Chapter 7

6.9K 142 10
                                    

" Anong problema ninyo!"

Pumuno sa buong penthouse ang galit na tinig ni Gia. Kasunod nito ang dalawa pang kasapi ng EB na si Orly at Dranreb.

" Basag ang itlog ko boss! Ikaw na ang bahala sa kanya."

Sabi ni Orly na hawak sa mga braso si Gia. Bahagya nitong itinulak ang dalaga sa sofa kung saan siya nakaupo.

Madilim ang anyo nito, ganundin si Xander at Reb.

"Ikaw?!"

Umangat ang kamay ni Gia upang sampalin siya pero maagap niya itong napigilan.

" Kung ayaw mong mabalian ng buto sa kamay. Subukan mong sampalin ako!"

Galit din niyang banta dito. Ang maiitim
nitong mga mata ay punong puno ng galit. Hindi niya inaasahan ang pagsalpok ng ulo nito sa kanyang mukha.

" 'Tang ina!"

Sigaw niya at dinama ang kanyang kanyang ilong. He is right! Dumugo ang kanyang ilong sa ginawa nito.

" Boss!"

Sabay sabay na tawag sa kanya ng nakapalibot na mga tauhan. Hindi man lang umatras si Gia sa klase ng tingin ng binigay niya dito.

" Ipasok ninyo iyan sa silid ko at itali ninyo sa kama ko!"

Galit niyang utos na nagkatinginan lang ang mga nandun. Mabilis siyang nagtungo sa kusina para kumuha ng yelo.

" Subukan ninyo!"

Sigaw ni Gia at kasunod ang pakabasag ng kanyang center table.

" ' Tang ina talaga!"

Hindi niya mapigilan na mapamura habang inaampat ang dugo sa kanyang ilong. Mas nakadama siya ng matinding sakit ng ulo.

Narinig pa niya ang tili nito hanggang lumayo ang boses nito. Marahil nasa loob na ito ng kanyang silid.

" Tatandaan ko ang mukha ninyo, mga hayup kayo! Mananagot kayo sa akin! "

Naririnig niyang tungayaw nito habang papasok sa kanyang silid.

" Logan, I will kill you!"

Sabi nito ng makita siyang pumasok sa silid.

" This is wrong! Ipapakulong ko kayong lahat."

Banta nito habang nag pipilit na makawala sa upuan na pinag lagakan ng kanyang mga tauhan.

" Boss, matindi!"

Sabi ni Xander na naiiling.Tumayo siya sa harap ni Gia at pina meywangan.

" Bossing sagot mo kami kay President ha?"

Untag ni Dranreb sa pananahimik niya.

" Umuwi na kayo, salamat."

Utos niya na para naman iyon lang ang hinihintay at agad na nagpulasan.

" I will kill you!"

Madiin na sabi ni Gia. Lumayo siya dito dahil muli na naman nitong iumpog ang ulo sa kanyang mukha.

" Sa pinaggagawa mo, ikaw ang mauuna na mamatay sa ating dalawa."

Sabi niya dito. Galit na galit na sumigaw ito. At ng walang magawa ay napahikbi.

" I just want to go out alone! Anong masama sa ginawa ko? Bakit ninyo ako ginaganito?"

Umiiyak nitong sabi, nararamdaman niya ang frustration nito.

Walang imik na humiga siya sa kama. Dahil sa ginawa nito masakit ang kanyang ulo.

" Logan! You can't leave me like this!"

The boss and the bratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon