Chapter 19

6.2K 160 14
                                    

" Stop crying will you?"

Sigaw niya kay Gia na iyak ng iyak. Habang nakasubsob ang mga mukha sa palad nito.

Nagsisimula nang mamanhid ang kanyang kaliwang braso. Patuloy pa din ang pag agos ng dugo niya sa kanyang mga braso.

Nang mapansin na hindi nakasunod ang mga nagbalak ng masama sa kanila ni Gia ay itinigil niya sandali ang sasakyan.

" Pareng Al, I'm hit! Sunduin mo kami sa beach house. And report to my Dad the incident."

"Copy, boss! Will you be okay?"

" Yeah, I can hold on at least for two more hours."

Sabi niya at nagpaalam na sa kausap. Saka muling pinaandar ang sasakyan. Sinulyapan lang niya si Gia na pinipigilan ang pag iyak. Hindi ito makatingin sa kanya.

" Logan, how can I help?"

Nanginginig nitong tanong habang pabagsak niyang inilagak ang sarili sa sofa.

" Maupo ka diyan at wag kang gagalaw."

Turo niya sa pang isahan na sofa. At mabilis naman itong sumunod.

" I -I'm sorry!"

Mahina nitong sabi.

" Wag ka din magsasalita!"

Pailalim niya itong tiningnan at napasiksik naman ito sa upuan. Tahimik na tumulo ang luha nito.

Hinubad niya ang kanyang T-shirt at sinipat ang tama ng bala sa kanya. Mabuti na lang at daplis lang sa balikat ang tama niya. Pinunit niya ang damit at itinali niya iyon sa kanyang sugat. Kailangan na maampat ang kanyang pag durugo.

" Kunin mo ang napkin sa itaas!"

Utos niya dito dahil hindi nito maampat ang pagdurugo ng kanyang sugat. Patakbo naman itong sumunod. Kaya saglit lang ay inaabot na nito ang napkin sa kanya.

" Ilagay mo sa sugat ko!"

Sabi niya dito at nanginginig na ginawa nito ang utos niya. Tapos ay tinalian nito ng bahagi ng t-shirt na kanyang pinunit.

" Forgive me, Logan."

Hinawakan siya nito sa mga kamay.

" Pag di ako namatay, patatawarin kita."

Sabi niya at matapos palitan ng bagong magazine ang kanyang .45 caliber na baril ay sumandal ang ulo niya sa headrest ng sofa. Mariin niyang ipinikit ang mga mata.

Hindi niya alam kung ilang oras siyang nakatulog. Nagising siya sa pagpasok ng mga kasamahan.

" Boss!"

Agad siyang nilapitan ni Daleon at sinuri.May portable itong pulse oximeter at tiningnan ang kanyang pulse rate at oxygenation.

" Dalhin ninyo ako sa itaas."

Sabi niya at tinulungan siya ni Daleon na tumayo. Ganundin si Al na sumunod na sa kanila.

" Dimayuga, Falcon bantayan ninyo ang babae na iyan."

Utos niya sa iba bang kasamahan at tinapunan ng masamang tingin si Gia na tahimik lang na nakaupo sa sofa.

" Ayos Bossing na first aid ito ah."

Sabi ni Daleon habang inaalis ang sanitary napkin sa kanyang balikat.

" Mabuti daplis lang."

Komento ni Al na nakamasid sa kanila ni Daleon.

" Anong sabi ni Dad?"

Baling niya kay Al, at napapangiwi sa antiseptic, na pinapahid ni Daleon.

The boss and the bratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon