" Mukhang nanadya pa talaga!"
Mahina niyang bulong sa sarili dahil nakipag sayaw pa ito sa gitna. Kaya lumapit siya sa area na nag serve ng alak at kumuha ng brandy.
" Boss, anong nangyari sa duty first?"
Tanong ni Orly sa kanya.
" Just shut up, Lusterio!"
Angil niya dito at nagsalin sa baso saka uminom. Nandun pa din ang masamang tingin niya kay Gia.
" Relax boss, okay? Wala pa sa kanila ang pwede mag relieved sa iyo."
Natatawang sabi ni Orly. Hindi na lang niya pinansin. Ang atensyon niya at nasa dalaga. She's literally flirting with the new elite.
Habang lumalalim ang gabi, lumalalim din ang gatla niya sa noo habang pinapanood ang dalaga.
"Damn you brat!"
Hindi niya napigilan ang sarili at lumapit kay Gia.
" Uuwi na tayo!"
Sabi niya habang hawak ito sa isang braso. Isang tango ang ibinigay niya sa mga nakapalibot dito at isa isang umalis ang mga ito sa harapan nila ni Gia.
" No! Ayaw ko pang umuwi!"
Sigaw nito sa kanya.Hindi niya alam dahil sa malakas na musika o dahil sa gusto siya nitong bulyawan.
"Huwag mo akong sagarin, Gia!"
Madiin niyang sabi habang hawak pa din ito sa braso. Bahagya itong ngumiwi at pilit na kumakawala sa kanyang hawak. Pero hindi niya hinayaan na makawala ito.
" Logan, ayaw ko pang umuwi!"
Sabi nito habang matalim ang tingin sa kanya.
" Fine! Hindi ka pa uuwi pero aalis na tayo dito!"
Sabi niya at nagsukatan sila ng tingin ni Gia. Hanggang wala itong magawa kundi ang magdabog at mabilis siyang tinalikuran.
Hindi na nito hinintay na pagbuksan niya ng pinto ng sasakyan. Sumakay ito at padabog na isinara ang pinto, lumikha iyon ng malakas na ingay. Nailing na lang siya na pumasok na din sa driver side.
" Gia-"
"Don't talk to me, please."
Putol nito sa sasabihin niya kaya napatiim siya ng bagang. Tinapunan niya ito ng tingin pero wala sa kanya ang mga mata nito. At sa body language nito alam niya,malapit na itong magwala.
Isang buntong hininga ang pinakawalan niya at mabilis na pinaharurot ang sasakyan.
" Baba."
Pukaw niya kay Gia ng ihinto niya ang sasakyan sa isang port.Iginala muna nito ang paningin bago siya inirapan.
"No!"
Sabi nito at humalukipkip.Sa inasta nito para bang kahit anong mangyari hindi ito gagalaw sa kinauupuan.
" Gia, we need to talk."
Mahinahon niyang sabi at bahagyang humarap dito.
"Sinabi ko na, huwag mo akong kausapin."
Madiin nitong sabi. Saglit siyang natigilan saka lumabas ng sasakyan. Nakapameywang siyang humarap sa dagat at pilit na pinapakalma ang sarili.
Matapos ang ilang saglit ay nilingon niya si Gia na prente pa din ang pagkaka upo. Naiiling na lang siya.
" Anong gagawin ko sa iyo Gia?"
Hindi niya napigilan na tanong sa sarili habang nakatingin dito. Dumaan ang halos kinse minutos pero wala talagang balak na lumabas si Gia para mag usap sila.
Hindi siya nakatiis kaya kinatok niya ito sa bahagi nito. Ibinaba nito ang windshield.
" Bring me home Logan."
Maiksi lang nitong sabi.
" Kung gusto mong umuwi kausapin mo muna ako."
Mahinahon niyang sabi. Gia looks at him, marahil inaalam kung matitinag siya nito. Pero dahil determinado siyang maka usap ito ay masama ang loob na bumaba ito ng sasakyan.
Sumandal ito sa pinto ng SUV niya at nandoon pa din ang pagka disgusto sa anyo nito.
" Wala ka naman sasabihin, kaya ako na lang magsasalita. Dahil madami akong gustong sabihin sa iyo Gia."
Wala itong reaksiyon, ang tingin ay nanatili sa dagat na naiilawan ng mga yate.
" Una, maniwala ka at sa hindi pero seryoso akong nanliligaw sa iyo. Dahil-"
" Dahil pinakialaman mo ako you have to be responsible for me. Para mabawasan ang dalahin sa konsensiya mo na sinamantala mo ako ng gabi na iyon."
Pagputol nito sa sasabihin niya. She said those words without looking at him.
" Ganun ba ang tingin mo?"
Tanong niya, bumaling naman ito sa kanya sa pagkakataon na iyon.Isang nakakauyam na ngiti ang binigay nito sa kanya.
" Hindi lang sa tingin, Logan! Iyon din ang nararamdaman ko.Sana nilayuan mo na lang ako!"
" Paano ko gagawin iyon kung hinahanap hanap kita? My feelings towards you change when we stayed in our beach house, Gia. I don't know what happened back then but I started to like you, kahit pasaway ka! Kung hindi kita gusto, kahit maghubad ka sa harap ko noong gabi na iyon. Hindi naman kita pakikialaman eh. Hahayaan kita sa kahit na sinong elite na gusto mo noong gabi na iyon na umangkin saiyo. But Gia, I want you for myself, kaya nangyari iyon."
Saglit itong natigilan at tinitigan siya na para bang inaalam ang katotohanan sa sinabi niya.
" Hindi ako naniniwala."
Maya maya sabi nito at muling tumingin sa dagat.She's avoiding his eyes.
"Please Gia, tell me what I should do? Seryoso at tapat akong nanliligaw sa iyo."
Sabi niya dito at sinubukan na hawakan ito sa kamay.Pero ipiniksi lang nito ang braso.
"Basted ka nga di ba?"
Napakuyom siya ng kamao. Kung nandito lang mga kasamahan niya abot langit ang pambubuska na aabutin niya.
" Anong ayaw mo sa akin? Sabihin mo nga?"
Tanong niya na pilit na itinatago ang inis.
" Lahat ayaw ko sa iyo!"
Sabi nito na parang nasisiyahan sa frustration na nararamdaman niya ngayon.
"Sigurado ka?"
Tumapat siya dito at ang mga palad ay itinukod sa magkabilang gilid nito. Agad na nanlaki ang mga mata nito dahil nakulong ito sa kanyang mga braso.
" Ayan ka na naman! Kaya ayaw ko sa iyo eh! Why are you making me feel this way?!"
Natataranta nitong sabi at itinaas ang mga palad sa kanyang dibdib. Akala siguro nito ay ididikit niya ang katawan niya dito.
"Masyado kang natataranta, Gia. Gusto ko lang nakaharap ka sa akin. Para malaman ko kung nagsasabi ka ng totoo."
Bahagya siyang napangiti kahit na sabihin nitong basted siya. Nakikita niyang apektado ito sa kanya.
"Ayaw ko nga sa iyo, okay?"
Sabi nito sa kanya habang nanlalaki ang mga mata dahil unti unting bumababa ang kanyang mukha dito.
" Logan! Will you stop it!"
Tili nito hanggang halos hibla na lang ang pagitan ng kanilang mga labi. Sa halip na sa labi sa tenga nito itinuloy ang kanyang bibig at bumulong.
"Hindi ako naniniwala, Gia.At gagawin ko ang lahat para paaminin ka. You want me as much as I want you."
Inilayo niya ang mukha at matamis itong nginitian. Gia looks at him in disbelief!
BINABASA MO ANG
The boss and the brat
Romance𝓟𝓾𝓫𝓵𝓲𝓼𝓱𝓮𝓭 𝓷𝓭𝓮𝓻 𝓘𝓜𝓜𝓐𝓒!!!May physical book na po ito. Edited version. Logan Anderson Cervantes - boss of security agency for VIP and politicians. He is a gorgeous and very attractive man. Being boss suits him well. Dahil sa walang t...