Chapter 38

6.4K 136 17
                                    

" Damn you, brat!"

Sigaw niya at ihinagis ang kanyang cellphone sa kama. Halos mag hating gabi na at isang larawan ni Gia ang natanggap niya. Pinadala iyon ni Dranreb sa utos ni Gia.

Miss Gia asked me to send you this!

Nasa kandungan ito ng isang random guy sa isang party na pinuntahan nito. Matapos magpawala ng naiinis na sigaw ay kinuha ang cellphone at tumawag.

" I uwi na ninyo si Gia, o malilintikan kayo sa akin!"

Agad niyang tungayaw kay Dranreb ng sagutin nito ang tawag.

"Boss, paano namin gagawin iyon? Saka pag ginawa namin iyon kay Miss Gia naman kami malilintikan."

Sagot nito, kaya mas lalong uminit ang kanyang ulo.

" Don't worry boss. We'll make sure hindi siya maiuuwi nito."

Pahabol pa nito kaya sininghalan niya si Dranreb.

" Punyeta Falcon! Mukha naman na si Gia ang mag uuwi diyan sa ungas na iyan. Sino ba iyan?"

Galit niyang tanong. Kadarating lang niya mula sa highland resort at ito ang salubong sa kanya.

" Not sure, boss. Basta mukhang interisado si Miss Gia."

" Walang hiya ka! Bantayan ninyo iyan.Lalo ka na Falcon, kung hindi kay Senator Santander ka pupulutin."

Banta niya dito saka marahan itong napamura sa kabilang linya.

" Boss naman!"

" Hindi ako nagbibiro! At makinig ka sasabihin ko!"

Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip niya. Just a crazy idea came out of his mind. Marahil nauubos na din ang pasensiya niya kay Gia. Sa nagdaan na mga araw para siyang high school student na regular na dumadalaw dito. Nagbibigay ng bulaklak at regalo,matapos nitong tanggapin tatalikuran na siya nito.

Isang beses lang ito sumama sa kanya sa labas at dinala pa ang sina Dranreb pati ilang PSG na para bang wala itong tiwala sa kanya.

" Boss, think about it!"

Sabi ni  Dranreb matapos niyang sabihin ang plano dito.

" Pinag isipan ko na! I will kidnap Gia at pag nanlaban kayo ni Travis paputukan ko kayo! I will send you more details."

Hindi na niya hinayaan na makapag salita muli si Dranreb at ibinaba niya ang tawag. Kinuha niya ang kanyang leather jacket. Ang kanyang baril na ipinasok niya sa drawer ng kanyang bedside table ay muli niyang kinuha. Matapos masiguro na loaded ito ay lumabas siya ng silid. Isinuksok niya sa beywang ang kanyang baril.

" Wala ka lang din magawa, Daleon. Sumama ka sa akin."

Nagtataka ang tanong nito sa kanya.Kasama niya itong dumating mula sa highland resort.

" Boss, wala akong ganang lumabas."

Sabi nito. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa ng kanyang pantalon.

" I will call Pareng Al."

Bigla itong tumayo.

" Anywhere boss, sasama ako."

Kung sa ibang pagkakataon ay pagtatawanan niya si Daleon. Pero wala siya sa mood para gawin iyon.Dahil hindi nakalipas ang isang linggo ay ibinulalas nito ang nagawang kasalanan kay Al. Wala naman siya sa katayuan para sabihin iyon sa kaibigan.

And looks like Daleon is also suffering like him. Kaya naiintindihan niya ito. Desiring someone is not easy, lalo pa kung madaming reservations ang ninanais mo.

Gumawa pa siya ng ilang tawag. At ng makumpirma ang pag sang ayon ng mga ito isang importante na tao ang huli niyang tinawagan.

" Ninong, I'm sorry to call you this late."

Panimula niya ng sagutin nito ang tawag.

" No, problem Logan. Tell me."

Nag alis muna siya ng bara sa lalamunan.

" I want to invite Gia for a week sana Ninong."

Mahina itong natawa sa sinabi niya.

" Gia is enjoying torturing you. Okay, maybe you need to take her somewhere she can't avoid you. Mapapalagay siguro ang loob niya pag kayo dalawa lang ang magkasama."

" Iyan din ang nasa isip ko Ninong. Gusto ko lang makilala niya ako ng lubusan."

Kausap niya dito habang isa isa niyang hinihintay ang mga kasamahan na kanyang tinawagan.

" Logan, I trust you. Naiintindihan din kita. Gia is not easy to deal with."

Tumikhim siya at sumenyas sa mga kasamahan na nagtatanong sa kanya ang mga mata. Hindi ng mga ito inaasahan ang bigla niyang pagtawag sa mga ito.

" Kaya Ninong I will invite her differently."

" Logan, don't harm my daughter."

Paalala nito sa kanya.

" I will not harm Gia. Don't worry Ninong."

Pangako niya at napansin niya ang pag iling ng mga ito ng marinig ang pangalan ni Gia.

" Just one week, Logan. If it's more than a week,iisipin namin nagtanan na kayo."

" Yes, Ninong. I will marry Gia."

Iyon ang sagot niya dahil alam niya ang pakahulugan nito.And he's ready! Sa bawat araw na pinapahirapan siya ni Gia sa pagiging distant nito. The more he desires her to have her!

" Yon! Ready na si Boss sa drastic move niya."

Natatawa na sabi sa kanya ni, Xander. Hati ang mga kaharap niya sa kanyang balak gawin.

" Boss, think about it! Hindi kaya mas lalo kang takbuhan ni Gia?"

Ani Al na seryosong nakatingin sa kanya.

" Paano siya tatakbo kung wala siyang matatakbuhan?"

Hindi niya alam kung saan nanggaling ang sagot niya. Basta iyon ang plano niya, ang dalhin si Gia sa wala itong matatakbuhan.

"Hintayin ninyo ako sa parking lot. May dadaanan lang ako sa opisina."

Bilin niya sa mga ito at nauna na siyang lumabas. Naririnig pa niya ang diskusyon ng mga kasamahan. Lima lang naman sila lahat, dahil inside job ang gagawin niya kaya madali lang ang lahat.

" Suotin ninyo, para hindi kayo balikan ni Gia."

Sabi niya ng makapasok sa SUV niya ang iba niyang kasamahan ay sasakyan ni Xander sumakay. Dahil ang tatlo niyang kasama ay panigurado siyang motorsiklo ang dala.

" Wow! Pag makita ka niya para naman wala
siyang idea."

Napipikon na sabi ni Daleon ng makita ang bonnet na ihinagis niya dito.

" Pareng Al-"

" Magandang ideya ito boss. Manghula siya sino sa elite ang accomplice mo."

Mabilis nitong putol sa anuman niyang sasabihin.

" Use this, later."

Sabi niya kay Al na nasa driver seat, at siya sa unahan.Napahilamos si Daleon ng kamay sa mukha at tumingin sa labas ng sasakyan.

" Okay, boss. Basta hindi ipa dissolved ni Pres ang agency after this. We will support you."

Kinuha nito ang bonnet at inilagay sa kandungan.

" We're not committing a crime. Gusto ko lang makausap  si Gia in private."

Hindi na siya makapag hintay na makasama si, Gia. Sa isang lugar na wala itong ibang makikita kundi siya. Walang ibang matatakbuhan kundi ang apat na sulok ng silid na paglalagyan niya dito!

The boss and the bratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon