SpokenPoetry #13

106 17 0
                                    

✍ -013-

     「Pagkukulang」

Paumanhin, sa mga bagay na hindi naging sapat sa iyo
Sa mga bagay na hindi ko nabubuo
Pati na rin sa lahat ng nakakalimutan ko sayo,
Tila ba'y mas nangingibabaw na sa puso ko ngayon.

Noong una'y ikaw lang lagi ang nasa isip ko,
Bawat paggalaw ay nakikita ko ang imahe mo,
Ang pangangatuwirang ikaw lagi ang rason,
Sa bawat pagabante ng buhay ko.

Sa pagdaan ng panahon ay lumalayo,
Nakakalimutan ko na mayroon palang tayo,
Nandiyan ang tropa upang samahan ko,
Kaya't ang lahat ng oras ay sa iba na naibubuhos.

Ang puso ko'y nanghihina,
Nawawalan ng gana,
Nagsasawa,
Ang pagmamahal ko'y malapit ng magluksa.

Naaalala mo? 'yung mga ginagawa ko sa iyo?
Lahat ng 'yon ay may halaga hanggang sa ngayon,
Ngunit ang ngayon ay tumatakbo,
At patuloy sa pagtakbo hanggang sa mapagod.

Nakakapagod nga talaga na maging bulag,
Maging isang pikit matang susugal,
Na titiisin kahit wala na ang pagmamahal,
At pati na rin ang oras na hindi mapagbigyan.

Umiikot at umiikot ng umiikot ang mundo,
Sa pag-ikot nito'y kasabay ng paglimot mo.
Nalalapit na ang pagtatapos,
Kaya't ako nalang ang tatapos kahit ako na naman ang talo.

- | - | - | - | -

Requested by: Angelika Torrecampo

Poetries [ COLLECTION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon