Chapter 10

7.2K 146 6
                                    

Lumipas ang dalawang araw na sinubukan ni Gia na makalabas ng silid. Pero hindi ito nagtagumpay. Mas matindi ang resistance nito na tinutumbasan niya' ng kanyang matatag na paninindigan.

" Logan, I know you can hear me."

Oras na ng pagkain nito kaya kinatok niya ito. Hindi niya akalain na nasa likod lang ito ng pinto.

" Malapit na akong mabaliw, Logan. Palabasin mo na ako."

Pakiusap nito.

" That's not the password, brat!"

Sagot niya sa likod ng pinto.

" Please, I will behave!"

Napailing na lang siya, dahil malayong gawin iyon ng dalaga.

" I don't trust you, Gia."

" Please, Logan!"

Mababa ang tinig nitong sabi.

" Go to bed. And call my name. I want to make sure you're not planning something."

Sagot niya at narinig niya ang papalayo nitong mga yabag.

" Done!"

Sigaw nito na nasa malayong tinig. Kaya buong pag iingat niyang binuksan ang pinto. Naka upo si Gia sa gilid ng kama. She's wearing one of Czesta's dress. Nag iiwan din kasi ang kapatid ng mga gamit dito kahit hindi madalas na pumasyal ito doon.

Hindi siya lumalapit dito na mataman pinagmasdan ang dalaga.

" I don't think you'll have some reflection for such a short period of time."

Maya maya ay sabi niya at ipinatong ang pagkain sa bedside table. Sinundan lang siya ng tingin ni Gia.Hindi siya pinatulan sa pasaring niya.

" Papayagan mo ba akong lumabas? Kung hindi na kita papatulan sa pagiging mean mo?"

Tanong nito na gusto niyang tawanan. Siya pa ang mean?

" Explain, brat. Hindi tayo nagkakaintindihan."

Kunot noong tanong niya dito.

" Can I eat outside? Please, look at me! Ang putla putla ko na kasi hindi na ako na a arawan."

Maarte nitong pakiusap.

" Anong gagawin ko sa iyo pag hindi ka naging matino kausap?"

" Ikaw?! Kahit anong gusto mong ipagawa sa akin."

" You choose. Ibibitin kita ng patiwarik o ibibilad kita sa arawan?"

Nanlaki ang mga mata nito at napalunok laway. Saka sunod sunod na umiling.

" Magtitino akong kausap, promise!"

Itinaas pa nito ang kamay. He looks at her intently at pinag aralan kong anong strategy nito ngayon. Pero isa ang sigurado niya sa sarili. He will not let his guard down.

Nagpawala siya ng buntong hininga at lumapit sa sliding door papunta ng veranda. May passcode ang lock niyon at siniguro niyang hindi nito nasulyapan kung ano ang ini enter niya.

Paglingon niya bitbit na nito ang tray ng pagkain.

" Oh my! Sa wakas I can breath fresh air."

Pagkababa nito ng tray ng pagkain ay lumapit sa pasimano ng balcony at lumanghap ng hangin.

"Nawawala sa iyo ang mga pagkakataon na ganito dahil hindi ka nasunod sa rules, Gia."

Sabi niya dito na nakasandal sa gilid habang pinapanood ito.

The boss and the bratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon