"Ano ba kasi ang plano mo, Eric?" Seryosong tanong sakin ni grey. Kasalukuyan kaming nasa labas ng bahay nila ni lesly. Nasa loob si lesly ng bahay at ayaw akong makita dahil sa galit. Alam kong galit sakin dahil sa nangyari kanina sa restaurant.
"Maayus na ang lahat grey! Mababalikan ko na ang baby ko!" Dapat sana mamayang gabi magsasalita na si daddy tungkol sa kasal pero pintigil ko muna dahil sa sinabi sakin ni eve kanina!" Paliwanag ko sa kanya. Nagbago ang plano ko dahil sa hamon ni eve. Kaya dapat matuloy ang preparations sa kasal namin ni Monique.
"Okay! Hindi na kita kukulitin tungkol dyan!" Pananahimik ni grey!
"Nagalit nanaman sakin ang baby ko!" Mangiyak ngiyak kong sabi kay grey. Napatingin ito sakin. "Kahapon na blackmail ko sya. Sabi ko tatanggalin ko lahat ng architects nya kapag Nagresign sya... Galit na galit sya sakin."
"Bakit mo naman ginawa yun?" Gulat na gulat sya sa sinabi ko.
"Natakot ako grey!" Naiyak na ako ng tuluyan sa harap ni grey. "Ayoko syang mawala sakin... Hindi ko na nga sya nakakausap ng maayus dahil iniiwasan nya ako tapos kung titigan ako parang kakainin nya ako ng buhay... Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat pero ayaw nya akong kausapin..."
"Kung ano man yang pinaplano mo susuportahan kita!" Seryosong sagot ni grey sakin. "Alam ko yung ganyang pakiramdam dahil ganyan din nararamadaman ko kapag nagagalit sakin si lesly... Natataranta ako na parang ulol na hindi matae!"
Nagkatawanan kaming dalawa sa sinabi ni nya. Pero atleast naiintindihan nya ako. At hindi pala ako nag iisa.
"SASAMAHAN ko si Monique sa fitting ng wedding gown nya bukas, sasama ka ba?" Si mommy yun. Kasalukuyan kaming kumakain ng dinner sa bahay. As usual nandun din si Monique para makasama kami. Pero umiling lang ako at seryosong kumakain. "Don't tell me busy ka nanaman bukas?... Bigyan mo ng effort ang wedding preparation nyo Eric!"
"Anong silbi ng hinire nyong wedding coordinator kung hindi naman pala mapagkakatiwalaan, walang silbi, trabaho nila yan hindi ko trabaho yan!" Walang emosyong sagot ko sa kanya. Napabuntong hininga naman ang mommy sa sagot ko. Si Monique ay tahimik lang na nakikinig samin ganun din si daddy na hindi nakikielam sa usapan namin ni mommy.
"Kailangan mong sumama dahil isusukat mo rin yung white suit na pinatahi ko!" Seryoso pa rin si mommy habang sinasabi sakin.
"Sorry sweetheart!" Sabat ni daddy. "Nagkakaproblema kasi kami ngayun sa opisina kaya naman kailangan nandun kami para ihands on lahat.... Kaya nyo na siguro yan ni Monique..."
Malambing talaga ang daddy kay mommy. Kaya naman napatango nalang ang si mommy sa sinabi nya. Mahal na mahal talaga ni daddy si mommy. But i bet i love my baby eve more.
"Sumunod ka sa library son. May pag uusapan tayong importante." Tinanguan ko naman si daddy.
"NAAYUS ko na ang lahat!" Paliwanag ni daddy sakin. Nasa library na kami nakalock ang pinto kaya kami lang nakakarinig ng ponaguusapan namin. Si Monique ay nasa guest room na at hinatid pa ni mommy. Ang kapal ng mukha. "Safe na si eve. Hindi alam ng mommy ang tungkol dun pero hindi na nya magagamit panlaban yun sayo.... So magsasayang tayo ng pera para sa kasal?"
"I have a plan dad!" Seryosong sagot ko. Tumango naman sya sakin.
"Whatever it is!... Make sure na hindi masasaktan ang mommy mo!" Banta ni daddy sakin.
"Nandyan ka naman para saluhin si mommy diba?" Nginisian ko pa sya ng sabihin ko yun sa kanya.
"Of course!..." Seryosong sagot nya sakin. "Then everything is up to you!... Minamadali na nga ng pamilya ni Monique ang kasal dahil luging lugi na ang kumpanya nila dahil sa pinag gagagawa mo!... I even heard your mommy and Monique talking that they are going to convince me to save their company!"
BINABASA MO ANG
In Love To A Tomboy
RomanceAno gagawin mo kung bigla ka na lamang iwan ng lalaking pinakamamahal mo ng wala man lang sinasabi? Aasa ka pa rin ba kahit na wala namang kasiguruhan na tunay ka nga nyang mahal? Paano kung makalipas ang 7 na taon ay magkita kayon...