Chapter 6

7.4K 154 8
                                    

" What's up, bossing?"

Nilingon niya ang tumabi sa kanya na si Joshua at kasama si Al. Tinawag niya ang dalawa at pina punta sa kanyang penthouse na nasa pinaka mataas na palapag ng security agency.

" Daleon, wala kang mahaba na bakasyon. Dahil ilang araw pa lang napalitan ka na."

Agad niyang sabi dito at inabot ang bote ng beer.

" Bossing, ilang araw nga lang iyon, pero tinalo pa ang experience ko sa airborne at waterborne training ko."

Sabi nito kaya naiiling na lang siya.

" Wag mo naman nerbyusin si Bossing Daleon. Baka umatras pa siya at ibalik ka ulit kay Miss Gia."

Natatawa naman na singit ni Al at nagsimula na uminom ng beer.

" Hindi ganun ang bossing natin. May palagay akong nagkaroon na ng ka tapat si Miss Gia."

Sinusupil nito ang nakakalokong ngiti sa mga labi.

" Hindi ko gusto ang ngisi mo, Daleon."

Sinamaan niya ito ng tingin na balewala lang dito.

" Sama ako ng sampu, Pre. Si Boss Logan ang hinihintay ni Miss Gia para matapos ang pag terrorized niya sa mga bodyguard ng agency ni bossing."

Baling nito kay Al at lumakad palayo sa kanya. Naupo ito sa sofa at binuksan ang television na parang siya ang may ari ng bahay.

"Daleon,bilib talaga ako sa iyo at hindi ka namamahay. Just to remind you, bahay ko ito."

Malakas itong tumawa sa sinabi niya.

" Nararamdaman ko hanggang dito ang tension mo bossing. Relax! Hindi ko aagawin ang penthouse mo. Kay Pareng Al ako mag stay sa aking one month vacation."

Sabi nito at inihaba pa ang mga braso sandalan ng sofa.

" C'mon! You don't deserve a vacation, Daleon."

Angil niya dito pero agad itong komuntra.

"Wala naman favoritism bossing. Lahat ng nagdaan kay Miss Gia may mahabang vacation."

" I will remind you again, ilang araw ka lang! And if you just did your job right, hindi sana ako personal na kinausap ni Daddy at Ninong Jacob para magbantay kay Gia!"

" Bossing, I did my job very well. Si Miss Gia lang talaga ang problema. Okay! Papayag akong ma forfeit ang vacation ko. If and only if we will not hear any complaints from you."

Paghahamon nito sa kanya.Nilingon niya si Al na natatawa din sa isang tabi.

" Tsk! I uwi mo na ngang si Daleon, Pareng Al."

Utos na lang niya kay Al.

" I brief na lang kita sa ibang araw."

Sabi niya dahil balak niya itong briefing upang mag relieve sa kanya sa main office.

" Okay boss. Good luck."

Mabilis naman nitong sabi. Alam niya pag gabi na may pinagkakaabalahan ang dalawa na ito. Lalo na at nakawala sa kompromeso.

" Hey! Ano na boss? Granted ba ang leave ko o hindi?"

Pahabol ni Daleon na tumayo na din.

" Isang linggo lang, Daleon."

Pinal niyang sabi na nagpapalatak dito.

" Well, my life is like walking in the park dahil nagpalit na tayo kay Miss Gia. So, it's okay!"

The boss and the bratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon