya, nakakaalis din ng stress dahil tahimik sa lugar na yun.
Sa twing napipikit ang mata naririnig nya boses ng babae. 'Damn, nakakainlove talaga yung boses ng babaeng yun. Who the hell is she?' tanong nya sa sarili.
Pati sa pag uwi nya sa condo nya. Nasa utak nya pa rin ang boses ng babae kaya naman hindi sya halos nakatulog ng gabing yun.KINABUKASAN pag dating ng vacant time nya ay dun sya agad dumeretso sa mini garden ng university. Nagbabaka sakali syang nandun ulit ang babae. Pero naubos na ang araw nya ng walang dumadating na babae.
' Siguro hindi talaga dito ang tambayan nya'. Naisip nya pero nakaramdam sya ng lungkot dahil hindi nya man lang nakilala ang babaeng yun. Siguradong estudyante lang din yun pero anong year na kaya sya o anong department sya nabibilang?. Mga tanong na hindi maalis sa isip nya.
Wait! hindi kaya kasali yun sa mga music club dito sa university?. Nang maisip nya ito ay tinawagan nya si tristan sa cellphone.[Yow!] Anang nasa kabilang linya.
"Tristan!.. Alamin mo nga kung kelan ang presentation ng music club!" Utos nito sa kaibigan.
[Bro!. Ang alam ko opening sila for audition para sa mga new member?] Sagot nito kay eric.. [Bakit bro?.. don't tell me mag audition ka?.. that's not you anymore!] Dagdag pa nito na sinundan ng malakas na tawa.
"Shut up!.. you asshole!.. just tell me when is this audition?" Asar na tanong nya.
[I don't know?.. why don't you ask your beloved monique.. you know she's a member of music club!] Sagot nito sa kanya.
"The fuck!.. your useless!" Inis na sagot nya na ibinaba ang tawag. 'how the hell am i going to ask monique?, Hello iniiwasan ko nga yung babaeng yun' nasabi nya na lang sa sarili. Nagulat sya ng tumunog ang phone nya. May natanggap syang message galing ni tristan.
'tomorrow is the schedule of the audition... You owe me..' message nito sa kaniya na nakapagpangiti sa kanya.
BINABASA MO ANG
In Love To A Tomboy
RomanceAno gagawin mo kung bigla ka na lamang iwan ng lalaking pinakamamahal mo ng wala man lang sinasabi? Aasa ka pa rin ba kahit na wala namang kasiguruhan na tunay ka nga nyang mahal? Paano kung makalipas ang 7 na taon ay magkita kayon...