SpokenPoetry #76

7 0 0
                                    

✍ -076-

「Kakatakot」

Bakit nakakatakot maghintay sa panahon ngayon,
Gayong alam naman natin na marami pa rin namang seryoso?

Ang mahirap pa ay sa kalagitnaan ng paghihintay natin,
Hindi natin alam na may nananalo na pala.
May mga bagay na hindi dapat natin iniisip pero hindi maiiwasan,
Ika nga nila na kung susugal ka ay dapat handa ka rin sa kaakibat na resulta nito.

Sa bawat oras na nilalaan mo para sa taong inaalayan mo,
Bahagi ng puso mo ang nawawalan.
Sa panahon ngayon, bihira na lamang ang nakakaalam sa tunay na kahulugan Ng mga salitang paghihintay, pagseseryoso at panliligaw.

Hindi rin natin sila masisisi sapagkat maaari silang magbago,
Sa isang iglap ng dahil sa karanasan nito sa paghihintay.
Kaya ngayon ay mahirap na magtiwala sa paghihintay at hihintayin,
Para tayong hibang na pinanghahawakan ang tila mga salita lamang.

Poetries [ COLLECTION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon