" Hi, Good morning!"
Malaki ang ngiti na bati ni Gia sa kanya pag pasok niya ng kusina. Meron ng nakahanda agahan.
May pagtataka siyang napabaling dito.
" Hindi natuloy ang celebration natin kagabi. Kaya heto pinag luto kita. You should be thankful Logan. Kahit sina Mommy at Daddy hindi ko pa nalulutuan."
Nakangiti at kumikislap ang mga mata nito sa kasiyahan.
" I appreciate your effort, Gia."
Sabi niya at naupo na sa tapat nito. Meron na itong pagkain sa plato at nag sisimula na rin kumain.
Nagsimula na siyang sumubo ng muli itong magsalita.
" Someone came very early. Sila daw ang caretaker dito. May dinala lang sila tapos umalis na din."
" Yeah, baka mga labada na pinakuha ko kahapon."
Tumigil na ito sa pagkain at pinanood lang siya.
" You want coffee? Gagawan kita."
Alok nito kaya napasulyap siya dito.
" Overwhelmed pa din ako sa experience ko kagabi, Logan. I didn't know na may ganun na tradisyon. Masaya lang ako. And that's because of you, salamat talaga."
Sabi nito at tumayo na saka pumunta sa water heater. Naglagay ng mainit na tubig sa dalawang tasa at saka nag timpla ng kape.
" Hindi naman mahirap gawin ang kape mo. Instant coffee."
Inilapag na nito sa harap niya ang kape.
" Salamat."
Sabi na lang niya at nagpatuloy na siya kumain. Ganun din ito. Matapos kumain ay ito ang nag presinta na maghugas ng plato.
" Ako na dito."
Hindi na lang siya tumanggi dahil biglang sumakit ang kanyang tiyan.
" Sige, aakyat lang ako."
Paalam niya dito at tinalikuran na niya ito. Nagmamadali siyang umakyat sa kanyang silid saka nagbanyo.
"Fvck!"
Hindi niya mapigilan na mapa mura dahil sa pamimilipit niya sa sakit ng tiyan.
" Ano bang pinakain mo sa akin, Gia?"
Para siyang mas nanlamig sa pumasok sa isipan.
" Damn you, brat! Don't you dare!"
Mahigpit na napakuyom ang kanyang kamao sa maaaring gawin ni Gia. Hindi naman siya makaalis sa toilet bowl dahil sa pamimilipit pa din ng kanyang tiyan.
Napapahampas siya sa pader ng banyo pag naiisip na naisahan siya ni Gia. Pakiramdam niya ang tanga tanga niya at naniniwala sa ipinakita nito.
Matapos ang pakikipag buno niya sa inidoro ng halos kalahating oras ay mabilis niyang pinuntahan ang monitor ng CCTV camera.
Mabilis niyang dinampot ang cellphone saka gumawa ng tawag.
" Manang Virgie, nakipag usap ba sa iyo ang babae na nakita ninyo sa bahay ko, kanina?"
" Ang girlfriend nyo po? Isu surpresa daw po kayo at lulutuan kayo ng pananghalian.Kaya pagbalik ko pinasundo ko siya sa asawa ko. Baka nasa bayan na po siguro siya ngayon."
Isang malutong na mura ang lumabas sa kanyang bibig.
" Sir?!"
Nagulat na sabi sa kabilang linya.
" Sige na, Manang. Matatawagan ko ba ang asawa mo?"
" Naku, naiwan niya ang cellphone niya sir kasi naka charge."
Sagot nito. Kaya mabilis siyang pumunta sa silid nito. At ang napkin na dahilan nito ay walang bawas.
" Siguro naman hindi magtatagal ang nobya ninyo sir. Sinabihan ko ang asawa ko na hintayin niya para siya din ang maghatid pabalik."
Ibinaba na niya ang tawag. Kasalanan niya, hindi niya nasabihan ang mga ito. At mas kasalanan niya dahil nag pa isa kay Gia!Naniwala siya sa drama nito.
Malinaw sa kanya na gumawa ito ng paraan kung paano siya matatakasan. Pinag planuhan nito ang lahat. Maging ang pagbili ng laxative ay plinano nito.
" Humanda ka Gia!"
Galit na galit niyang sabi. Bumalik siya sa kanyang kwarto at kinuha ang kanyang lisensyadong baril pati ang susi ng pick up.
" Pareng Al, tinakasan ako ni Gia. Mag standby kayo. I might call for backup later."
" Damn! Copy Bossing!"
Mabilis siyang nag minaniobra ng sasakyan ng maibaba ang tawag. Magkahalong galit at kaba ang lumukob sa kanya. Malaking responsibilidad kung mapahamak ito.
Hindi pa siya nakakalayo ng muling tumunog ang cellphone niya.
" Yes, Dad!"
" May intel report na alam ang lokasyon ni Gia. Keep her safe or ilipat mo siya ng lugar. Hindi sila titigil hanggat hindi nila nakukuha si Gia kapalit ng malaking shipment ng drugs. You know what I mean Logan!"
Mas nagtangis ang kanyang bagang sa narinig.
" I understand, dad. I have to go."
Ibinaba niya ang tawag at mas binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan.Hanggang makarating siya sa terminal ng bus. Mabilis siyang pumasok sa nakahimpil na bus papunta ng Manila. Pero wala doon ang dalaga. Pinagtitinginan siya sa ng mga pasahero lalo ng mga kababaihan.
"Where the hell are you, Gia?!"
Nauubos na ang pasensiya niya ng mahagilap ng tingin niya ang dalaga na lumabas sa isang pampublikong palikuran.
Paakyat na ito sa bus ng madiin niyang hablutin ang braso nito.
" Logan?!"
Nanlalaki ang mga mata nitong sabi at pilit na kumakawala sa kanya.
" Why do you do that, Gia? I'm mad! Hindi ko ito mapapalagpas!"
Galit niyang sabi at kinaladkad ito pabalik sa kanyang pick up.
" Damn Logan, gusto ko na umuwi!"
Sigaw nito na nakikipag hilahan ng braso sa kanya.
" Fine! I uuwi kita!"
Sabi niya at tumingin sa paligid dahil nakakakuha na sila ng atensyon.
" Gusto ko ngayon na!"
Sigaw nito at nakikita na naman niya ang Gia na masarap paluin sa puwet.
" Kung hindi mo ako pinakain ng kung ano iuuwi na kita ngayon. Pero kumukulo ang tiyan ko, pati ang dugo ko dahil sa iyo Gia! Sakay!"
Sigaw din niya dito. Naiiyak at masama ang loob na pumasok na din ito sa sasakyan. Papasok na siya sa sasakyan ng biglang may huminto na isang van. Pag bukas ng sasakyan, agad na bumaba ang dalawang mga kalalakihan na may bonnet sa mukha.
Agad siyang tinutukan ng baril, pero naging mabilis ang pag kilos niya. Naagaw niya ang baril at sinubukan niyang pabagsakin ang mga ito sa pamamagitan ng mga sipa at suntok.Ayaw niyang may madamay na bystander kung magpa putok siya ng baril.
Ang pagkakagulo ay kumuha ng atensyon sa mga tao. Habang naka buwal sa lupa ang mga kalalakihan ay sinamantala niya ang pagkakataon at mabilis na sumakay sa pick up.
Isang putok ng baril ang narinig nila at halos mabingi siya sa tili ni Gia. Kasunod noon ang pag agos ng dugo sa kanyang braso.
" Shit!"
Noon niya binunot ang baril at pinaputukan ang driver ng van. Kasunod ang mga lalaki nasa binti at braso niya inasinta. At hindi niya inaasahan ang iba pang lalaki na muling bumaba sa van.
" Bullshit!"
Asik niya at mabilis na sumakay sa pick up saka mabilis na nagmaneho upang makataas sa mga ito.
BINABASA MO ANG
The boss and the brat
Romance𝓟𝓾𝓫𝓵𝓲𝓼𝓱𝓮𝓭 𝓷𝓭𝓮𝓻 𝓘𝓜𝓜𝓐𝓒!!!May physical book na po ito. Edited version. Logan Anderson Cervantes - boss of security agency for VIP and politicians. He is a gorgeous and very attractive man. Being boss suits him well. Dahil sa walang t...