" Ano yan?"
Naka simangot na sabi ni Gia ng iabot niya ang paper bag dito.
" Polvoron."
Maiksi niyang sagot na tinitingnan ito ng matiim. Hindi naman ito makatingin sa kanya.
" Hindi na ako kumakain niyan."
Tanggi nito at tatalikuran na sana siya pero pinigilan niya sa braso.
" Kunin mo na! May atraso ka pa sa akin Gia. Wala pang nakakagawa ng ginawa mo sa akin."
Sabi niya at diniinan ang tinig, kahit ang kanyang tingin ay seryoso. Isang matalim na irap ang binigay ni Gia sa kanya.
" Bakit? Dahil ikaw ang nang iiwan sa kama?"
Tanong nito sa marina din na tinig.
" Lakasan mo, para marinig ni Ninang."
Sabi niya at sumulyap sa ina nito na nasa garden. Abala ito sa bagong dating na mga halaman.
" Para ano? Ipakasal ako sa iyo? Ayoko!"
Kahit mahina lang ang boses nito ay nanlilisik naman ang mata na nakatingin sa kanya.
" Tsk! Sige magpa kipot ka pa Gia! Baka kapag handa ka ng pakasalan ako. Ako naman ang hindi na pwede!"
Itinuro pa niya ang sarili at umangat ang gilid ng kanyang labi.Umangat ang palad nito pero agad din na ibinaba at madiin na kinuyom.
"I don't care!"
Sigaw nito kaya napalingon ang ina nito sa kanila.
" Gia?"
Nagtataka itong nakatingin sa kanila.
" It's okay Ninang. Gusto niyang lumabas. I told her not to."
Siya ang sumagot at sinulyapan niya si Gia na nagbago ang ekspresyon ng mukha.
" I will just go to my room, Mommy."
Paalam nito at tinalikuran na sila. Sumunod naman siya dito. Nang mawala na sa paningin nila ang ina nito at muli siya nitong hinarap.
" Bakit anong akala mo? Because you have me, magkandarapa akong hahabol sa iyo? Sorry to disappoint you, Logan. But I will not do that!"
Naniningkit ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.
" Fine! Suppress your feeling, I also don't care. Pero hindi ko pipigilan ang nararamdaman ko."
Bago pa ito makahuma ay agad kong hinapit ang beywang niya. Grab her neck and kiss her senseless!
A playful smirk formed my lips when she moan and returned my kisses.
Pero saglit lang iyon at mukhang naka bawi ito at agad siyang itinulak sa dibdib.
" You should know what you will miss Gia."
I gazed at her intently,pero isang masama na tingin ang ganti nito sa kanya.
" Kung kaya mo sa palagay mo hindi kaya ng iba?"
Tanong nito na may kasamang pang uuyam sa tinig.
" No! I will not give you a chance Gia!"
Biglang uminit ang ulo niya sa sinabi nito.
" Bakit ikaw? Ilan na ba na ikama mo? Maybe I should do the same. And if in the end ikaw ang pinaka magaling. Sa iyo na lang ako exclusively."
" Don't you dare Gia! Kung ayaw mong iposas kita ulit sa kama ko!"
At bago pa mas tumindi ang sagutan, nila ay tinalikuran na niya ito. Narinig pa niya ang mahina nitong pagtawa. Pakiramdam nito siguro nanalo sa argumento nila dahil tinalikuran niya.
Hindi nito alam na iniwasan niya lang na bitbitin ito sa sarili nitong silid at parusan. Give her sex that she will not think of anyone but him!
" Logan, come here!"
Nahinto ang pagpunta niya sa poolside at nililingon ang ina ni Gia. Malaki ang ngiti nito habang may hawak na halaman.Alam niya na mamahalin at imported ang mga ito.
" Come here, Logan."
Tawag nito sa kanya na kumakaway pa. Kaya lumapit siya dito.
" Hello po, Ninang."
Bati niya dito at naupo sa kahoy na upuan na katerno ng mesa.
" Kumusta ang panliligaw mo kay Gia?"
Tanong nito, napakamamot naman siya sa batok.
" Madalas basted, Ninang Gwen."
Malakas itong natawa sa sagot niya.
" Pasensiya na Logan. Hindi nalingid sa kanya ang pinagdaanan namin ni, Jacob. Kaya siguro takot magmahal."
Sabi nito at naupo din sa bakante na upuan. Hindi naman nagtagal at may dumating na merienda para sa kanila.
" But Ninong Jacob loves you so much. Hindi ba niya gusto maranasan ang mahalin din?"
Tipid lang na ngumiti ito at kumuha ng juice saka uminom.
" I suffered a lot dahil sa pagmamahal. It took me eight long years para muling maniwala sa pag ibig. Kung hindi lang sa Mommy mo na hindi na bumalik sa Boston hindi ako babalik dito sa Pilipinas."
Kuwento nito, pero wala siyang alam sa istorya ng kaniyang mga magulang. Naging saksi lang siya sa pagmamahalan ng mga ito mula ng mag ka isip siya hanggang ngayon.
" Because of politics naging open ang buhay ninyo."
Maikli lang niyang komento at inabot ang isang baso ng juice.
" And Gia hated it. Nawalan siya ng privacy. I know Jacob also doesn't like it, pero iyon ang kondisyon ng Papa. Matigas lang din ang ulo ko and wanted to suffer Jacob. I didn't know he can endure everything. He has my love and respect now. I don't regret giving him another chance."
Napatango tango siya sa sinabi nito.
"Darating din iyan sa buhay ni Gia. Believe me, Logan, matigas lang sa panlabas na anyo si Gia. But deep inside she's vulnerable. Gusto din niyang mahalin ng totoo."
" Totoo naman ako Ninang."
Mabilis niyang sagot. Kaya muli itong natawa.
" Yeah, we had dinner with your parents ng magsabi ka kay Jacob. At hindi nila inaasahan ang ginawa mo, dahil hindi mo naman daw gawain na manligaw?"
" Ngayon pa lang, kaya lang mahirap pala manligaw lalo na si Gia ang liligawan."
Sabi niya at napailing.
" Pero hindi naman ako basta basta susuko, Ninang Gwen. Pasasaan ba at bibigyan din ako ni Gia nang pagkakataon."
Determinado talaga siyang mapa sagot si Gia. Dahil sa sinabi nito kanina abot abot ang pagpipigil niya sa sarili. He doesn't like the thought, magwawala siya kapag may ibang humawak kay, Gia!
" That's the spirit. Lucky for the man who will know my daughter inside out."
Sabi ng ina nito at nahulog siya sa malalim na pag iisip.
Paano nga ba niya ma corner si Gia kung wala itong ginawa kundi ang takbuhan siya?
" Logan, I hope she will be as lucky as your mother. Until now, hindi ako makapaniwala sa ginawa ng Daddy mo just to have your mother."
Kumislap ang mga mata nito sa pagbabalik tanaw.
"Wala akong alam about their love story."
" Mas mabuti na hindi mo alam. Most especially your sister Czesta."
Nakangiti nitong sabi at nagpa alam na sa kanya. Tumango lang siya at naiwan na nag iisip kung paano pa din mapapaamo si Gia.
BINABASA MO ANG
The boss and the brat
Romance𝓟𝓾𝓫𝓵𝓲𝓼𝓱𝓮𝓭 𝓷𝓭𝓮𝓻 𝓘𝓜𝓜𝓐𝓒!!!May physical book na po ito. Edited version. Logan Anderson Cervantes - boss of security agency for VIP and politicians. He is a gorgeous and very attractive man. Being boss suits him well. Dahil sa walang t...