SpokenPoetry #64

19 3 0
                                    

✍ -064-

     「Layag」

Naglayag ako sa karagatan
Sa mga alon na nagtataasan
Kasabay ng ulang nagbabagsakan
Tungo sa hindi tiyak na paroroonan

Nagsimula ang lahat sa pagtataya
Halos punong-puno ng saya
Buong loob ba naman niya akong niyaya
Isang pagkakataong tunay na biyaya

Wala akong pinapalampas na oras
Laging nakasubaybay sa mata mong matalas
Binibining marikit na may basbas
Naniniwala pa rin ako na ikaw ang aking landas

Sa kalagitnaan ng paglalakbay
Nakaramdam ako ng takot at lumbay
Alam kong ikaw ang aking karamay
Sa lahat, hawak pa ang aking kamay

Napaurong ako sa dilim ng kalangitan
Tanong sa isip kung may kahahantungan
Sa kabila ng distansyang lalabanan
Sa bandang huli, takot din palang ako mawalan

Poetries [ COLLECTION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon