Walang nagsasalita sa kanila ni Travis habang nakasunod kay Gia na nag jogging sa malawak na pribadong pag aari pa din ng pamilya nito.
Hindi siya pansin nito dahil naka hoodies siya at nakatungo lang ng dumaan ito sa harap nila ni Travis.
Matagal tagal na din itong naglilibot ng maisipan na huminto. Inabutan ito ni Travis ng tubig.
" Salamat, Travis."
Humihingal nitong sabi.Tumango lang si Travis. Siya ay nakatalikod dito at nagkunwari na nag stretching.
" Anong oras umuwi si Logan?"
Tanong nito, parang lumaki ang tenga niya ng marinig ang pangalan niya.Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Travis.
" Hindi pa nauwi si Boss."
" Really? May mahalaga ba siyang lakad dito? Mag recruit siya ng bagong elite sa PMA?"
Hindi niya mapigilan ang mapangiti. Naghahanap din naman pala ito sa kanya.
" Not sure, Miss Gia."
Pag iwas ni Travis. Nanatili pa din siya nakatalikod sa mga ito. Gia would think that he's guarding the area where Travis can't see.
" Ilang babae na ang dinala niya sa penthouse nya?"
Tanong nitong muli. Kaunti na lang maniniwala na siya kay Dranreb.
" Bawal magdala ng babae doon, Miss Gia. Maliban kina Madam Olga at Miss Czesta. Saka ikaw."
Saglit na tumahimik si, Gia. Gusto sana niyang lumingon kaya lang baka batuhin siya nito ng lalagyan ng inumin nitong tubig.
" Pero sa ibang lugar nagdadala siya ng mga babae?"
Tanong nito muli. Isang mahina at alanganin na tawa lang ang sagot ni Travis.
" I know your loyalty is with Logan. Wag mo na akong sagutin."
Sabi nito kaya napangiti siya pero agad na nawala ng maramdaman ang paghawak nito sa braso niya.
" Reb, will not lie. Lahat sa inyo I can see he's a good and honest man. Now tell me, Re-"
Hindi nito natuloy ang sasabihin ng mapilitan siyang pumihit paharap dito ay manlaki ang mata nito.
" Logan!"
" Good morning, Gia."
Bati niya dito. Bahagya naman na dumistansiya si Travis sa kanila.
Agad siya nitong binitiwan.
" Anong ginagawa mo dito?"
Tanong nito na pina meywangan siya.
" Manliligaw nga sa iyo."
Sagot niya, saglit na tumahimik si, Gia. Pinagmasdan siya na hindi niya alam kung ano ang nasa isip.Maya maya ay bumaling ito kay Travis.
" Let's go back, Travis."
Mabilis itong tumalikod sa kanya pero umagapay siya dito sa paglalakad.
" Gia, where do you want to eat dinner? Let's have a date."
Hindi ito sumagot at nagpatuloy lang sa paglalakad.
"C'mon, Gia."
Pangungulit niya dito, kaya huminto ito at humarap sa kanya.
" Hindi ako makikipag date sa iyo, Logan! Never!"
Sa naniningkit nitong mga mata ay baling sa kanya.Saglit siyang natigilan, pagkatapos ay ngumiti niya ito.
BINABASA MO ANG
The boss and the brat
Romance𝓟𝓾𝓫𝓵𝓲𝓼𝓱𝓮𝓭 𝓷𝓭𝓮𝓻 𝓘𝓜𝓜𝓐𝓒!!!May physical book na po ito. Edited version. Logan Anderson Cervantes - boss of security agency for VIP and politicians. He is a gorgeous and very attractive man. Being boss suits him well. Dahil sa walang t...