" Okay na?"
Tanong nito sa kanya pagbaba ng hagdan. She's still wearing a white t-shirt. Ang shorts na suot kanina ay pinalitan nito ng joggers.
" Much better."
Sabi niya na sumimangot naman ito.
" Kumain muna tayo, bago tayo lumabas."
Pagyaya niya dahil naka handa na ang pagkain sa mesa. Walang reklamo itong sumunod sa kanya. Ipinagtaka niya ang pagiging magana nitong kumain.
" Ako na ang maghuhugas ng pinag kainan natin."
Sabi nito na tinanggihan niya.
" Wag na baka magsara na ang lahat ng tindahan sa bagal mong maghugas."
" Ang mean mo talaga! Hindi mo man lang na appreciate na ikaw pa lang pinag hugas ko ng plato. I never do that, Logan. Para sabihin ko sa iyo."
Nagtatampo nitong sabi kaya nilingon niya ito at nginitian.
" Well, thank you, Gia. But your seeing things differently. Wala akong ibang ibig sabihin. Gusto ko lang matapos na ito. So, we can go out early bago tayo pag sarhan ng tindahan. Wala tayo sa city, before ten nagsasarado, na karamihan ng store dito."
Pagpaliwanag niya, pero hindi naman yata nito naintindihan. Nakatingin lang ito sa kanyang mga labi.
" Gia!"
Tawag niya dito at napakurap ito. Nagka tinginan sila saglit at ito ang umiwas ng tingin.
" Maghintay na lang ako sa sala."
Saka siya tinalikuran. Naiiling na lang siya dahil naging weird na din ito ngayon. Katulad niya, weird na! Bakit napangiti siya nito ng sabihin nitong siya pa lang ang pinaghugas nito ng plato?
" May something talaga siya sa boobs niya."
Iyon ang kanyang nasa isip habang nasa harap ng hugasin.
" Ready?"
Tanong niya dito na nasa binabasa na magazine ang atensyon. Walang salita na tumayo ito.Tumango lang ito sa kanya.At sumunod lang sa kanya hanggang sa makasakay, sila sa pick up na service nila dito sa beach house.
" Bakit ang weird mo yata ngayon?"
Pagbubukas niya sa usapan dahil sa pagiging tahimik nito.
" Anong weird? You want me to behave di ba?"
Sagot nito na sa dinadaanan ang tingin nito.
" Nakakapanibago lang."
Sabi niya. Still trying to have conversations with her.
"Kilala mo lang ako sa pangalan, Logan. At sa kung anong sumbong ng mga alipores mo.Pero hindi nila ako friends at ganun ka din, kaya hindi ninyo tanggap kung ano ako."
" Still Gia you're a troublemaker. Ilang gulo na ba ang ginawa mo? Napagtatakpan ka lang bago pa maging headline ang lahat."
Paalala niya sa mga ginawa nito.
" Because I don't want Dad to run for President! I want to ruin his candidacy. Napaka dalang namin siya makasama at pa lagi pa siyang may threats! Alam mo ba kung anong magiging epekto noon kay Mommy? Up until now, she's still in so much pain, dahil sa pagkawala ng mga posible kong kapatid!And losing my dad means I'm losing her too. And I have no one Logan! Dahil wala akong kapatid! Wala akong kaibigan. I don't have true friends. Not even relatives na totoo sa akin!"
Umiiyak nitong sabi at hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Ihininto lang niya ang sasakyan sa gilid ng kalye.He wants to calm her, pero hindi niya alam kung papano.
" Try to understand, Gia. Mahigpit man ang pag babantay na ginagawa namin sa iyo. Pero utos iyon ni Ninong. Ayaw niyang may masamang mangyari sa iyo dahil ayaw na niyang madagdagan ang sakit ng Mommy mo if something happens to you. Alam mo kung gaano kamahal ng Daddy mo ang Mommy mo di ba?"
Nag pahid ito ng luha. Saka nagpawala ng buntong hininga.
" I love them both! Ayaw kong may mawala o masaktan sa kanila."
" Good! Wala kaming planong ipahamak ka Gia. Matuto ka lang sumunod sa amin na nagbabantay sa iyo. You'll be safe. At mapapanatag ang mga magulang mo."
Tumango lang ito saka muling tumingin sa labas ng bintana. Kaya muli na lang niya pinaandar ang sasakyan.
Sa isang groceries at supermarket na establishment sila pumasok. Isang basket ang kinuha niya pero tinaasan siya ng kilay ni Gia.
" Why? You only need a sanitary napkin?"
Tanong niya dito.
" God! Logan, ilang araw akong hindi lumabas at nagtiis lang ako kung ano ang meron sa bahay mo. But I want something to buy."
Sabi nito at hinatak na ang pushcart.
" Bakit me pera ka ba?"
Ibinalik niya ang basket at kinuha dito ang pushcart.
" Sinong me kasalanan bakit wala akong cellphone, cards at pera? Ikaw! Kaya sagot mo ang lahat ng ilalagay ko dito sa pushcart."
Napapalingon ang mga napadaan sa kanila kaya hindi na siya nakipag talo.
" Siguraduhin mo lang na kaya mong bitbitin ang pinamili mo. Dahil ikaw ang magdadala ng lahat ng iyon."
Sabi niya dito na nakasunod dito.
" Wala din akong personal assistant dahil sa iyo. You will do all the job for me."
"Why not asked me to be your friend, Gia?"
Napahinto ito sa paglalakad dahil sa sinabi niya. Samantalang gusto naman niyang batukan ang sarili sa lumabas sa kanyang bibig. Pero huli na, nasabi na niya.
Tumingin lang ito sa kanya at hindi niya mabasa ang nasa isip nito.
" Nasa iyo na ang lahat di ba? Personal assistant, chef bodyguard. Except for friend, sabi mo nga. I'm offering you friendship, Gia."
Pagpapaliwanag niya. Sumilay naman ang ngiti nito sa sinabi niya.
"Will you trust me? Because that's the main ingredient in a friendship for me."
Sabi nito na hindi nawawala ang mga ngiti sa labi. Bahagya pang kumislap ang mga mata nito.
" Sure!"
Mabilis niyang sabi na hindi nag iisip.Inilahad nito ang mga palad for a handshake na inabot niya.
" Friends!"
Sabay nilang sambit at pareho silang napangiti.
Hindi niya alam kung bakit nagbago ang ihip ng hangin. Pero aminado siyang nakaramdam siya ng awa dito. Marahil dahil sa nag iisa itong anak at well-guarded kaya ganun ito makisama.He offered her friendship, dahil umaasa siyang mag tiwala ito sa kanya. And somehow matuto itong makisama ng maayos sa iba.
" Bakit puro chips naman ang inilagay mo?"
Tanong niya ng halos iba ibang klase na chichirya ang inilagay nito.
" We'll add some beer. To celebrate our friendship."
Malaki ang ngiti nitong sabi. And thinking they will drink tonight excites him more.
BINABASA MO ANG
The boss and the brat
Romance𝓟𝓾𝓫𝓵𝓲𝓼𝓱𝓮𝓭 𝓷𝓭𝓮𝓻 𝓘𝓜𝓜𝓐𝓒!!!May physical book na po ito. Edited version. Logan Anderson Cervantes - boss of security agency for VIP and politicians. He is a gorgeous and very attractive man. Being boss suits him well. Dahil sa walang t...