SpokenPoetry #8

225 22 0
                                    

✍️ -008-

「Mga apat na salita」

Mahal na talaga kita,
Nadarama mo, sinta ko?
Hindi mabawi ang tingin,
Sa presensyang dala mo.

Kahit mahirap kang abutin,
Narito, pipilitin kang makamit.
Sana'y mapansin mo 'ko,
Kahit ako'y malabong mapasaiyo.

Kahit na walang pansin,
Laging handang magpapansin sayo,
Basta't magkausap lang tayo,
Okay na okay ako.

Mga kundiman na kanta,
Aking inaalay lamang sayo.
Praktisadong liriko ng kanta,
Handang awitin kahit paos.

Kahit walang regalong dala,
Hayaan dahil psasayahin kita,
Simpleng banat na pabiro,
Magiging sapat kahit kapos.

Isang ngiti mo lamang,
Kilig na hanggang paa.
Masaya ring kausapin ka,
Para bang wala ng bukas.

Napako ang aking mata,
Na mas lalong lumalalim,
Na nababalot ng dilim,
Ikaw na nananatiling nandiyan.

Maghihintay hanggang ika'y magpasya,
Pipiliin mo'y ako ba?
O ang mga nagaabang,
Na wala namang ginawa.

May mga kasabayang manligaw,
Subalit hahayaan ko nalang.
Alam ko namang ako,
Ako, isa sa lahat.

Poetries [ COLLECTION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon