Chapter 21

6.7K 150 10
                                    

" Where was that coming from boss?"

Nasa gilid ng kanyang hospital bed ang mga tsismoso niyang kasamahan.

" Tsk! Tigilan nga ninyo ako. Bukas lalabas na ako dito, make sure you arranged my discharge."

Sulyap niya kay Daleon, dahil pagdating sa mga hospitalization ng grupo ito ang in charge. Kasama na ang mga connection nito sa medical field.

" Kahit ngayon pwede ka naman umuwi. Nagtatae ka lang naman."

Sabi nito na gusto niyang sipain. Pero dahil nagtawanan din ang iba hindi na siya sigurado kung sino ang uunahin niyang tadyakan.

" Ikaw Daleon, quota ka na talaga sa akin ha?"

Asik niya dito. Bago pa siya makatayo ay pumasok ang kaniyang mga magulang. Natigil din ang pagtatawanan ng mga ito at pumunta sa gilid. Ang iba ay lumabas ng silid.

"Oh god anak. I'm glad you're okay."

Punong puno ng pag aalala ang kanyang ina na naupo sa gilid ng kanyang hospital bed.

" Daplis lang Mommy, pwede na akong lumabas bukas."

" Mag iingat ka naman anak."

Humaplos pa ang palad nito sa kanyang pisngi.

" Mommy naman, alam mo ang pinasok ko. Don't worry, mag iingat na ako."

Sabi niya at ngumiti sa kanyang ina.

"Kailangan na dagdagan ang security ni Gia. Mas nagiging aggressive ang mga kalaban ng Ninong Jacob mo sa pulitika."

Sabi ng kanyang ama.

" Hindi gusto ni Gia ng maraming naka buntot sa kanya."

" Sa nangyari sa iyo maintindihan niya."

Hindi na lang siya nagsalita. Hindi nagtagal at nagpaalam na ang mga ito. Bumalik ulit ang mga kasamahan niya sa loob at muli pinalibutan siya.

" Dati ayaw na ayaw ninyo ma assign kay Miss Gia. Bakit ngayon nag presenta ka pa?"

Tukso muli ni Al sa kanya.

" Wala naman nababago sa kanya pag kayo ang nakabantay. Kaunting push na lang at magtitino na siya."

Pagdadahilan niya at saka kumuha ng mansanas na nasa kanyang gilid at kinagatan.

" May nangyari nga siguro."

Komento ni Xander na nakikuha din ng mansanas at umupo sa gilid ng kanyang kama.

" Pinaghugas ko ng plato, iyon ang nangyari! Masaya na kayo?"

Sabi niya pero walang naniwala sa kanya.

" Nag pa cannulate ka bossing. Tapos pinagbuhat mo pa kami sa iyo. Hindi mo gawain iyan. May something talaga."

Kulit pa ni Daleon at tulad ni Xander dumampot din ito ng prutas sa fruit basket na nasa bedside table.

" Tigilan ninyo ako. Sige kung ayaw ninyo akong magbantay kay Gia. Ikaw na lang ulit Daleon."

Sabi niya dito na malaki ang pagtanggi.

" Biro lang boss. May pakiramdam kami na ikaw ang kailangan ni, Miss Gia. Sa unang pagkakataon nakita namin siyang maging submissive. Good job!"

Sabi nito at nag thumbs up sa kanya.Maya maya ay nag paalam na din ito.

" I'm still on leave. Kaya mauna na ako. Na arranged ko na ang lahat."

Hindi na niya ito pinigilan dahil ini intriga talaga siya nito.

The boss and the bratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon