SpokenPoetry #62

19 2 4
                                    

✍ -062-

     「Ano na?」

Ano na sinta
Tagal mo pota
Halatang halata
Nag-aabang ang mga mata

Ano na mahal
Ba't nauutal?
Tangina bakal
Wala talaga kahit butal

Ano na irog
Bakit pabilog?
Kanino ko pa 'to inuuntog
Punyeta sa'yo pa rin kumakalabog

Ano na gugma
Sabik at sakit ang aking nadarama
Lakas ba naman ng aking tama
Kahit saan, mukha mo ang nakahulma

Ano na aking sandalan
Akala ko ba laging hintayan?
Magkasama sa bawat pupuntahan?
Tangina, bakit nawala nalang ng biglaan?

Ano na?
Saan na?
Wala na?
Tapos na.

Poetries [ COLLECTION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon