" Ayaw kitang makita!"
Agad siyang tinaasan ng kilay ni Gia.Nang makita siya siya paglabas nito ng kwarto. Pasalamat na lang at umalis na ang mga kasamahan. Pero sigurado siya na nasa opisina lang ang mga iyon.
" Wala kang magagawa. I'm your bodyguard from now on!"
Sabi niya at pinagbukasan ito ng pinto ng kanyang penthouse.
" Ang dami naman pwede bakit ikaw pa? Ayaw ko sa iyo!"
Diin nito na hindi lumabas ng penthouse.Naka pameywang pa ito sa kanya. Nagmamaldita talaga, at hindi maitago ang inis sa kanya.
" Anong ayaw mo sa akin? Sabihin mo nga? Noong isang araw lang gusto mo akong bumalik bilang bodyguard mo."
Bahagya pa niya itong nilapitan, at napa atras naman ito.
" Noon iyon!Noong hindi mo pa ako pinakikialaman!"
Sigaw nito sa kanya. Napataas naman ang kilay niya.
"Ikaw ang nakiaalam sa akin, Gia! Gusto mo ipaalala ko sa iyo bakit tayo humantong sa pagka punit ng hymen mo? You grab my di-!"
" Stop! Enough!"
Sigaw nito at itinakip sa mga tenga ang palad.Tiningnan lang niya ito hanggang alisin ang mga palad. Sinamaan siya ng tingin at saka siya nilampasan. Mabilis itong lumabas ng pinto.
Sumunod siya dito hanggang makarating sila sa elevator. Susulyapan siya nito tapos pag napapatingin siya ay iirapan siya nito.
" Mahipan ka ng hangin, Gia."
Natatawa niyang sabi dito, pero isang matalim na tingin lang ang binigay sa kanya.
" Wag mo akong kausapin Logan. Galit ako sa iyo."
Maya maya ay sabi nito sa mababang tinig.
" You hate me as much as you hated yourself. "
Inaarok niya ang reaksiyon nito sa kanyang sinabi. Parang naiinis ito bumaling sa kanya.
" Hindi mo naman kailangan na maramdaman iyan, Gia. I'm not just a random guy. You know me. I-"
" Iyon na nga kilala kita. Kaya naiinis ako, pag makita ko ang pagmumukha mo. Maalala ko lang kung kanino ko ibinigay ang sarili ko!"
" Nagsisi ka ba?"
Tanong niya sa mababang tinig.
" Malamang! Kaano ano ba kita?"
Mataray nitong sabi sa kanya, kaya lumapit siya at hinapit ito sa beywang.
" I'm willing to be your boyfriend, Gia."
Alam niyang sa kislap ng kanyang mata pinadama niya na seryoso siya sa kanyang sinabi.
" L-logan!"
Pilit itong humihiwalay sa kanya, pero mas mahigpit ang ginawa niyang paghapit dito.
"Galit ka dahil you had sex for the first time at wala kang maalala. Then maybe this will help you remember something."
Hindi na niya ito binigyan ng pagkakataon na makapag protesta. Bumaba ang kanyang labi upang halikan ito. Nagpumiglas ito sa una, hanggang unti unti itong napakapit sa kanyang leeg.
" Wow, what a sight!"
Mabilis siyang itinulak ni Gia at namula ang mukha nito.
" Ano ang sadya mo?"
Hinawakan niya sa palad si Gia at inalalayan palabas ng elevator. Hinarap niya si Daleon na malaki ang ngiti sa labi.
" I will check my next assignment."
Malapit na nga pala itong mag report.
" Si Pareng Al na lang bahala sa iyo.Mauna na kami."
Tina likuran na niya si Daleon. Dumiretso siya sa parking area.
" Say something, Gia."
Untag niya dito ng makasakay na sila sa sasakyan.
" Don't do that again, Logan."
Sabi nito na hindi tumitingin sa kanya.
" Ang alin?"
Maang niyang tanong at nag maniobra na siya paalis sa lugar na iyon.
" Kissing me! Hindi tayo mag ka ano ano!"
Naiinis nitong sagot sa kanya.
" Hindi nga tayo mag ka ano ano, pero nag ano na tayo. And we both enjoyed it. Maybe you can't remember clearly, Gia. Pero sinisigaw pa din ang katawan mo ang namagitan sa atin. Don't deny it."
Pinandilatan siya nito ng mga mata. Pagkatapos ay inirapan siya saka tinalikuran.
" Good thing nag iba na ang tingin ko sa iyo Gia."
Natatawa niyang sabi dito, pero deadma lang siya.
" Everything you do, I found it really cute. At kahit ayaw ko napapangiti mo ako."
Bigla itong baling sa kanya naka awang ang mga labi.Pagkatapos ay namula ang mukha.
" Binobola mo ba ako para wala akong sabihin kay Daddy?"
" Bakit gusto mo ba sabihin kay Ninong na may ngyari sa ating dalawa? I don't care at all Gia."
Sinamahan pa niya ng ngiti ang sinabi. She let out a deep sigh at muling inilayo ang tingin sa kanya.
" Wala akong sasabihin dahil wala naman akong matandaan. I will try to completely forget everything. Kaya ayaw kong makita ka muna Logan. I'm okay with Reb and Travis, sila na lang ang ibigay mo sa akin."
Napatiim bagang siya sa sinabi nito. Pero marahil nga makakatulong dito kung hindi muna siya makikita.
" Fine! Kumain lang muna tayo, then send you home. I will send them a message to relieve me."
Pagsuko niya sa dalaga. Might be frustrating for her to have lost her V card and not remembering anything.
Marahil sa pinagsama sama na emosyon hindi na lang ito tumanggi. Dinala niya si Gia sa isang kilala na restaurant. Wala pa din itong imik habang nag i scan ng menu card.
Nag order ito at dumating ang pagkain nila na wala itong kibo. Kahit ang kanyang mga tingin ay balewala lang sa dalaga.
" Gia, don't treat me like this. Sinubukan ko naman na hindi gawin iyon. But you threaten me to run to someone else. Kung hindi ako sa iba ka lalapit."
Sa mahinang tinig ay sabi niya dito, nagbaba ito ng kubyertos at sumulyap sa kanya.
" God! I'm trying to forget everything, Logan! Huwag mo nang ipaalala!"
Mahina at madiin din nitong sabi sa kanya.
" Then kausapin mo ako! Hindi iyong para akong hangin dito."
Tinitigan muna siya ni Gia bago ibinalik ang atensyon sa pagkain.
" Wala akong sasabihin. Let's finish our food. Gusto ko ng umuwi."
Sabi lang nito. Nagpawala siya ng buntong hininga at saka tinapos ang pagkain.
" Pagbibigyan kita Gia na mapag isa at makapag isip. At seryoso akong gusto kitang maging girlfriend. Manliligaw ako sa iyo, I'm not asking permission. Pina aalam ko lang sa iyo."
Nabitin ang paglabas nito sa kanyang sasakyan at tiningnan siya ng masama.
" Hindi ako nagpapaligaw Logan."
" Tsk! Manliligaw pa din ako sa iyo. Sa ayaw at sa gusto mo."
" Para ano? You can have me again?"
Nandun pa din ang pait sa tinig nito.
" Kailangan ko bang ligawan ka para maangkin kang muli Gia? I don't think so. Liligawan kita dahil naramdaman ko sa iyo ang hindi ko naramdaman sa ibang babae."
Isang hindi makapaniwala na tingin ang binigay ni Gia sa kanya bago siya iwanan.
A/N: Paano manligaw kaya sa isang brat🤔?
Hmm, ilang beses kaya mababasted si bossing.
BINABASA MO ANG
The boss and the brat
Romance𝓟𝓾𝓫𝓵𝓲𝓼𝓱𝓮𝓭 𝓷𝓭𝓮𝓻 𝓘𝓜𝓜𝓐𝓒!!!May physical book na po ito. Edited version. Logan Anderson Cervantes - boss of security agency for VIP and politicians. He is a gorgeous and very attractive man. Being boss suits him well. Dahil sa walang t...