" Anong ginagawa ninyo dito?"
Hindi siya makapaniwala na paglabas niya ng silid ay naka kalat ang mga kasamahan sa kanyang sala at ang iba ay sa kusina.
" May nangyari!"
Kunpirmasyon iyon at hindi pagtatanong mula kay Al. Napapalatak na lang siya at nagtuloy sa kusina para mag timpla ng kape.
Agad naman sumunod sa kanya ang mga nasa sala kaya lahat sila ay natipon doon.
" Bakit naka siksik kayo dito? Wala ba kayong duty?"
Tanong niya.
" Nag pa relieved kami."
Sagot ni Orly na si Scarlet ang binabantayan.
" Andito ang client namin."
Sabi naman ni Dranreb.Lumibot pa ang kanyang paningin sa iba pero ngisi lang ang sagot sa kanya.
" Parang disturbed ka boss. Anong problema?"
Umupo pa harapan niya si Al. Ganun din ang ginawa ng iba. Kung saan may libreng upuan ay naupo. May nag abot sa kanya ng kape na pinasalamatan niya.
" Ano naman kalokohan ninyo? Wala akong sasabihin!"
Sabi niya at humigop ng kape.
" Narinig namin, kahit hindi mo sabihin."
Ani Daleon na hindi niya alam, bakit andito na naman. Eh, naka bakasyon pa ito.
" Tsk! I can't think of her reaction paggising niya. Alam nyo na she was not on her right mind last night."
Napa buga siya ng hangin. Dahil iyon ang agad na sumalakay sa kanya pagmulat ng kanyang mga mata. He feels like sinamantala niya si Gia.
" Tunulungan mo siya, boss. It will be difficult for her. Believe me."
Lahat sila napatingin kay Travis, pero tumaas ang kamay niya.At saka umiling.
" I consider na lang niyang one of her casual sex. And we know you, boss, you're always ready. Kaya wala ka naman siguro maiwan na souvenir."
Sabi ni Al na nasa kanyang tapat.
" I wish it's like that. Pero kabaligtaran lahat ang ngyari."
" Woooh!"
Halos reaksiyon ng mga nakapaligid sa kaniya. Gusto niyang sumubsob sa mesa dahil nawawala ang kanyang rational na pag iisip.
" Never had?!"
Tanong ni Daleon. Umiling siya. Bigla itong tumayo.
" As much as I wanted to witness war. Pero wala ako sa mood."
Sabi nito at naglakad na patungo sa pinto.
" Naki tsismis lang ang hayup!"
" Problema nga iyan boss."
Biglang sumeryoso si Al at humalukipkip habang mataman nakamasid sa kanya.
" Mukha naman interesado si Miss Gia sa inyo, boss. She was jealous kaya siya nag inom ng nag inom sa bar, last night. Hindi namin mapigilan.Kahit sinong magbigay ng shot inaabot niya. That's why it's happened."
Sabi ni Dranreb. Saka bumalik sa sala. Tiningnan niya ang iba at isa isa na din bumalik sa sala.
" Hoy! Walang balak umuwi? Tinamaan kayo ng magaling!"
Sigaw niya sa mga ito. Masyado siyang tense at ayaw niyang nasa paligid ang mga ito.
" Hindi mo sila mapapa uwi. May pustahan ang mga iyan."
Natatawa na sabi ni Al na nanatili sa kanyang harapan.
" Tsk! Parang mga walang magawa sa buhay."
Naiiling na lang niyang sabi at humigop ng kape. Pero muntik na mapabuga ng biglang bumukas ang kwarto niya.
" Logan! What did you do?!"
Galit na galit na sabi ni Gia. Habang nakabalot sa katawan ang comforter. Naglakad ito palapit sa kanya na hindi pansin ang mga kasamahan niya na naka upo sa mahabang sofa.
Bago pa ito tuluyang makalapit ay tumayo na siya saka binuhat niya sa Gia. Nagwawala ito habang nasa kanyang mga balikat, nararamdaman niya ang paghampas nito sa kanyang likod.
" Magsi uwi na kayong lahat ha!"
Sa mga kasamahan niya ibinaling ang sigaw na hindi niya magawa kay Gia.
"I hate you, Logan!"
Sabi pa din ni Gia sa kanya pagpasok nila ng silid. Ibinaba niya ito sa kama. Saka nanatili lang siya sa gilid habang nakatingin dito.
Hinayaan niya ito na umiyak habang nakasubsob ang mukha sa mga palad.
"Gia, try to remember what happened last night."
Mahinahon niyang sabi. Pero masama lang ang tingin na bumaling ito sa kanya.
" I can't remember anything! Ang alam ko lang, you take something precious to me! I can feel it!"
"Sinubukan ko naman na walang mangyari sa atin. Pero kagabi, kahit sino na lang yata payag kang ibigay mo ang sarili mo Gia. I thought it will be like casual sex. I didn't know you were a virgin."
Mahaba niyang paliwanag. Nadampot nito ang unan at binato sa kanya.
" Walang hiya ka! Bakit hindi mo na lang ako ipinosas tulad ng ginawa mo noon?"
"Last time I did that I can't bring you home. And it's not safe for you."
" Then why not put me to sleep. May pampatulog ka dito di ba?"
" It's not a good combination Gia. Baka hindi ka na magising ."
Lumapit siya dito at saka sinubukan na hawakan sa mga braso. Pero ipiniksi lang nito ang kanyang kamay.
" Tell me, anong gusto mo? Panagutan kita.Gagawin ko."
Sabi niya dito pero masamang tingin ang nakuha niya kay Gia.
" I hate you Logan and I don't trust you!"
" Damn it, Gia! Nanahimik ako, pero ikaw ang nagmakaawa sa akin na gawin ko sa iyo iyon!Ikaw ang gumamit ng katawan ko kagabi."
Naiinis niyang baling dito. Marahil dahil sa pagtanggi nito sa kanya.
" Ang sama ng ugali mo!"
Sabi nito at tumayo sa kama. Hindi na nito itinago ang kahubadan. Tinapunan siya nito ng nakakamatay na tingin.
" Gia, I'm sorry."
Hinawakan niya ito sa braso at hindi pinayagan na makawala sa kanya.
" Hindi na maibabalik ang nawala sa akin. Kahit patayin pa kita."
"Naiintindihan ko ang nararamdaman mo. You were just careless last night. And if not me, you will still be going to lose it anyway. Hindi lang ako sigurado kung sino ang maswerte na lalaki. Nakakahiya man pero aaminin ko sa iyo, na masaya ako dahil ako ang ma swerte na lalaki na pinag bigyan mo ng iyong sarili. And i want to become responsible for you if you allow me."
Muli niyang alok dito. Sandali itong natahimik hanggang malungkot na tumingin sa kanya.
" Hindi na kailangan, Logan.Wala naman akong maalala. Kalilimutan ko na lang ang gabi iyon, kasama ka."
Napatiim bagang siya sa sinabi nito. Kaya binitiwan na lang niya ito. Sinamantala naman nito ang pagkakataon at tinalikuran siya at pumasok sa bathroom.
Naiwan siyang napaupo sa gilid ng kama. Madiin na nakakuyom ang kanyang kamao.
" Walang umaayaw sa akin, not even you brat!"
Hindi niya napigilan na sambit at saka lumabas ng silid.
BINABASA MO ANG
The boss and the brat
Romance𝓟𝓾𝓫𝓵𝓲𝓼𝓱𝓮𝓭 𝓷𝓭𝓮𝓻 𝓘𝓜𝓜𝓐𝓒!!!May physical book na po ito. Edited version. Logan Anderson Cervantes - boss of security agency for VIP and politicians. He is a gorgeous and very attractive man. Being boss suits him well. Dahil sa walang t...