" Amm, susunod na ako!"
Kasabay noon ang pag pula ng mukha nito. Wala siyang idea na ang simpleng pagsulyap lang sa kanya ay para itong nakakain ng sili sa sobrang pula ng mukha.
" Okay!"
Sabi lang niya at tinalikuran niya ito. Sinusupil niya ang pagwala ng mahinang pagtawa.
Hmm, alam ko na ang kinatatakutan mo brat!
Iyon ang pumasok sa isip niya dahil sa halong pagka pahiya nito kapag tinitingnan niya. Hindi niya din alam ang pumasok sa isipan at sinabayan niya ang pagka kulit nito. Marahil nagsusukatan sila ni Gia kung sino ang aatras sa mapanuksong dare na iyon.
" Anong balita?"
Bungad niya sa tawag ni Al.
" Boss, ako magtatanong anong balita? Ilang araw na din kayo diyan ni Miss Gia?"
Sa halip sagot nito. Isang ngiti ang hindi niya masupil.
" Wala! Tsismoso ka!"
He just hissed on the line. Narinig naman niya ang pagtawa nito.
" Anyway, mukhang coping ka pa naman. Kaya hindi mo pa isinosoli si Miss Gia."
Sabi pa nito. Pero hindi na lang niya pinansin. Hindi lang siya makapaniwala sa weakness na nadiskubre niya sa dalaga. Hindi niya kailangan pang maging marahas, just to shut her up. Ibang sandata pala ang makakapag patakot dito.
" I have to. Kasi wala nang pwede pa sa inyo!"
Sabi niya at naupo sa sofa habang nakikipag usap dito. Noon naman dumaan sa harap niya si Gia at dumiretso sa kusina. Sinundan na lang niya ito ng tingin.At naiiling na lang.Para siyang hangin na hindi nito pinansin.
" Speaking of, we need someone for Mr. Gabriel Valencia. Nag request ang pamilya nito ng security while he's in the country.Bigtime pala ang pamilya nito sa Spain."
Bigla nitong pasok sa usapan. Kaya nakuha nito ang atensyon niya.
" He will need for how many days?"
Tanong niya dito. Dahil bago siya umalis ay mayroon ng alokasyon sa bawat miyembro.
" Just two weeks."
Sabi nito kaya parang na bunutan siya ng tinik sa lalamunan.
" How about Daleon?"
Tanong niya sa naka leave na si Daleon.
" He's on leave. At alam mo na iyon. We can't reach him pag naka bakasyon."
Napatango tango siya. Anyway, i line up naman niya ito sa isang celebrity sa susunod. Ang timing ng duty nito ay sigurado na magpapainit ng ulo nito.
" I will see. I will think of someone na pwedeng mag cover kahit two weeks lang. Iyon lang ba?"
Pag usisa niya sa possible na issue ng opisina.
" So far so good.Sigurado ka wala kang sasabihin?"
Muling ibinalik nito ang usapan sa kanya.
" Tsk! Wala! Baka pinag pupustahan na ninyo ako kung hanggang kelan ako makakatagal."
Natatawa niyang sabi dito.
" Walang ganun, boss. Well, iyon lang sa ngayon. Alam namin na kayang kaya mo si Miss Gia."
" Sige na."
BINABASA MO ANG
The boss and the brat
Romance𝓟𝓾𝓫𝓵𝓲𝓼𝓱𝓮𝓭 𝓷𝓭𝓮𝓻 𝓘𝓜𝓜𝓐𝓒!!!May physical book na po ito. Edited version. Logan Anderson Cervantes - boss of security agency for VIP and politicians. He is a gorgeous and very attractive man. Being boss suits him well. Dahil sa walang t...