" Bakit ka ba gigil na gigil sa kanya? Ang gwapo naman ah."
Natatawa niyang tanong kay Iris na ngayon ay namumula na ang mukha.
" Hay naku, kahit pa siya ang pinaka gwapo na lalaki na nakita ko sa buong buhay ko. No! No! No!"
May kasama pa itong pag iling at pag kumpas ng kamay.
" It's about time, Ai. Para naman hindi anak ni Kai at Scarlet ang inaangkin mo."
Natatawa niyang sabi dito.
" Puro mga friend material lang na meet kong lalaki. Wala nang lumalampas pa doon."
Sabi nito at muling nagsalin ng alak. Napansin niya ang pag sulyap ni Gabriel sa gawi nila.
" Maliban kay Mr. Valencia?"
" Erase, Logan! Baka nakakalimutan mo, I'm not really the member of your elite?"
Nakasimangot nitong sabi. Mukhang inis nga ito sa binata.Kaya mahina na lang siyang tumawa at tinapik ito sa balikat.
" Hindi nga pala kita napapasalamatan sa pag cover mo kay, Mr. Valencia. Wala lang talagang pwede, Ai. Kunting panahon lang naman kayong magsasama. Saka lubusin mo na may isang lalaki na ayaw kang maging friends."
Mahaba niyang sabi.At patuloy na pag kumbinsi dito na manatili itong maging bodyguard kahit sa loob pa ng ilang araw.
" Hmm, fine. Kundi lang dahil sa tulong mo sa akin. At ngayon maliban, kay Scar may Skye na akong kinukulit. Sige, subukan kong tiisin pa ang pagiging nega niya."
Napipilitan nitong sang ayon sa kanya. Dahil sa pagpayag nito. Ipinag patuloy nila ang pag inom. Hanggang mahalata niya ang pagkalasing nito.
Naiiling na lang siyang inalalayan ito.
" Where is her room?"
Tanong niya kay Gabriel na lumapit sa kanila.
" I will take her."
Sabi nito at binuhat si Iris na hindi makapalag.
" Mauna na ako Ai!"
Umangat lang ang kamay nito.Hindi naman ito nagwala sa ginawi ng binata kong ayaw nito dito. Naiiling na lang siyang bumalik sa kanyang sasakyan.
Sa halip na bumalik agad sa mansion. Dumaan siya sa isang convenient store. Bumili siya ng inumin. Nakapag pasya na siyang bumalik sa Manila kinabukasan. Baka nga kailangan ni Gia ng panahon pa para mawala ang pagiging tigre nito sa kanya.
" Where's Gia?"
Tanong niya kay Travis na nasa sala.
" Nasa itaas boss. Mukhang kumuha kayo ng lakas ng loob ah."
Natatawa nitong sagot dahil, alam na ng mga ito kapag naka inom siya.
" Tsk! Samahan ninyo ako ni Reb. Hindi naman lalabas iyang si Gia. Takot na lang niyang maka witness na naman ng barilan."
Agad naman na tumayo si Travis at saka tinawag si Dranreb sa kusina.
" Naghihimas na naman ng kaldero."
Iiling iling niyang sabi ng makita itong lumabas na may apron.
" Sunod na ako boss."
Sabi na lang nito, kaya sinenyasan niya si Travis na sumunod sa kanya. Sa gazebo ng mansion siya nagtuloy dahil iyon ang pinaka komportable na lugar para sa kanya.
BINABASA MO ANG
The boss and the brat
Romance𝓟𝓾𝓫𝓵𝓲𝓼𝓱𝓮𝓭 𝓷𝓭𝓮𝓻 𝓘𝓜𝓜𝓐𝓒!!!May physical book na po ito. Edited version. Logan Anderson Cervantes - boss of security agency for VIP and politicians. He is a gorgeous and very attractive man. Being boss suits him well. Dahil sa walang t...