MASAYA ako dahil nalabanan ko na kahit papano ang depression ko sa tulong ng mga kapatid , mga kaibigan , at lalong lalo na sa asawa ko. Hindi ko na nararamdaman ang lungkot at takot na mag isa. Natanggap ko na rin ang pagkawala ng kambal ko. Siguro nga hindi pa sila ready na ipanganak ko.
Ang isang ikinatatakot ko na lang ay ang posibilidad na hindi na ako magka anak pa dahil ang sabi nga ng obgyne ko mahihirapan daw akong mabuntis dahil sa nangyari sakin nung makunan ako. Kaya iniisip ko nalang baka hindi pa ito yung time para magkababy kami.
Bumisita kami ni Eric sa bahay namin. Nandun ang lahat ng pamangkin ko kaya as usual ang mga pamangkin ko ang kasama ko. Para akong bata na nakikipag laro sa kanila.
Ang lalaki na ng mga pamangkin ko. Nakakatuwa samantalang parang kelan lang pinapalitan ko pa sila ng diaper. Narinig ko pang tinawag ako ni Eric kaya naman napalingon ako.
"Kain na tayo!" Nakangiting aya nya sakin. Kaya naman inaya ko na rin ang mga pamangkin ko para kumain ako pa ang naghugas ng mga kamay nila.
Masaya ang naging araw ko ngayun dahil kasama ko ang mga kapatid ko at mga pamangkin ko. Dito kami magpapalipas ng gabi sabi ni Eric. Kaya naman napakasaya ko dahil makakasama ko pa ng matagal ang mga pamangkin ko.
"Kapag talaga kasama mo ang mga pamangkin mo hindi mo na kami naaalala!" Kunyaring pagtatampo sakin ni kuya max.
"Bakit?... Malalaki na kayo no?... Hindi na kayo bata kaya ibig sabihin hindi na kayo cute!" Pang aasar ko pa sa kanila.
"Grabe sya!" Naiiling na lang ang mga kuya ko sakin. Pero si Eric ay malakas ang tawa.
"Sana magkababy na rin kami!" Malungkot kong nasabi yun sa harap nila. Niyakap naman ako ni Eric ng makitang lumungkot ang mukha ko.
"Dibale ako naman ang original baby mo e, kaya okay lang kahit hindi pa dumadating yung baby." Paglalambing nya sakin. "Natatakot nga ako baka kapag nagkababy na tayo ay hindi mo na rin ako mapansin!"
"Sira!" Saway ko sa kanya. "Pwede ba naman yun?"
Natatawa naman ang mga kapatid ko habang pinapanood kaming mag asawa.
Sinulit ko ang mga oras na makasama ang mga pamangkin ko. Kinabukasan ng gabi pa kami umuwi. Napagod ako sa biyahe pero ang asawa ko parang hindi man lang napagod dahil iba ang ngiti nya sakin ng matapos akong maligo.
"Wag ka munang matutulog baby ha?" Nakangising bilin nya sakin. "Maliligo lang ako tapos maniningil ako dahil hindi kita nasolo kagabi."
Natatawang tumango na lang ako sa kanya. Ang asawa hindi pa rin nagbabago gabi gabi nalang gusto may aksyon.
ILANG buwan na rin ang nakakalipas ng bumisita kami sa bahay nila Eve. Naging busy kasi kami sa trabaho. Bumalik na kasi si Eve sa pagtatrabaho sa kumpanya. Para naman malibang daw sya at hindi masyadong maisip ang pagkakaroon ng baby.
Ang nabili nya pa ngang baby shoes ay ginawa nyang keychain. Ang isa ay para sa kanya at ang isang kapareha ay sakin. Inilagay nya sa susi ng kotse.
Naging masaya din ako ng sabihin ni doc. Riza na nakarecover na si Eve from her depression. Hanggang naisipan naming mag outing kasama ang mga kuya ni eve at sila Grey na rin.
Tuwang tuwa si Eve habang nakikipag laro sa mga bata sa gilid ng dagat. Gumagawa sila ng sand castle at nagpaligsahan pa ang mga bata. Ang pinakamagandang sand castle daw ay may reward kay Eve. At kaming dalawa ni Eve ang judges.
Napakasaya ng mga bata kaya naman talagang nakikita kong nag eenjoy ang baby ko, kahit medyo nag seselos na ako dahil hindi ako pinapansin kanina pa ng baby ko dahil busing busy sa pakikipaglaro sa mga bata.
Hapon na nang mapansin kong nakatayo si Eve habang pinagmamasdan ang mga bata. Kaya naman nilapitan ko sya dahil baka naiisip nanaman nya ang pagkakaroon ng baby.
"Baby!.." tawag ko sa kanya na sinabayan ko ng yakap mula sa likuran nya. "Ano na naman ang iniisip mo?"
"Baby!.." malungkot ang boses nya kaya naman kinakabahan na naman ako. Simula kasi ng nangyaring depression nya ay natrauma na ako kapag nakikita kong malungkot sya. "Hindi ka ba naiinggit kasi wala tayong anak?"
"Naiinggit pero okay lang kasi ikaw naman ang baby kong original!" Paglalambing ko para hindi nya maramdaman ang kakulangan namin.
"Pero paano kapag dumating na yung time na magsawa ka sakin?...." Pinutol ko na agad ang sasabihin nya dahil alam ko na kung saan nanaman mapupunta ang usapan namin.
"Ayoko na ng ibang baby... Ikaw lang ang gusto ko!" Ayokong matakot ang baby ko na baka iwan ko sya dahil wala kaming anak. It will never happened.
"Talaga?..." Gulat na tanong nya sakin. "Ayaw mo na ng baby?"
"Oo ayoko gusto ko ikaw lang!" Paniniguro ko sa kanya. Pero mas lalong lumungkot lang mukha nya sa sinabi ko. "Baby bakit parang lalo kang lumungkoy sa sinabi ko?"
"Kasi sabi mo ayaw mo na ng baby!" Natigilan ako sa reaksyon nya. Shit mali yata. Dapat hindi ko nalang ata sinabi yun sa kanya. "Paano yan?... Kasi ano e!"
Naguguluhan ako sa reaksyon nya dahil hindi ko mabasa ang gusto nyang sabihin sakin. Kinakabahan ako at natatakot ako na baka madepress na naman sya dahil sa sinabi ko. Nagulat ako ng may inabot sya saking maliit na envelope. Kaya naman kinuha ko yun sa kamay nya at tiningnan ang nasa loob. Ultra sound yun at nakalagay dun na four weeks pregnant sya.
"Wait!..."huminga muna ako ng malalim bago ako natauhan muli. "You're pregnant?" Nakangiting tumango sya sakin na nagpatalon sakin sa sobrang tuwa.
"Pero sabi mo ayaw mo ng baby?" Panunuya nya sakin.
"Ang cute mo baby?" Yun na lang ang sinabi ko sa kanya at hinalikan ko sya sa labi nya sa sobrang tuwa. "At first I thought it was a mistake to fall in love with you... But I wrong.. I am proud to say that I'M IN LOVE TO A TOMBOY!"
"Hindi ko alam kung maiinis ako sa sinabi mo o kikiligin ako e!" Natatawa ko nalang syang hinalikan ng buong puso ko.
------THE END-----
Author's note:
sana po nagustuhan nyo ang first novel ko... Salamat po sa pagbabasa...I have another novel sana po mabasa nyo rin...
She's too young for me(completed)
His true first love (soon)
BINABASA MO ANG
In Love To A Tomboy
RomansaAno gagawin mo kung bigla ka na lamang iwan ng lalaking pinakamamahal mo ng wala man lang sinasabi? Aasa ka pa rin ba kahit na wala namang kasiguruhan na tunay ka nga nyang mahal? Paano kung makalipas ang 7 na taon ay magkita kayon...