"Alright, boss!"
Masayang bati sa kanya ng mga kasamahan ng makita siyang pumasok sa bar na regular nilang pinupuntahan.
"Yeah, it's been a while."
Sabi niya at naupo sa mahabang sofa. Bago pa lang na alis ang kanyang sling bandage dahil sa tama ng baril sa kanyang balikat. Sa halip na bumalik kay Gia bilang bodyguard ay ipinilit nga mga magulang na magpahinga muna siya.
"Na miss ka na ng mga chicks dito boss."
Natatawa na sabi ni Daleon sa kanya. Malapit na din itong mag report at masurpresa ito sa bago nitong assignment.
" Ikaw Daleon, masyado mo naman yata ini enjoy ang bakasyon mo?"
Sabi niya dahil mayroon ditong naka kalong na magandang babae.
" Pinaghahandaan ko lang ang next na assignment ko bossing."
Malaki ang ngiti nito habang mukhang nasisiyahan sa paghalik halik ng babae sa leeg nito.
" Tsk!"
Naiiling niyang sabi at nag shot ng brandy. He really missed the nightlife. Ang ingay ng musika, alak at babae. Alam niya kailangan niya ito ngayon. Gia is running in his mind half-naked, showing her perfect B cup size boobs.
" Pareng Al, bakit naman ikaw pa ang nahuhuli ngayon?"
Puna niya kay Al na bagong dating at madilim ang mukha.
" My sister starting to give me a headache."
Reklamo nito at tulad niya brandy ang pinili nitong inumin.
" Teenager, ganun talaga."
Sabi niya na lang.
" Anong ginawa niya?"
Tanong ni Daleon na biglang nawala ang atensyon sa babaeng kaharap.
" She was on a date. Nahuhumaling yata sa ka band mate niya. Isa pa niyang pagkakamali I will send her back to San Francisco."
Nagpawala ito ng buntong hininga. Good thing ang kapatid niyang babae ay mas matanda sa kanya.
" She's beautiful, pre. Hindi mo maiiwasan na hindi siya maligawan."
Komento ni Daleon na tuluyan na nawala ng tuluyan ang atensyon nito sa babae.Binulungan na lang ito ni Daleon at tumayo na ito.
"What's up, bossing?"
Malaki ang ngisi ni Xander na bagong dating.Kasama nito si Orly na alam niyang bodyguard ni Scarlet. Marahil may out of the country na naman na lakad ang pinsan.
" Sayang wala si Reb, maihanap sana natin ng pwedeng mag binyag sa kanya."
Sabi ni Dimayuga na pinaka atat na maging one of them si Dranreb. Ito lang kasi ang naiiba sa grupo na umaayaw sa babae.
" Working hard hayaan na ninyo."
Sabi na lang niya at ipinag patuloy nila ang inuman at kwentuhan. Hanggang hindi nagtagal ay mayroon na sa kanilang lumapit na mga grupo ng mga babae.
" Logan, I'm glad to see you again."
Napa angat ang kanyang mukha sa babae na tumapat sa kanya at bumati.
" Hey."
Tanging lumabas sa kanyang bibig dahil nakalimutan na niya ang pangalan nito. Alam niyang dating beauty queen ito. And yes, for sure he had her.
Matamis pa din ang ngiti nito, pero sa katawan nito natuon ang pansin niya. She's a goddess for sure, but having her once is enough.
" Can I join you?"
Tanong nito isang tipid na ngiti ang sagot niya. Mabilis naman na nagbigay ng espasyo si Daleon.
" Sure, dito ka maupo."
Alok nito na napapagitnaan nila. Hindi man lang nagdalawang salita si Daleon at naupo nga nga ito sa tabi niya.
Pag upo nito agad na nanuot ang mamahalin nitong pabango sa kanyang ilong. Ang kamay nito ay agad din na humawak sa kanyang hita.
Pasimple niyang kinuha ang cellphone at nag send ng message kay Al na hawak ang cellphone.
I forgot her name! Who is she?
Hindi nagtagal nag reply ito.
Danica Villar
Kaya malaki na ang ngiti niya dito.
" Danica, how are you?"
Tanong niya na halata ang pagliwanag ng mukha nito sa pagkaka alala niya ng pangalan nito.
"I'm good. Ikaw kumusta na? I thought you will call me. You promised me you will bring me to your treehouse?"
Sagot nito at idinikit ang halos hubad na katawan sa kanyang mga braso.
" I'm sorry about that. Naging busy lang, saka medyo hindi maganda ang schedule ng latest assignment ko."
Kinuha nito ang braso niya at ito na ang naglagay sa hubad nitong balikat. Hinayaan niya lang ito.
" You're the boss, di ba hawak mo ang oras mo?"
Sa pagkakataon na iyon ang hintuturo nito ay naglandas sa kanyang pisngi. Pag sulyap niya sa mga kasamahan ay pawang nakakalokong ngiti ang mga naka plaster sa labi.
" Mauna ka na bang umuwi boss?"
Tanong ni Daleon sa kanya.
" Hindi pa ako lasing para umuwi."
Sagot niya at sumimsim ng alak.Hindi niya inaasahan ang pagdampi ng labi nito sa kanya. Matiim niya itong tinitigan hanggang sumilay ang mapanukso nitong ngiti.
" Where's Logan who's game?"
Sabi pa nito kissing his neck. Umangat ang kanyang mukha sa baba nito upang napatingin sa kanya. And then he kissed her, katulad ng gusto nito. Narinig pa niya ang mahinang pambubuska ng mga mga kasamahan.
" Yan si boss! Makakabawi na din sa wakas."
Hindi na niya alam kung sino ang nagsalita.Nakipaghalikan lang siya dito, habang nasa likod nito ang kanyang mga palad.
" Masaya ito may bagong dating!"
Malakas na sabi ni Daleon. Bahagya siyang humiwalay sa kahalikan dahil sa naramdaman na bagong dating.
Walang lumabas sa bibig niya ng magtama ang tingin nila ni Gia. Kasama nito sa Dranreb at Travis.
" Mukhang naka recover ka na? Back to normal?"
Tanong nito at lumapit sa kanya. Sumulyap lang sa babae na katabi niya at sa kanya nakatuon ang pansin nito.
" Why are you here? Hindi ka dapat basta basta lumalabas."
Sabi niya at inalis ang palad na nasa likod ng babae.
" I heard you are celebrating, you finally came off from your sling bandage. I want to celebrate with you. Pero ibang klase ka pala mag celebrate."
Umasim ang mukha nito sa kanya. Sa tingin niya gusto siyang buhusan ni Gia ng isang truck ng alak. Hindi ito tumitingin sa katabi niya na ang mga kamay ay nasa kanyang hita pa din.
" So, enjoy! I as well will enjoy the night."
Sabi nito at tinalikuran na siya. Bago pa siya makatayo ay muli siyang hinawakan sa braso ni Danica.
" Kami na ang bahala boss."
Sabi ni Dranreb na nag shot pa ng brandy bago mabilis na sumunod kay Gia at Travis na nauna ng umalis sa pwesto nila.
BINABASA MO ANG
The boss and the brat
Romance𝓟𝓾𝓫𝓵𝓲𝓼𝓱𝓮𝓭 𝓷𝓭𝓮𝓻 𝓘𝓜𝓜𝓐𝓒!!!May physical book na po ito. Edited version. Logan Anderson Cervantes - boss of security agency for VIP and politicians. He is a gorgeous and very attractive man. Being boss suits him well. Dahil sa walang t...