Chapter 2

10K 214 11
                                    

Nilingon muna ni Logan ang babaeng nakadapa sa kama, bago tuluyang lumabas nang unit nito. Kilala itong modelo hindi siya pumapasok sa relasyon pero hindi siya kulang sa sex life. Patuloy ang production nang condom at walang pagka lugi sa kanila, ayon na din sa kaniyang mga pinsan.

Tumuloy siya sa private hangar na pag aari din nang Mountain Resort. Ilan sa miyembro niya ay mula sa Phil. Air force at US Air force katulad ni Travis and bodyguard ni Lavin.

" Boss!"

Kumaway si Al ang assign na pilot para sa mga guest. Isa itong US air force din, dahil madami nang guest ang resort hindi na niya ito ini assign mag bodyguard. Unless na lang may request ito. Tulad ni Nikko Aragon na isang stockholder ang ama sa kanilang agency.

" Gandang tanghali, Pareng Al."

Bati niya dito, kung boss ang tawag sa kanya nang kaniyang mga miyembro mas gusto niya ang mga itong tawagin na kumpare kahit mga binata pa ang karamihan sa mga ito.

" Akala ko ba boss, maaga? Tanghali na!"

Naiiling nitong sabi at may sinusupil na mga ngiti sa labi.

" Napuyat."

Sagot na lang niya na tinawanan lang nito. Alam nito ang sexcapade niya, at halos ganun din ang mga ito.

Sumakay na sila sa chopper papunta sa Mountain Resort n para sa kanya ay paraiso. Doon ikinasal ang kaniyang mga magulang, at tumatanggap sila nang ganung pagtitipon kung miyembro nang elite club ang magdaraos.

" Welcome to Paradise Mountain Resort, Boss."

Natatawa na sabi ni Al. Tinapik niya lang ito sa balikat at bumababa na nang chopper. Nasa itaas na bahagi ang helipad at kailangan niya nang golf cart na nakahimpil na sa di kalayuan. Mula sa itaas na bahagi na iyon ay kita ang kagandahan nang lugar. Mula sa man-made waterfalls at mga tree house na nadagdagan. Ang dating isang treehouse hotel at nadagdagan na nang tatlo.

" Let's go, boss. Bago pa matuyuan nang dugo si Daleon."

Pagyaya ni Al sa kanya na nilingon niya naka sakay na ito sa golf cart.

" Anong sabi mo?"

Kunot noo niyang sabi dito na sumakay na din.

" The brat is here bossing."

Sabi nito at napabuga na lang siya nang marahas.

" Kunti na lang isasako na ni Daleon si Miss Gia, boss."

Natatawa nitong sabi. Ano pa ba ang aasahan niya?

" Kailangan niya yata si Kevin Costner."

Naiiling na lang niyang sabi.

" Tsk, kailangan niya nang boyfriend boss. Mukhang bored at walang mapaglibangan."

" Sinong tatagal sa kanya?"

Tanong niya dito na iiling pa. Tumawa naman ito sa sagot niya.

" Iyan ang tanong sa kanya. Malay mo
naman boss. May natatagong bait naman si Miss Gia."

Hindi na siya nagsalita, mula nang makilala niya ito wala siyang makitang bait dito.

Nakarating na sila sa main resort matapos lang ang ilang minuto. At agad na nagsalubong ang kilay niya sa eksena na tumambad sa kanila.

"Tsk!"

Mabilis siyang lumabas nang golf cart at lumapit sa agaw eksena na si Gia.

The boss and the bratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon