Chapter 5

7.8K 175 9
                                    

Gusto sana niyang umatras ng makita ang naghihintay sa kanya na kausap ng kanyang ama. Ang kasalukuyan na Presidente at best friend nito si Jacob Manalo!

" Logan, come here."

Napatiim bagang siya dahil nahuli na siya ng pansin ng kanyang ama.Kaya wala siyang nagawa kundi ang lumapit.

" Magandang araw, Ninong. Hi, dad."

Bati niya sa dalawang lalaki na matagal na ang pinag samahan.

" I'm glad you can make it, Logan. Maupo ka."

Nakangiti na baling nito sa kanya. Wala na siyang nagawa kundi ang pakiharapan ang mga ito. Kahit alam na niya ang kahihinatnan ng pag uusap.

" Pasensya ka na, alam ko kung gaano ka kaabala. But I really need your help, Logan."

Panimula ng kanyang Ninong Jacob. Kaya napatango na lang siya.

" It's about Gia."

Napakuyom ang kanyang kamao na nasa ilalim ng mesa na nakapatong sa kanyang mga hita.

" What about her, Ninong Jacob? I gave her my best men and if you want I can give more-"

" Just you Logan. Ikaw na lang ang magbantay kay Gia. Ang hirap na niyang i control, she has reasons why behaving like that. Pero ayaw ko gamitin siya laban sa akin."

Agad na pinutol ng kanyang Ninong slash Tito Jacob ang kanyang sinasabi. Napabaling siya sa kanyang ama. Tumango na lang ito.

Paano ba siya tatanggi?

" Mayroong report and intel about a big drug syndicate na balak sirain ang Ninong Jacob mo. And if they get hold of Gia, alam mo magiging epekto niyon sa Ninong Jacob at Ninang Gwen mo."

Mas dumiin ang pagkuyom ng kanyang mga palad.Tama ang kanyang ama, Gia is a precious child. Dahil sa unang pagbubuntis ni Ninang Gwen ay makunan ito.At nahirapan na ang mga ito magkaanak ulit. And out of four pregnancies, si Gia lang ang natuloy na mabuhay.

" No plan to send her abroad, Ninong?"

Tanong niya dahil ganun ang ginawa ng mga ito ng panahon ng campaign at election.

" Mas delikado. They are determined na mahawakan sa leeg ang Ninong Jacob mo."

Nagtangis ang kanyang mga bagang. Being his father as chief of Staff, lalong hindi siya maka hindi. Nasa harap niya ang pinaka ma impluwensya na tao sa bansa.

" I understand."

Sabi niya na tumango na lang.

" Please, Logan. Gawin mo ang lahat para maging ligtas si Gia."

Pakiusap ng kanyang Ninong Jacob. Sumulyap siya sa kanyang ama na tumango. Kaya labag man sa kanyang kalooban ay sumang ayon siya.

" Okay po, Ninong."

Agad na nagliwanag ang mukha ng Presidente sa kanyang sinabi.

" Thank you, Logan. I'm counting on you."

Sabi nito at tinapik pa siya balikat. Pakiramdam niya na sentensiyahan siya. Natapos na ang kanyang masasaya at tahimik na mga mga araw.

Ilang saglit pa silang nag usap sa mga kaswal na bagay hanggang lumapit ang mga pinuno ng PSG.

" Bro, I have to go."

Paalam nito sa kanyang ama.Bumaling ito sa kanya at ngumiti.

" I'll go ahead. Thank you ulit Logan. I entrusted you, my daughter."

The boss and the bratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon