"'Fvck! What that smell?"
Nagmamadali siyang pumasok sa loob ng bahay. At nagtuloy tuloy sa kusina. And he found Gia, busy cooking. O mas tamang sabihin na abala ito sa pagsunog ng kusina.
" Need help?"
Nagulat ito sa kanya kaya nabitiwan nito ang hawak na tong para sa bacon na niluluto nito.
" Oh!"
Tanging nasabi nito. Mabilis naman siyang lumapit at pinatay ang stove.Ini on din niya ang exhaust para mawala ang amoy ng buong kusina.
" Hmm, it seems like you are not ready yet. At least you tried."
Sabi na lang niya at itinapon ang mga sunog na bacon at pinalitan ng bago.Naramdaman na lang niya ang pag atras nito at naupo sa mataas na stool ng island counter.
" Hindi pala ganun kadali."
Sabi nito at pinanood na lang siya sa kanyang ginagawa.
" Hindi mo naman kailangan na gawin ito, Gia. Just a snap of your finger nasa harap mo na ang lahat. You even have a personal chef."
Sabi niya dito.
" And I complain a lot if I don't like the food she cooked for me. Pero simpleng bacon hindi ko maluto."
" Somehow, trying to do things na hindi mo nararanasan dati ay malaki ang maitutulong sa iyo. You will learn and understand people around you."
" Salamat, Logan."
Sabi nito at na nakatingin sa kanyang katawan.
" But I prefer, coffee and pandesal for breakfast."
Sabi nito na nakatingin sa kanyang abs. Katatapos lang niya mag jogging sa tabing dagat. At tanging jogging pants lang ang suot niya. Hinubad niya ang kanyang puting muscle shirt na nabasa na ng pawis.
" Hindi nakakain ang pandesal na tinitigan mo, Gia."
Sabi niya dito at inilapag sa harap nito ang bacon.
" I never saw other bodyguards assigned to me showing their body. Maliban sa iyo, unprofessional ka?"
Tanong nito habang hindi inaalis ang tingin sa kanyang katawan.
" Tsked. Kumain ka na. You're not going to see me like this kung hindi mo halos masunog ang kusina, Gia."
Agad itong ngumuso sa sinabi niya.
" Gumising pa ako ng maaga para sana sa pagluluto ng breakfast. I appreciate mo naman."
Tumayo ito at lumapit sa kanya. Ang mga palad nito ay humawak sa kanyang dibdib.Hinawakan niya ang kamay nito at inilayo ang sarili.
" Stop doing that, brat. Behave kung ayaw mong mawala ang chance mo to explore this place."
Agad na nag angat ang mukha nito sa kanya. At kumislap ang mga mata.
" Let's go diving. May maganda na diving spot dito."
Pag yaya niya. Dahil baka bored lang ito at siya ang pinagdidiskitahan.
" Really?"
Mas nagliwanag ang mukha nito.
" Yes, kaya kumain ka na. Magbihis lang ako."
Sabi niya at tinalikuran na niya ito. Nagtuloy siya sa kanyang silid. At habang nakaharap sa monitor ng screen ng malaking TV na naka konekta sa mga CCTV. Pinanood niya si Gia na kumuha ng kanin at nag init sa microwave. Nag timpla din ito ng kape.
Nangunot ang kanyang noo dahil mukha naman itong sanay na asikasuhin ang sarili.
" You're really up to something, brat."
Sabi niya at mabilis na lumabas ng silid. Isang puting T-shirt ang kanyang sinuot. Nagtuloy siya sa ref at naglabas ng mga pagkain.
" I don't mind reheating my food. Baka hindi ka sanay."
Inilagay niya ang pork adobo sa microwave. Saka lumapit sa water heater. Si Gia ay ang coffee maker ang ginamit. Pero prefer niya ang instant na kape paminsan minsan.
" Saka kinain mo na iyon kagabi."
Sabi niya at naupo sa tapat nito. Habang nag titimpla ng kape.
" That's smell good."
Komento nito sa kaniyang tinitimpla na kape.
" You want to try?"
Tanong niya, pero umiling ito.
" Maybe tomorrow. Sayang naman ang ginawa ko. Your coffee beans here is expensive."
Sayang? Coming from her? Tiningnan na lang niya ito. Pero nagtuloy lang ito sa pagsubo.
Noon naman tumunog ang microwave kaya tumayo siya at kinuha ang pagkain niya.
Pinanood siya nito habang kumakain siya." Mapagod ang mag diving, kaya kailangan mong kumain. You need heavy breakfast."
Sabi niya dito. Hindi niya inaasahan ang pag kuha nito ng ilang piraso ng pork adobo na nasa mangkok.
" Parang sarap na sarap ka. I want to try."
Nakakailang nguya pa lang ito at agad na itong napangiti.
" Mmm, masarap pala."
" First time?"
Tumango ito at muling sumubo.Ilang sandali niya itong pinagmasdan. Madali lang pala pasayahin ito?
Agad niyang ipinilig ang ulo.
She's a good actress, Logan!
Agad niyang warning sa sarili.
" Here! Kung gusto mo pa."
Sabi niya at bahagyang inusod dito ang bowl ng pork adobo.
" Thank you!"
Masaya nitong sabi at saka naman inusod nito sa kanya ang bacon. Kaya nagpalit sila ng pagkain.
" Ako na ang maghuhugas ng pinagkainan natin. Prepare yourself. Mayroon na diving suit din si Czesta sa room iyon na lang ang gamitin mo."
Agad niyang sabi matapos silang kumain. Kasi baka abutin sila ng tanghalian kapag ito ang maghugas.
" Okay!"
Sabi nito at tinalikuran na siya. Kinuha niya ang cellphone at saka tinawagan ang caretaker ng beach house.
" Manang, bago magtanghalian pumunta kayo dito. Pakilinis ng mga silid at pakipalitan ang mga bed sheet. Magdala na din kayo ng bagong supply ng pagkain. Pakisabi kay Manong Larry kailangan ko ng bangkang de motor. Mag scuba diving kami ngayon. Salamat."
Utos niya sa kabilang linya habang abala siya pag prepara ng pagkain na dadalhin nila sa diving.
" Okay po, Sir!"
Sabi nito at ibinaba na niya ang tawag. Matapos mahanda ang pagkain ay naglagay siya nag inumin sa cooler. Naglagay siya ang ilang beer in a can at mga soda.
Matapos na magayak ang mga pagkain. Saka lang siya umakyat sa kanyang silid upang magpalit ng suot na para sa diving. Alam niya na nagawa na ito ng dalaga kaya hindi na nito kailangan na I orient paano gamitin ang diving apparatus.
" I'm ready!"
Pukaw nito sa kanya na abala niyang binabasa ang update ni Al. Nilingon niya ito at saka nginitian.
" Let's go then."
Sabi niya at binitbit niya ang mga pagkain.
" Let me help you, Logan."
Agaw nito sa kanyang backpack na pinaglagyan niya ng kanyang cellphone.
"Hindi! If you want to help. Itong basket ng pagkain ang bitbitin mo."
Aniya at inabot dito ang basket ng pagkain na wala itong nagawa kundi bitbitin ito.
BINABASA MO ANG
The boss and the brat
Romance𝓟𝓾𝓫𝓵𝓲𝓼𝓱𝓮𝓭 𝓷𝓭𝓮𝓻 𝓘𝓜𝓜𝓐𝓒!!!May physical book na po ito. Edited version. Logan Anderson Cervantes - boss of security agency for VIP and politicians. He is a gorgeous and very attractive man. Being boss suits him well. Dahil sa walang t...