Chapter 1

24.5K 279 23
                                    

" Boss, baka naman pwedeng sa iba na lang ninyo ako i assign?"

Nag angat siya sa folder na binabasa. Kumakamot sa batok ang isa sa kanyang maasahan na bodyguard.

" What's wrong? Anong ayaw mo sa kanya?"

Naka kunot noo niyang sabi sa kaharap at humalukipkip. Hinihintay itong sagutin siya.

" Boss, alam naman ninyo ang reputation ni Miss Manalo. Panalong panalo sa pagiging pasaway."

Nagpawala siya nang buntong hininga.

" Masisira ang career ko sa kanya, boss. At ilan na bang bodyguard ang pinatawag sa palasyo dahil sa kanya?"

Hindi siya makapag salita dahil sakit din niya sa ulo ang dalaga.

" Kasi masyado kayo nagpapahulog sa charm nang babae na iyan."

Nagpawala siya nang buntong hininga at inabot dito ang folder na naglalaman nang impormasyon ng  dalaga. Kahit hindi na kailangan dahil lahat naman nakakakilala dito.

" I wonder why she did not look after Tito Pascal."

Naiiling niyang sabi dahil sa low profile ang dating anak nang pangulo na pinsang buo nang kasalukuyan na pangulo. Si Jacob Manalo ang matalik na kaibigan nang kanyang ama.

" Boss, sigurado kayo?"

Alanganin nitong tanong.

" Oo, ikaw ang magbantay sa kanya, bago pa ako masermunan ni Daddy."

Sabi niya dito kaya wala itong nagawa.

" Sana hindi niya maisipan na maglaro nang russian roulette."

Naiiling nitong sabi, na ikinatiim niya nang bagang. Nakunan pa nang video ang kalokohan nito sa isa niyang tauhan.

" Your dismiss, Daleon. You can have one month leave after your assignment."

Walang nagawa ito kundi lumabas nang kanyang opisina. Hindi pa din ito masaya kahit pangakuan niya nang mahabang bakasyon.

Kailangan nitong maging matagumpay at tumagal man lang nang ilang buwan. Kung hindi ay mag aalmusal siya nang sermon sa kanyang ama.

Naiiling na lang siya dahil iniiwasan niya ang dalaga. Ilang beses na ba siya nitong ilagay sa alanganin? Dahil lang ninong niya ang ama nito?

" What's up?"

Sagot niya sa cellphone niyang nag iingay.

" Labas tayo, bro."

Si Aidan iyon at nagyaya na naman lumabas. Agad siyang napangiti.

" Sure bro. Same place?"

Matapos ma kumpirma dito na dating lugar ibinababa na niya ang tawag.

Masyado niya ini enjoy ang pagiging bachelor niya kasama pa ang mga pinsan niya.

Sa kanyang murang edad agad na siyang sinanay magpatakbo nang ahensiya. Bukod pa sa korporasyon na isang mountain resort na eksklusibo para sa mga miyembro na pawang nasa military. Ang mga miyembro nito ang siya ding mga bodyguard para sa VIP. Mga bagong miyembro at anak nang original na founder nang Mountain Resort.

Ang mag member nang Mountain Resort ay may pagkakataon na maging bahagi nang kaniyang Elite Bodyguard para sa mga kilalang personalidad. Mga bilyonaryo at pulitiko at mga sikat na personalidad.Mapagkakatiwalaan at maasahan ang kanilang security agency. Nasisira lang sa Presidential daughter na si Jace Gia Manalo.

Napabuntong hininga na lang siya, nagsimula na mag reklamo ang kaniyang mga miyembro. Wala naman siyang magawa,bukod sa matalik na magkaibigan ang kanyang ama at kasalukuyan na Presidente isa ito sa may karapatan sa serbisyo dahil founder din ang ama nito na si President Jacob Manalo nang Mountain Resort.

Mabuti na lang may outlet ang kanyang stress na nararamdaman pag kailangan nang bagong bodyguard ni Gia. Ang ninong Jacob niya ay malaki ang tiwala sa kanilang agency at hindi dapat iyon masira.

Pag park niya sa high-end bar, halos magkasunod na dumating sina Aidan, Stan, Sebastian at Kai.

" Anong nangyari sa lakad ninyo?"

Natatawa niyang tanong, dahil ang una nitong pag yaya ay sa Thailand na hindi siya pwede makasama dahil kailangan niyang pumunta sa Mountain Resort bukas.

" May aberya lang, pero matutuloy din tayo."

Halata ang inis ni Aidan na nauna nang pumasok sa high-end bar.

And as usual, napupunta ang atensyon sa kanila pagpasok nila sa bar. Lalo na sa mga kababaihan.


Nagtuloy sila sa bakanteng mesa, marahil naka pag reserve na si Aidan bago pumunta dito. Pagpasok nila naabutan nila ang mga babaeng pinsan at kapatid na si Czesta na naglalaro ng truth or dare na sigurado siyang ideya ni Ava.

"Ikaw ba ang me dahilan bakit hindi kami natuloy? Sino ang accomplice mo? Si Tita Ysa o si Thiago ?"

Agad na akusa ni Aidan sa kakambal na si Ava.

" Of course not."

Tanggi ni Ava at ngumisi lang sa kapatid, saka niyaya ang mga babae na kumanta na kadalasan nitong ginagawa.

" Mag inom na lang tayo."

Sabi ni Sebastian at agad na nag order nang iba ibang klase nang alak. Pero mas prepara niya ang beer dahil may lakad siya bukas.

Napansin naman ni Sebastian ang babae na naiwan sa table. Agad niyang tinanong si Czesta na katabi nito.

" You have a new friend ha?"

" Look at her closely."

Natatawang sabi naman ni Czesta at humarap
sa kanila ang dalaga na alanganin na nakangiti. Na kay Kai ang mga mata nito.

" Scarlet."

Anak ito nang isa sa matalik na kaibigan nang kanyang ama. Ang dating anak nang pangulo na si Pascal Manalo pero ang apelyido nang ina ang gamit na Ortega. Low profile ito na anak nang Presidente. Hindi katulad ni Gia, na gusto kumuha nang atensyon o gusto magpa kidnap.

" Welcome back, Scar."

Bati niya na matagal nanatili sa Paris dahil sa pag aaral.

" Thanks, Logan. Salamat sa bodyguard, baka hindi ako pinayagan ni Tatay kung hindi mo ako nabigyan agad nang magbabantay sa akin."

Tinanguan niya ito at hinanap nang mata si Orlando ang bodyguard na ini assign niya dito.
Nang bumaling ang atensyon nito kay Kai. Lumapit siya kay Orly na nasa wine bar at naka upo sa isang mataas na stool. Katabi si Travis na bodyguard ni Lavin.

" Boss!"

Agad na bati nang mga ito sa kanya. Humarap naman ang isa pang lalaki na nasa bar counter at may hawak nang baso nang alak.

" Logan, I'm glad to see you here."

" Nikko Aragon."

Sambit niya sa pangalan nang lalaki na nais niyang maging miyembro nang kanyang Elite Bodyguard Club.

" I'm expecting you to enlist in my Elite bodyguard agency?"

Tanong niya na napangiti.

" Pwede mamili nang babantayan?"

Tanong nito na nakatingin sa mini stage kung saan kumakanta ang mga kanyang mga pinsan. Tanging si Scarlet at Lavin sa mga ito ang may bodyguard.

A/N: Hello ito na po si Logan. 😊
Mabagal ang update nito kasi busy ang Inday sa kanyang  estudyante ✌️

The boss and the bratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon