Chapter 22

6.9K 149 4
                                    

"Shit!"

Biglang baling sa kanya nina Dranreb at Al na nag uusap ng bigla siyang mapa mura ng tumunog ang cellphone nito bago pa man siya gumawa ng tawag.

He wants to kick himself! Kailan pa nakakagulat para sa kanya ang pagtunog ng cellphone? At sa kaalaman na si Gia ang tumatawag.

Hanggang lahat sila ay magkatinginan.

"Boss, you want me to answer the call?"

Untag ni Dranreb na hindi pa din niya sagutin ang tawag.Malinaw na naka register ang pangalan ni Gia Manalo.

"No!"

Mabilis niyang sabi saka tinanggap ang tawag ni Gia.

"Hello, Reb. How's Logan? Can I speak to him?"

Bungad nito na kinunotan niya ng noo si Dranreb.

"This is Logan."

Pakilala niya sa sarili at saka tumikhim.

"Oh! Hello, Logan! Kumusta ka na?"

Nahimigan niya ang pag alala sa boses nito, kaya inalis na niya ang masamang tingin kay Dranreb sa laking pagtataka nito.

"Okay lang,pwede na akong lumabas bukas."

"Really? That's good to hear."

"But I still need more days to recover. Bahala na sina Falcon at Travis sa iyo."

Pagbibigay niya nang impormasyon na hindi pa siya makabalik bilang bodyguard nito.

"It's okay, Logan. After what happened to you now I appreciate my bodyguards. I will not give them hard time."

Sabi nito kaya muling umasim ang mukha niya.

"Kaya pala you're calling them by their nickname?"

Narinig niya ang pagtawa nito.

"Reb is nice. He looks so innocent and harmless."

Komento nito patungkol kay Dranreb na sinamaan niya ng tingin.Nag kibit balikat lang ito.Nahuli naman niya ng tingin ang pangngiti ni AL bago ito tumalikod.

"Akala mo lang iyon, Gia. Hindi ibig sabihin na binigyan kita ng idea about making friends. Eh,gagawin mo na friends ang lahat na makikilala mo. Be discreet, lalo na sa mga lalaki."

Sabi niya at na iimagine na niya ang pag simangot nito sa sinabi niya.Pero kabaligtaran ang ngyari dahil tumawa lang ito sa sinabi niya.

"Hindi ka naman nagseselos?"

Tanong nito na saglit siyang natigilan. Nagseselos nga ba siya?

"Concern lang ako, Gia."

Bigla niyang sabi.Pilit na inaalam sa sarili ang katotohanan sa sinabi nito.

"Still, that sounds good to me Logan."

Hindi na siya nakapag salita dahil naramdaman niya ang kasiyahan sa tinig nito.

"Just be careful, Gia."

Sabi na lang niya dito.

"I will, Logan. Pagaling ka na agad para ikaw na ang magbantay sa akin. Gusto kong bumawi sa ginawa ko. I was so careless and selfish."

Napangiti siya sa sinabi nito.Parang gusto na tuloy niyang sabihin na mag report na siya bukas pag labas niya ng hospital.

"Bye, Logan."

Narinig na lang niyang sabi nito dahil ilang saglit siyang natilihan.

"Bye, Gia."

Iyon lang at nawala na ito sa kabilang linya.Inihagis niya ang cellphone kay Dranreb at mabuti nasalo nito.

The boss and the bratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon