" Diyan tayo sasakay?"
Tanong ni Gia na hindi maitago ang frustration. Hindi nito inaasahan na ang sasakyan nila ay isang katamtamang laki na bangkang de motor.
" Yes."
Sabi niya at inilagay na niya ang bitbit na cooler. Ang diving equipment ay na ilagay na din ni Manong Larry kanina.
" You don't have a diving boat?"
Alanganin nitong tanong. Isang ngiti lang ang sagot niya dito.
" Malapit lang dito ang diving spot. And to answer your question. I don't have. Nag bago na ba ang isip mo?"
Tanong niya dito. Pero umiling ito at saka lumapit sa bangka.
" This is what you want di ba? Maging normal. Sa bahaging ito ng Pilipinas this is normal to use for diving."
Sabi pa niya dito na natahimik ito na nagpaalalay sa kanya sa pag akyat sa bangka.
" You will keep me safe naman di ba?"
Tanong nito ng sumampa na din siya sa motor. Alam niyang hindi ito mapapatakbo ni Gia. Unlike kung diving boat ang gagamitin niya na de susi.
" Of course, dapat ingatan kita kasi nag iisa ka lang Gia."
Sabi niya na hindi maitago ang kanyang nakakalokong mga ngiti dahil sa pagka dismaya nito.
Hindi na ito nagsalita at mahigpit na lang na kumapit sa katig nang bangka na gawa sa kawayan.
Ilang saglit at nasa diving spot na sila. Ilang metro ang layo mula sa kanilang beach house.
" Ready ka na ba?"
Tanong niya dito. Na inihinto niya ang bangka.
" Yes."
Sabi nito kaya lumapit siya at ikinabit dito ang diving equipment.
" I knew you did this before. Kaya alam mo na kung paano ito gamitin. "
Tumango ito. Siya naman ang nagkabit ng diving equipment. At sabay silang lumusong ni Gia sa dagat. Pagka kita pa lang niya sa coral reefs at makukulay na mga isda ay nawala sa loob niya ang stress. Marahil ganundin ang dalaga dahil sinusubukan nitong makipag sabayan sa mga parrot fish na nakita.
Ilang sandali silang nanatili sa ilalim ng dagat hanggang makaramdam sila ng pagod. Sabay din silang umahon.
" That was fun!"
Sabi nito at hinubad ang diving suit. Isang black two-piece strappy na bikini suot nitong panloob.
" Yeah!"
Sagot na lang niya at binuksan ang cooler at kumuha ng maiinom. Malamig na beer na dinampot niya.
" Can i have some?"
Tanong nito ng makita ang hawak niya kaya inabot niya ito dito.
" Thanks!"
Sabi nito at alam niyang sinadya nitong dumikit ang mga palad nito sa kanyang palad.
Another dirty trick!
Iniiwas niya ang tingin dito na pilit nitong hinuhuli ang kanyang mga mata.Tumalikod siya dito at hinubad ang kanyang diving suit. He wore diving shorts as undergarments.
Kumuha siya ng beer sa cooler at naupo sa bahagi ng bangka na tumatakip sa makina. Malayo sa dalaga na hindi siya hinihiwalayan ng tingin.
Lumapit naman sa kanya ang dalaga at naupo sa kanyang tabi. Ang katawan nito ay idinikit sa kanyang braso.
BINABASA MO ANG
The boss and the brat
Romance𝓟𝓾𝓫𝓵𝓲𝓼𝓱𝓮𝓭 𝓷𝓭𝓮𝓻 𝓘𝓜𝓜𝓐𝓒!!!May physical book na po ito. Edited version. Logan Anderson Cervantes - boss of security agency for VIP and politicians. He is a gorgeous and very attractive man. Being boss suits him well. Dahil sa walang t...