Chapter 20

6.7K 170 8
                                    

"Kailangan natin madala sa hospital si Boss.Dalhin ninyo sa itaas ang stretcher."

Nag angat ng tingin si Gia sa nagsalita ng nasa itaas ng hagdan. Kung hindi siya nagkakamali si Daleon iyon.Ang bodyguard na pinalitan ni Logan.

"He will be okay, right?"

Naiiyak niyang tanong. Hindi niya yata kayang mapahamak si Logan dahil sa kanya.

Pero tiningnan lang siya nito at muling bumalik sa silid. Ang mga naka bantay naman sa kanya ay lumabas. Pagbalik may bitbit na itong foldable na emergency stretcher.

Agad siyang napatayo at lumapit sa binata na nakahiga sa stretcher buhat ng mga kasamahan. Mayroon din itong nakakabit na IV fluid.

" Magiging okay ba siya?"

Tanong niya habang nakatingin sa binata na nakapikit.

" Kailangan siyang madala sa hospital agad. Madaming dugo ang nawala sa kanya."

Agad siyang napaiyak sa narinig.

" I'm sorry, Logan. Hindi ko naman sinasadya na mapahamak ka."

Umiiyak niyang sabi. Pero nakapikit pa din ito.

" Babalik na tayo Miss Gia."

Sabi ng lalaki na pababa ng hagdan at bitbit ang backpack ni Logan. Tumango lang siya at binigyan ng daan ang mga ito.

" Let's go!"

Pagyaya sa kanya ng lalaking may backpack kaya naglakad siya kasunod ng mga ito.

" Sa kabilang chopper ka sasakay Miss Gia. "

Inalalayan siya nitong makasakay sa helicopter na may naghihintay na piloto. Walang kibo siyang sumunod. Nasulyapan na lang niya ang pagpasok ng mga ito kay Logan sa isa pang helicopter.

Sinamahan siya ng dalawang lalaki sa helicopter na kanyang sinasakyan.As usual, hindi ang mga ito magsasalita kung hindi niya ka kausapin. Si Logan lang ang hindi pagka usap lang kayang gawin sa kanya kundi kaya din siya nitong pagalitan.

Hindi talaga niya akalain na mapapahamak ito sa ginawa niya.Nais lang naman niyang lumayo dito. Upang mawala ang kakaiba niyang naiisip kapag nasa malapit ito.

Natatakot siya sa kakaibang damdamin na lumulukob sa kanya. Sa tingin nito at sa presensiya nito. Kinakabahan siya sa binata, hindi naman siya ganun dati. Kaya gusto niyang malayo dito.

Sobra ang takot na nadama niya kanina. Akala niya mapapahamak na sila.Pasalamat siya kay Logan at sa kasanayan nito sa pakikipag laban. Lahat ng training yata ay ginawa nito parang maging karapat dapat na boss ng Elite Bodyguard agency. And her dad did not make the mistake of entrusting her to Logan.

Kung hindi dahil sa binata baka napahamak na siya. Mabibigyan niya ng matinding alalahanin ang kanyang mga magulang.

Ipinikit niya ang mga mata at umaasa na sana maging maayos ang lagay ni Logan. And promised quietly to herself, she will behave from now on.

"Boss,ano naman ang naramdaman mo sa pag aalala ni Miss Gia?"

May himig ng panunukso na untag ni Daleon sa kanya.

" Wag mo akong asarin Daleon ha? Hindi ko pa nakakalimutan dalawang beses mo akong tinusukan."

Pag iiba niya nang usapan.Nakita pa niya ang pagtitinginan ni Al na siyang piloto at si Daleon na katabi nito.

Ano nga ba ang naramdaman niya? Kakaiba! At hindi na niya nakikilala ang sarili. Hindi siya ganito.

" Boss, anong plano?"

Baling ni Al sa kanya ng nasa helipad na siya sa rooftop ng penthouse niya.

" Sino ang pwede na mag bantay kay Gia?"

Tanong niya, dahil hindi siya pwede sa kalagayan niya.

" Si Reb at Travis. Nag request si Travis ng bagong assignment. May iniiwasan yata."

" Okay, try mong subukan baka may mahugot kang mag cover sa iba pang senior elite sa academy."

" Yes, boss!"

Natigil ang pag uusap nila ng dumating sina Falcon at Dimayuga.

" Ayan na pala ang magbubuhat sa iyo, boss."

Nakangisi na sabi ni Daleon pero tinawag niya ito bago makalayo.

" Daleon, bumalik ka at ikaw ang magbuhat sa akin."

Inginuso nito si Gia na naka baba na din at naghihintay sa kanila sa gilid. Inambaan niya ito ng suntok. Iniwan pa din siya nito.

" Pareng Al, ipa alala mo nga na ilagay sa bagong artist ni Stan Lee. Di ba nahingi si Nathan ng bodyguard? Siya ang ilagay mo."

Naiinis niyang sabi kay Al na ito na ang isa sa nagbuhat sa stretcher.

"Sure boss."

Ang anuman na inis na kanyang nararamdaman ay siniguro niyang naitago niya ng ibaba siya sa helicopter.

Itinuloy sila ng mga ito kanyang silid. At sumunod si Gia. Hindi na ito sinansala ng mga kasamahan at hinayaan na maupo sa gilid ng kama kung saan siya nakahiga.

" Hindi ba dapat sa hospital ang deritso niya?"

Bakas ang pag aalala sa tinig ni Gia. At hinawakan siya sa mga braso.

" Nag coordinate na kami. Naghihintay na lang kami ng ambulance."

Sagot ni Al at ito lang din ang naiwan sa silid kasama nila ni Gia.

" May maitutulong ba ako? Gusto mo tawagan ko si Daddy?"

" Hindi na, Gia. Naayos na nila ang lahat."

Singit niya sa usapan. Agad na bumaling si Gia sa kanya.

" Logan, are you okay?"

" Hindi pa ako mamatay, kung iyan ang ipinag alala mo."

" Thank God!"

At bigla itong yumakap sa kanya. Katulad sa sayawan na ang mukha nito ay nasa dibdib niya.

" I'm sorry, Logan. I'm really sorry."

Hingi nito ng paumanhin.

" If you're really sorry. Sana matuto kang sumunod, Gia. Huwag mong hayaan may mapahamak na naman na bodyguard mo. Ang intensiyon lang namin ay kaligtasan mo. At hindi iyong ipahamak mo kami dahil sa katigasan ng ulo mo."

Sabi niya na hinayaan ito sa kanyang dibdib.
Nahuli niya ang pagsupil ni Al ng ngiti. At noon pumasok din si Daleon.

" Nasa ibaba na ang ambulance, boss. Aakyat na ang medical staff."

Anunsyo ni Daleon na gusto niyang sipaan dahil sa mas nakakaloko nitong ngiti.

" Sino na ang magbabantay sa akin?"

" Daleon, papasukin mo si Falcon at Travis."

Utos niya kay Daleon na sumunod na hindi pa din inaalis ang ngisi nito. Parang aliw na aliw ang mag ito na makita ang pagbabago sa kanya.

" Kung magaling ka na? Babalik ka bang maging bodyguard ko?"

Tanong ni Gia na ngayon ay nakatayo na sa gilid ng kama niya.

" You still want me?"

Ganti niyang tanong dito. Pero bago pa ito sumagot pumasok na ang mga pina tawag niya. Na dinagdagan pa ni Dimayuga.

" Miss Gia, sila ang bago mong bodyguard. Si Dranreb Falcon at si Travis Harris."

Pakilala ni Al. Alanganin na ngumiti ang mga ito sa dalaga. Dahil ang mga ito ay nakapag relieved na dito kaya alam ng mga ito ang ugali ng dalaga.

" I will behave."

Sabi ni Gia na may alanganin na ngiti din na ibinigay sa bagong magbabantay sa kanya.

"Temporary lang ang pagbabantay nila sa iyo. Kapag pwede na ako. Ako na ulit ang magbabantay sa iyo."

Lahat ng mata ay napabaling sa kanya. At hindi na niya mabawi ang kanyang sinabi na hindi niya alam kung saan nanggaling!

The boss and the bratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon