CHAPTER 18:

66 2 0
                                    

"Mga kuya!" Sigaw ni eve. Naisip nya munang leave sa trabaho ng isang linggo para mabisita nya ang mga kapatid nya. Tagal na rin kasi ng huling bisita nya sa mga ito.

Hindi naman nya naiisip na magkakaproblema sa trabaho kung wala sya. Magagaling ang mga architect nya kaya naman pwedeng pwede nyang iwan ang trabaho sa kanila. Isa pa kailangan nya munang lumayo kay eric dahil parang na susuffocate sya sa presensya nito. Lagi kasing nasa harap ng opisina nya loko para lang titigan sya. Parang tanga lang talaga.

May sariling pamilya na ang mga kuya nya. Pero si kuya max nya ay wala pa ring anak. Dalawang taon na nang ikasal si kiya max nya sa asawa nya pero hindi pa rin ito nagkakaanak.

Nagtakbuhan naman ang  mga pamangkin nya ng makita sya.

"Tita ninang!" Sagot ng mga ito sa kanya. May dalawang anak na lalaki si kuya mike nya. Well ang tinik ng kuya nya dahil kambal ang mga ito. Si kuya migs naman ay isang babae. Si kuya mark ay isang lalaki din at may parating na isa pa dahil buntis ang asawa nito.

"Ay naku ang mga baby ko!" Lambing naman na pinagyayakap ang mga pamangkin. Lahat ng pamangkin nya ay ninang sya. Yun kasi ang gusto nya. "Naging mabait ba kayo?" Tanong nya pa sa mga ito na nagsipagtanguan naman.

"Tagal mong dumalaw samin bunso ah!" Tampo ni kuya mark sa bunso nila.

"Dami kasi trabaho!" Tipid na sagot nya sa mga kapatid.

"Pumasok na kayo sa loob ng makakain na." Aya ni kuya migs sa kanila ng mga pamangkin nya. "Tamang tama ang dating mo tanghalian na tapos na si mark magluto."

"Uy kuya max!" Tawag nya dito ng makita ang kuya nya. "Mag kaka pamangkin na ba ako sayo?"

"Tumigil ka nga!" Pikon na sagot sa kanya. Nagulat naman sya sa inasal ng kuya nya. Napalingon naman si migs kay max.

"Tumigil ka max. Wag ganyan ang reaksyon mo dahil wala namang alam si bunso!" Asar na bati ni migs dito. Nagtataka talaga sya sa kinikilos ng nga ito sa twing napag uusapan ang kiya max nya.

"Ano ba yun?" Tanong nya sa dalawa. "Ano yung hindi nyo pinaaalam sakin?" Usisa nya dito.

"Wala yun bunso. Pasensya na pagod lang ako sa trabaho. Wag mo na ako pansinin!" Yun lang ang sinabi ng kuya max nya. Napansin din nya na hindi nito kasama ang asawa. 'anong meron kaya?' tanong nya nalang sa sarili.

Sabay sabay silang kumain sa kusina ng dating bahay nila. Wala pa ring nagbago sa bahay nila, ayaw kasi ng mga kuya nya ipabago dahil maraming memories ang mga magulang nila dito. Si kuya mike ang nakatira sa bahay nila at syempre pati sya dahil bunso sya at wala pa syang asawa. Ang ibang kuya nya naman ay may mga sariling bahay na.

Nagtitipon lang sila sa dating bahay kapag dumarating sya. Palagi naman kasing nagkikita ang mga kuya nya dahil sa pag aasikaso ng business nila na lumalago talaga. Sya lang naman ang madalang na makasama ng kuya nya dahil sa malayo pinagtatrabahuan nya. Kaya naman kapag darating sya ay animoy fiesta sa loob ng bahay nila.

Sa twing nagkikita kita silang magkakapatid ay ang mga pamangkin nya naman ang lagi nyang kasama. Masayang masaya sya talaga kapag nakakasama ang mga pamangkin nya. Nakikipaglaro sya sa mga ito. Kung titingnan mo nga ang mga ito ay parang si eve bumalik sa pagkabata.

"Nakauwi na pala si eric dito sa pinas bunso?" Tanong ni kiya mike nya. Nasa sala sila ng mga oras nayun. At silang magkakapatid lang ang nandun. "Bakit hindi mo naman sinama si bayaw?"

"Busy yun!" Sagot nya sa mga kuya nya na nagulat pa sya dahil nalaman ng mga ito na nandito na ang lalaki.

Nang  iwan sya ni eric nung panahon na yun ay hindi nya sinabi sa mga kuya nya ang nangyari sa kanila ng binata. Masyado kasing close ang nga ito sa lalaki kaya naman hindi nya sinabi sa mga ito ang pang iiwan sa kanya.

In Love To A TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon