" Bossing ang bait naman pala nito pag tulog."
Sabi ni Xander na nakatunghay sa dalaga na nakahiga sa mahabang sofa.
" Dalhin na ninyo iyan sa rooftop. Travis will come to fetch us."
Utos lang niya. Nakatulog si Gia dahil sinamahan niya ng pampatulog ang ininom nitong juice. Hindi niya pwede itong iuwi.
" Si Pareng Al muna ang mag in charge ng office.Urgent matters he knows where to find me."
Isinabit na niya ang kanyang backpack na naglalaman ng importante bagay para sa kanya.
" Orlando, buhatin mo na yan. Bago pa magising at magsimula na naman magkagulo dito."
Sabi niya at balewala naman dito na binuhat ang dalaga.
" Bawal magdala ng babae dito!"
Isa isa niyang tiningnan ang mga nandun.
" Yes, boss! Ikaw lang may karapatan magdala ng chicks dito."
Biro ni Al at inakbayan siya palabas ng penthouse.
Hindi naman nagtagal at bumaba na sila sa kanilang beach house sa Batangas. Dito muna niya balak dalhin si Gia. Kailangan muna mawala ang mga pasa nito. Baka gamitin iyon ng dalaga laban sa kanya at ayaw niya ng conflict sa kanyang ama at sa ama nito.
" Thank you, Travis."
Pasalamat niya kay Travis na nag thumbs up sa kanya. Pinangko niya ang dalaga at dinala sa loob ng kanilang beach house. May ilang oras pa siya bago mag wala ito.
" Hello, Ninang Gwen. Informed ko lang kayo na si Gia ay kasama ko ngayon. Ako na po ang bahala. Huwag kayong mag alala."
Kausap niya sa ina ng dalaga.
" Okay, keep her safe Logan. I pagkaka tiwala ko sa iyo si Gia. And I'm sorry kung may katigasan ang ulo niya. Bear with her, please."
Pakiusap nito na punong puno ng pag aalala.
" Ako po ang bahala, Ninang."
Sabi na lang niya. Pagkatapos magpa alam ay ibinaba na niya ang tawag.
" Manang Virgie, kung okay na po ang lahat pwede na po kayo umuwi. Tatawagan ko na lang kayo."
Kausap niya sa katiwala nila sa beach house. Ayaw niyang may ibang tao dito sa beach house maliban sa kanila ni Gia.
" Okay na po, Sir Logan. Puno na po ang fridge ng pagkain."
" Maraming salamat po."
Sabi niya at tinalikuran na ang mga ito. Bumalik siya sa silid na pinaglagakan niya kay, Gia. Mahimbing pa din itong natutulog. Lumabas siya sa balcony kung saan tanaw ang dagat. Nasa ikalawang palapag sila pero madali lang makalabas dito kung gugustuhin.
Kailangan niyang manatili na nakasarado ito. Makikita pa din naman nito ang dagat dahil sa salamin na dinding nito.
" Don't you dare think about that!"
Agad siyang bumaling kay Gia na nakataas na ang fairy figurine sa ere.Naramdaman niya ang yabag nito. Pero ibinato pa din nito ang figurine na hawak na kanya naman nasalo. Collection ito ng kanyang ina, mga fairy figurine.
"Walanghiya ka! Anong ginawa mo?"
Sinugod siya nito at hinampas ang kanyang dibdib.
" Hanggang hindi ka mag behave. You will stay here, brat."
Hinawakan niya ito sa mga braso at kinaladkad papasok sa loob ng kwarto. Itinulak niya ito sa kama.
Kung nakakamatay lang ang tingin, pinaglalamayan na siya ngayon.Pero hindi siya apektado.
" Bakit ako pa ang mahirap na kausap Logan? Ikaw ba hindi mahirap kausap? I want to go home. Please send me home!"
Madiin nitong sabi sa kanya. At tumayo sa harap niya habang nakakuyom ang mga kamao.
" Starting today, I'm your personal bodyguard. I have consent from your parents. Kaya do as I say! Dito ka lang hanggang maging normal ka ng kausap!"
Lumapit siya sa adjacent door ng balcony at ini lock iyon. May passcode ang door lock niyon. Basagin man nito ang glass door mag alarm
naman ang system. Kaya hindi ito basta basta makakatakas." You can use this room. May mga damit diyan iyon na lang ang gamitin mo."
Sabi niya at iniwan ito ini lock niya mula sa labas ang pinto. Narinig pa niya ang pag sigaw nito.
" May araw ka din sa akin, bwisit kang lalaki ka!"
Isang nakaka uyam na ngiti lang ang sumilay sa kanya.
" Dream on, brat!"
Ganting sigaw niya at narinig niya ang pagkalabog ng malakas sa dahon ng pinto.
Nagtungo na lang siya sa kaniyang silid at nagpalit ng damit. Baka mabawasan ang stress niya pag mag swimming siya. Saka na lang siya mag scuba diving pag pwede na maiwan ng ilang oras ang dalaga.
Sumakay siya sa jetski at dinala sa malalim na bahagi. Saka siya sumisid at sinubukan na pakalmahin ang sarili.
Umahon na siya ng makadama ng gutom. Habang pabalik sa bahay napasulyap siya sa salamin na dinding at nakatayo doon ang dalaga.
Tumaas ang kamay nito at naka buo ang kamao. Pero ganun din ang ginawa niya dito. Nakita niya na sumigaw ito pero wala siyang marinig. Iiling iling siyang nagtuloy na sa loob ng bahay.
Iniinit na lang niya ang pagkain at saka dinalhan ng pagkain si Gia. Tinanggal niya ang susi muli sa labas. Ipinatong niya ang tray ng pagkain sa stand na nasa labas ng pinto.
Umatras siya at sumandal sa gilid. Pagbukas ng pinto ay kasunod si Gia na may hawak na stool na mula sa dresser. Hangin ang nahampas nito kaya nawalan ito ng panimbang. Deritso ito sa sahig.
" Hindi ka talaga mapagkakatiwalaan!"
Sabi niya dito na pinanood itong muling inaabot ang stool. Marahas niya itong hinawakan sa beywang at binitbit papasok ng kwarto.
" Gusto mong itali kita sa kama?"
Sabi niya ng ihagis ito sa kama.
" I hate you! Pangit ka! Bakla! Napatol sa babae!"
Galit na galit nitong sabi at nadampot ang unan at ihinagis sa kanya.
Tinawanan lang niya ito at tinalikuran. Kinuha niya ang pagkain at ipinasok sa loob.
" Kain na. You need energy. Baka maisahan mo din ako."
Malaki ang ngisi niya dito.
" Saka maligo ka. Hindi ka na amoy tao!"
Pang aasar niya dito na mas ikinagalit nito.
" Hindi ka naman mukhang tao!"
Ganti nito na nginisian niya.
" Demonyo ka, Logan. I can see your horns!"
Dugtong nito na tinawanan lang niya.
" Your not an angel, brat. Para sabihin ko sa iyo!"
Mabilis itong bumaba sa kama para sugurin siya. Pero malakas niyang isinara ang pinto bago pa ito makalapit.
" I hate you, Logan!!!"
Sigaw nito. Kaya sinigawan niya din ito.
" I don't care!"
BINABASA MO ANG
The boss and the brat
Romance𝓟𝓾𝓫𝓵𝓲𝓼𝓱𝓮𝓭 𝓷𝓭𝓮𝓻 𝓘𝓜𝓜𝓐𝓒!!!May physical book na po ito. Edited version. Logan Anderson Cervantes - boss of security agency for VIP and politicians. He is a gorgeous and very attractive man. Being boss suits him well. Dahil sa walang t...