SpokenPoetry #63

19 2 0
                                    

✍ -063-

     「Puhon」

Sa gitna ng dilim na kay lamig
Ramdam ko ang sakit at nginig
Sa takot na ika'y bukambibig
Na lumason sa aking daigdig

Sa labing tatlong araw na iyon
Tuluyan akong nadala sa alon
Subalit kailangan kong umahon
Iwas sa masalimuot kong kahapon

Akala ko'y hanggang dulo tayo
Sinunod ko ang lahat ng iyong payo
Sa kabila ng distansyang napakalayo
Pinili kong sumandal at maniwala sa'yo

Hanggang ngayon ay ito ang totoo
Ako'y nahulog at ang ulo ay tumama sa bato
Himala't walang bali ang mga buto
Pero sa puso at isip, bakit ka naririrto?

Maiksing oras lamang iyon
Pero pakialam ko ba sa panahon?
Abutin man ng ilang taon
Mangyayari rin ang mga ito, puhon.

Poetries [ COLLECTION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon