" Kung ayaw mong matulog sa loob ng banyo o sa veranda. Mag behave ka, brat!"
Sabi niya dito habang ikinakabit ang posas na nasa isang braso nito sa poste ng kama. Mabuti na lang at may canopy ang kanyang kama. Dahil may access ang miyembro ng EB sa kanyang penthouse. Kaya ginagamit niya ito para hindi siya ma isturbo kapag biglang dumating ang mga ito.
Wala itong salita at inabot ang mga paa ng libreng mga kamay. Tinanggal nito ang suot na sneakers at saka nahiga.
Tumahimik na lang din siya at tumalikod dito.It's just a queen size bed kaya hindi naman ganun kalayo ang pagitan nila. Hindi siya nagdadala pa ng babae dito. Respeto niya sa mga magulang na naging unang tahanan ng mga ito.
"Lord, sana paggising ko hindi na ako sa Gia Manalo."
Bulong nito na ikinakunot niya ng noo. Marunong pala itong manalangin? Pero bakit ganun ang dasal nito. Nilingon niya ito na ngayon ay nakatalikod na din sa kanya.
Pinigilan niya ang pag pikit ng mga mata hanggang marinig niya ang marahan nitong paghinga. Tanda na nakatulog na ito. Maingat niya itong iniwan sa kama at lumabas siya ng sala.
Nailing na lang siya sa nagkalat na bubog ng center table. Marahil sinipa nito iyon. Sa sofa siya nahiga at saka nagpatangay sa antok. Kailangan niya ng malakas na katawan to deal with Gia.
Pagkakaingay sa kusina ang nakapag paggising sa kanya. Tumambad sa kanya ang mga tauhan na may kanya kanyang hawak ng tasa ng kape.
Nasa harapan nito ang plastic ng pandesal." Punyeta ang aga aga ninyong mambulabog!"
Sabi niya sa mga ito at nagsilapitan sa kanya ang mga ito. Tiningnan siya na parang ini inspection ang kanyang mukha at katawan.
" Anong problema ninyo?"
Angil niya sa mga ito.
" Walang amnesia si bossing! Hindi naman na damage ang utak. Mukhang maliban sa putok sa nose bridge at kagat sa braso. Okay, naman!"
Sabi ni Joshua na alam niyang nasa medical field bago mag training sa marine. Kaya ito ang medic ng grupo.
Isa isa na ulit siyang iniwan ng mga ito at bumalik sa mga kape na iniwan sa mesa. Tiningnan niya ang braso niya, namumula pa din iyon. Marahil nakita ng mga ito dahil nasa noo ang braso niya habang natutulog siya.
" Linisin ninyo ang kalat dito ha? "
Sabi niya na tumayo na para pumasok sa kanyang silid.
" Yes, boss!"
" Kalalaking tao mga tsismoso!"
Bubulong bulong niyang sabi habang papasok ng kanyang silid. Alam niyang na tsismis na siya ng tatlo kagabi kaya ang aga na isturbuhin siya ng halos mga miyembro ng EB na off duty.
Maingat niyang binuksan ang pinto at dahan dahan na pumunta sa bahagi ni Gia. Saglit niya itong sinulyapan.Isa lang ang pumasok sa isip niya bago ito lagpasan at pumasok sa banyo.
" Mabait lang pag tulog!"
Agad niyang hinubad ang kasuotan at tumapat sa ilalim ng shower at naligo.Baka sakaling gumaan ang kanyang pakiramdam.
Looks like his life will turn upside down, simula sa araw na ito.Itinapis lang niya ang tuwalya sa ibabang bahagi ng katawan at lumabas ng banyo.
Paglabas niya gising na si Gia at pilit na hinahatak ang braso sa poste ng kama.
" You'll hurt yourself if you continues doing that. Maghintay ka!"
Sabi niya na nakapag pa angat dito ng tingin sa kanya. Pinasadahan siya nito ng tingin pagkatapos ay ngumisi.
BINABASA MO ANG
The boss and the brat
Romance𝓟𝓾𝓫𝓵𝓲𝓼𝓱𝓮𝓭 𝓷𝓭𝓮𝓻 𝓘𝓜𝓜𝓐𝓒!!!May physical book na po ito. Edited version. Logan Anderson Cervantes - boss of security agency for VIP and politicians. He is a gorgeous and very attractive man. Being boss suits him well. Dahil sa walang t...