SpokenPoetry #19

101 18 0
                                    

✍ -019-

     「Sasagipin kaya?」

Matagal na akong nakatingin sa ilog
Malalim. Nakikita ang sariling unti-unting nahuhulog.
May sasagip kaya?
Bawat hampas ng tubig sa batong matigas
Parang puso kong patuloy na naaagnas
Madilim.
Kung sakaling tuluyang mahulog ang katawan
Panambitan ang iyong pangalan.
Sasagipin kaya?
Marumi.
Na halos di na makita ang sarili
Nalunod sa kawalan nang may pagsisisi
Makakahon kaya?
Lalangoy ako kahit pilit na pumapaimbaba at hinihila ng agam-agam at pagduda
Di mawala ang katotohanang ika'y kakakilala
Maniniwala pa ba?
Ramdam ko ang kawalan ng importansya
Di ako ang inuuna
Walang karapatang umahon sa ilog dahil sa simula palang ako na ang nagpalunod
Nang aking isip at emosyon
Sa tulad mong batong sinisikap na maging malabot sa kabila ng bawat paghampas ng tubig na kaakibat ang sakit sa iyong kahapon
Lunod ako sayo. Lunod ka sa kanya.
Kailan tayo makakaahon?
May sasagip kaya?

-|-|-|-

-Amor

Poetries [ COLLECTION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon