Chapter 29

6.8K 147 12
                                    

" Kumusta Logan?"

Alanganin siyang ngumiti sa kanyang Ninong. Mabuti na lang ng bigyan niya ito ng mensahe upang makipag kita ay hindi natagalan at na accommodate na siya kaagad.

" Yes, Ninong."

Natatawa itong nakatingin sa kanya.

" You never came to me for a favor or anything. Siguro importante ang sadya mo. Kaya sa unang pagkakataon nakipag set ka pa ng appointment."

Alanganin siyang ngumiti.

" Amm, Ninong it's about Gia."

" What about Gia?"

Biglang nawala ang ngiti nito at napalitan ng seryoso na anyo. Pagdating sa nag iisang anak, alam niya gagawin nito lahat. Ganito nito minamahal ang pamilya niya.

" Don't misunderstand, Ninong. Pero gusto ko po sana manligaw kay Gia."

Saglit na natigilan ito kaya kinabahan siya.
Bago pa niya sabihin na malinis ang intensiyon niya ay narinig na niya ang mahina nitong pagtawa.

" I didn't expect na sa panahon ngayon ay makakarinig pa ako ng ganiyan. Pina bilib mo ako Logan."

" Gusto ko lang po ipaalam na malinis ang intensiyon ko kay Gia."

" Kung may pagkakatiwalaan ako kay Gia ikaw iyon Logan. I know you can handle my daughter."

Agad siyang napangiti sa sinabi nito. It's positive feedback.

" But still, si Gia pa din ang mag desisyon."

Tumango siya bilang pag sang ayon.

" Well, pwede mo na umpisahan ang panliligaw mo. Alam ba ni Theo ang balak mo?"

Umiling lang siya at napangiti.

" I will give him a call."

Nakangiti nitong sabi. Kaya nag paalam na siya upang maumpisahan ang balak.

" Ninong, I will go ahead na po. Salamat ng marami."

Sabi niya na tumayo na.

" Don't make my daughter cry. I know you're Dad. Alam ko kung paano siya magmahal. Kaya alam kong maswerte si Gia."

Tumango siya at muling ngumiti.

" Yeah, I hope she's not stubborn like Ninang Gwen."

Malutong na humalakhak ito sa sinabi niya.

" Sana hindi ka mahirapan manligaw katulad ko Logan. From a doctor, I end up in politics just to have her. But that's love."

Natatawa pa din nitong sabi.

Habang nasa byahe hindi maalis sa isip niya ang sinabi ng ama ni Gia.

Love?

Isang ngiti lang ang sumilay sa kanya. Hindi niya akalain na darating sa buhay niya ito. Pero ayaw niyang palagpasin ang pagkakataon na iyon. Gia can make his heart skip a beat. Sa limang araw na hindi niya ito nakita. Nagawa niyang makipag set ng meeting sa Presidente ng bansa. Ano pa ang magagawa niya para makita ang dalaga? Hindi siya sigurado, basta ang alam niya manliligaw siya.

The boss and the bratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon