" Thank you, Logan."
Lumipad ang tingin niya sa kaharap na kumakain. Dito na din sa dining area sila nag hapunan.
" Why are you looking at me like that?"
Natatawa nitong tanong.Walang namutawi sa kanyang mga labi. Naka masid lang siya dito. Trying to read her sincerity.
" Hindi ba kapani kapaniwala?"
Tanong nito na nawala ang mga ngiti sa labi.
" Well, matapos mong halos basagin ang itlog ko at paduguin ang ilong ko. Plus, mga ginawa mo sa ibang miyembro ng EB. Hmm, hindi ako naniniwala."
Nagkibit lang ito ng balikat at nagpawala ng malalim na buntong hininga.
" Hindi naman kita masisi, Logan. But you should understand I am upset being me. Lahat na lang ng iniisip nila sa akin ay hindi ko matanggap. Why not treat me like a normal person? Hindi iyong para akong babasagin na crystal. I'm no different from all of you! I want friends! I want to go out! I want to enjoy life! Hindi iyong laging me naka buntot. Saka bakit kailangan kung gumalaw na parang walang nagagawang mali? I'm human too, capable of doing mistakes! And I'm not perfect!"
Mahaba nitong sabi at nagsimula na mamasa ang mga mata nito. Mas naging madilim ang itiman nitong mga mata.
" It's not being perfect, Gia. It's being civilized!"
Sumandal siya sa upuan at mas pinakatitigan ito.
" Sa bodyguard mo lang naman ako ganito. Kasi nakakainis kayo! Masyadong obvious na binabantayan ako."
" Because they're doing their job."
Pagrarason niya na sinimangutan lang ng dalaga.
"Just be thankful, Gia. Hanggang ngayon maayos ka.Never kang napahamak dahil sa kanila."
" At dahil sa kanila, I never had a normal life! Alam mo ba kung ilang taon na ako Logan?"
Tiningnan siya nito ng deritso sa mata. At napalunok siya, he feels like the war is starting to rise again.
"Twenty-four!"
Sagot niya.
" See? I'm twenty-four and never had a boyfriend! Sino ang lalapit sa akin? Who will have the guts to court me? Isang tingin lang ng mga tauhan mo umaatras na sila? Di ko alam kung kanino na i intimidate. Sa akin, o sa mga tauhan mo! Wala bang pangit na miyembro ang EB?"
" Kaya ka nagwawala?"
" Hindi ako nagwawala! Frustrated lang ako! At naiinis ako. Besides, I don't want Daddy to run into politics. I just want a normal life! A normal home, Logan."
" Napakarami ng gusto na mapunta sa posisyon mo, Gia."
Sabi na lang niya. Isang nakaka uyam na ngiti lang ang pinakawalan nito.
" Dahil wala silang alam! Hindi nila alam kung paano itinatago ni Mommy ang kanyang pamilya para hindi makaladkad sa maduming pulitika. And up until now, it's not easy for her to know she's a daughter out of marriage."
" We can't change the past Gia. At hindi tayo dapat mabuhay sa nakaraan."
" And I don't want to live a life like this Logan. Para akong preso. Bawat galaw de numero. I just want a normal life."
Malungkot nitong sabi at bahagyang inilayo ang plato sa harapan kahit kaunti pa lang ang bawas.
" Anong normal life ba ang naiisip mo?"
Untag niya sa natahimik na dalaga.
" Lumabas ng walang nakasunod."
" Imposible!"
Sagot niya lalo na nasa poder niya ito. Sabi nga ba at balak lang siyang paikutin nito.Laglag ang balikat nito na tumayo na.
" I will give you a chance, Gia. Kung maka pasa ka sa ilang araw na pagiging masunurin mo. Pagbibigyan kitang lumabas, pumasyal sa park kung gusto mo."
Nilingon siya nito at siya naman ang sa tingin niya ay sumailalim sa pag aanalisa nito.
" May isa akong salita. And in this place, try to become a normal person. Saka mo sabihin na ayaw mo ng kasalukuyan mong sitwasyon."
Muli itong lumapit sa mesa, at nagkaroon ng kakaibang kislap ang mga mata.
" I can do what I want?"
Paniniguro nito.
" Depende! Kung hindi makakaladkad ang pangalan ng ama mo. You will not put yourself in danger. You have the chance."
Saglit itong nag isip.Maya maya ay ngumiti.
" Okay. Normal akong kausap basta normal na kausap ang kaharap ko. I will keep your words, Logan."
Pagkasabi noon ay tinalikuran na siya. Naiwan siyang nag iisip kung paano hindi maiisahan ni Gia.
He will keep his words. Pero hindi din niya ibibigay ang buong tiwala kay Gia. Marahil kung mararanasan nito ang nais ay magiging maayos na itong makisama sa iba.
" I forgot, never pa akong naghugas ng plato. I want to try."
Sabi nito na muling bumalik ng dining area.
" Sigurado ka?"
" Yes!"
Mabilis nitong sagot kaya hinayaan na lang niya. Pinanood niya ito sa ginagawa. At kahit gusto niyang matawa ay pinigilan niya ang sarili.
Ito ang tipo ng maghuhugas na kainan na ulit pero hinuhugasan pa ang plato at kubyertos na gagamitin.
Malaki ang ngiti nito na bumaling sa kanya.
" I'm done!"
Sabi nito. Tinanguan na lang niya ito saka nginitian niya ito ng alanganin.
" Not bad. Walang nabasag."
Sabi na lang niya na nanatili sa pagkakasandal sa gilid ng sink kung saan ito naghuhugas.
" I will cook tomorrow breakfast. I hope you don't mind."
Sabi nito habang inaalis ang apron na suot.
"Are you sure?"
" Yes!"
Parang sigurado na sigurado nitong sagot.
" Then it's okay. Do as you wish."
Sabi na lang niya. At hindi niya inaasahan ang paglapit nito sa kanya. Humawak ito sa kanyang mga braso at saka tumingkayad upang halikan siya sa pisngi.
" Goodnight, Logan."
Sabi nito at iniwan na siya sa kusina. Nahabol na lang niya ito ng tingin.
" Ano kaya ang palabas mo ngayon, Gia?"
Iyon ang tumatakbo sa kanyang utak. Hindi niya ini lock ang pinto nito. Pero siniguro niya na naka on ang mga alarm sa pwedeng labasan nito.
Siniguro din niya na gumagana ang CCTV na naka lagay sa bawat sulok ng bahay bakasyunan nila.
Malalim na ang gabi bago siya natulog. Bukas ay panibago na naman na araw ang naghihintay sa kanila ni Gia. Kung sino ang sisira sa truce nilang dalawa.Hindi siya sigurado. Dahil malakas ang pakiramdam niya. Gia is a brat since childhood. At hindi ito basta basta magbabago ng ilang araw lang!
BINABASA MO ANG
The boss and the brat
Romance𝓟𝓾𝓫𝓵𝓲𝓼𝓱𝓮𝓭 𝓷𝓭𝓮𝓻 𝓘𝓜𝓜𝓐𝓒!!!May physical book na po ito. Edited version. Logan Anderson Cervantes - boss of security agency for VIP and politicians. He is a gorgeous and very attractive man. Being boss suits him well. Dahil sa walang t...